KABANATA 33

5.7K 123 48
                                    

It really took me almost a week to finally let go of my baby.

I went to Manila with them, secretly. I haven't had the choice to tell them about my story and who I really was. They also concluded that maybe, my family probably thinking that I was already dead because of the accident and news. And I will remain dead so no one will have to know I am still alive and living painfully away from them. I was just so thankful they still chose to let me with my decision and helped me instead.

Tinulungan nila akong magtago at kinailangan ko pang nakiusap sa naging OB gyne ko na itago ang mga records ko para walang bakas. Hindi ko alam kung kilala ba ako o nakilala sa balita pero sapat na 'yong hindi na rin siya nagtanong pa at piniling i-keep ang privacy ko as her patient. I paid her right with the money I still have. That part was already solved.

Ligtas naman ang naging operasyon ko at maayos pa rin akong nakauwi sa bagong tahanan kasama sila. Naabot ng mga buwan ang pagkukulong ko sa bahay at hindi paglabas para makaiwas na rin sa tanong ng kanilang mga malayong kapitbahay. Wala na rin akong nababalitaan pa tungkol sa akin dahil pinili kong huwag nang alamin pa. Wala rin naman ang cellphone ko at nasama sa kotse kaya wala nang makaka-kontak sa akin o trace.

Nagsimula lang akong maglabas-labas nang tuluyang makaalis si Christian at nakapag-abroad. Naiwan ako kasama si Anna na medyo malaki-laki na ang tiyan at malapit nang manganak. Ako ang nag-aalaga at sumusubaybay sa kanya sa pagbubuntis.

Nang dumaan ang araw ng birthday ni Halseth ay hindi ko napigilan ang sariling alalahanin siya. Iniyak ko ng buong araw ang pagka-miss ko sa kanya kaya mas lalo akong nawalan ng ganang lumabas at magsaya. Pero naisip ko, hindi rin naman makakatulong kapag nagmumukmok ako dahil mas lalo ko lang siyang maaalala sa bawat oras na nakatulala ako sa kawalan.

Months came so fast and it was month of April when Anna gave birth to a healthy baby boy named, Ambo. Akala ko nga noong una kung aabot sa araw ng 25 para pareho kami ng birthdate pero hindi dahil mas nauna siyang nailabas bago pa ang araw na 'yon. Nag-birthday ako kinaumagahan at sabay naming ipinag-celebrate kasama si Ambo.

Naging maayos ang buhay ko kasama sila sa mga nagdaang anim na taon. I contented my simple and peaceful life having them as my family now. Masaya ako at nakakilala pa ng iba't ibang tao sa Santa Yvez. Maayos at mabait ang trato sa akin ng mga tao at tinanggap ako kahit dayo sa kanila, hindi naman 'yon naging dahilan para hindi nila ako magustuhan. Napapamahal na ang buong Santa Yvez sa akin.

Akala ko tuloy-tuloy na ang tahimik kong buhay rito kasama sila pero akala ko lang pala.

"Andiyan na masugid na manliligaw mo, Andie!" Kinikilig na namang puna ng mga kumakain sa maliit na kainan ko sa palengke nang makita kung sino ang papalapit.

Hindi ko pinansin at inabala ang sarili. Pero napaayos rin ako ng tayo at nataranta nang marinig ko ang malalim na boses niya sa harap kahit na sa kabila ng mga maliliit na bungisngisan at panunukso na naman ng ilang kumakain.

"Dating order ko, Andie..."

"A-Ano? Hindi ko naman maalala..." Iwas ko ng tingin pagkasulyap sa kanya ng mabilis lang saka bahagya akong umirap bago nilinisan ulit ang counter para sa susunod na kakain.

Sa mga nagdaang taon ay ito na ang naging business namin ni Anna kasama ang tindahan niya ng mga damit at ukay-ukay sa kabilang parte ng palengke. Nasa parteng wet market ang pwesto ng kainan ko at nasa may gitna kahilera ang ilang kainan rin pero iba-iba ang tindang pagkain. Dito kasi mas madalas na tumambay ang mga trabahador at kargador at dito rin mas pinipiling kainan ng ilang mga namimili sa palengke kapag tinatanghali. Marami akong napagbebentahan siguro dahil masarap naman talaga ang luto ni Hannah. Masarap din daw naman ang kanin na niluluto ko!

DANDELION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon