KABANATA 35

6K 121 26
                                    

Sabado ay pinili kong hindi muna magbukas ng kainan at sa tindahan ako sumama. Marami din naman ang nagsara dahil hindi naman araw ng palengke at iilan lang ang nananatili minsan kaya matumal din ang benta.

"Mama, ah."

Napangiti ako at agad na sinubuan ang anak ng nabalatan kong rambutan. Matapos masubo ay itinuon uli ang mata sa nilalarong cellphone kaya nagbalat ako ng panibago at kumain rin. Abala naman si Anna sa pag-aayos ng mga nakasabit na damit at inihilera ng maayos. Nasa harap din kami ni Ambo at naghihintay rin ng mga bibili. Kami lang ang nagbukas sa pwesto at ang kaharap ay hindi. Nasa malayong pwesto na ang iba kaya hindi magkakaagawan ng kostumer.

"Anna,"

"Hmm?"

"Bumili na lang kaya tayo ng bagong electric fan niyo rito? Matagal na rin ito oh," turo ko sa electric fan na mabagal umiikot at mahina rin ang buga. Napaupo siya sa tabi ko at nagbalat ng rambutan.

"Okay pa 'yan, ipapaayos ko na lang mamayang hapon."

"Sobrang init kaya, namamawis pa rin nga si Ambo kahit pinapaypayan ko na."

"Malay mo, pumayat na rin ang taba-ching ching na 'yan!"

Napabungisngis kaming dalawa nang maagaw ang atensyon ni Ambo at simangot na bumaling sa amin. Lumabi siya at padabog na tumayo patungo sa gitna namin. He sat and leaned on his mother.

"Gutom na ba ang Ambo namin, hmm?" Ani ko at gigil na kinurot ang pisngi. Nagbalat ako ng rambutan at pinakain siya.

"Huwag mong i-lowbat ang cellphone, Ambo at tatawag pa mamaya ang tatay mo!"

"Last na talaga 'to, Nay."

Napailing-iling na lang siya at pinanggigilang hinalikan ang leeg. Napuno ng bungisngis niya ang pwesto namin. Napatigil lang nang tuluyan nang nawala ang hanging ibinubuga ng electric fan at tumigil sa pag-ikot. Nagkatinginan kami at sabay-sabay na natawa sa maingay na ikot niyon.

"Pawis na pawis!" Aligagang ani Anna habang pinupunasan ang likod ni Ambo.

Inilapag ko ang natimplang juice sa maliit na mesa at napapahid rin ng pawis sa noo at leeg ko. Kahit naka-sando na ako ay mainit pa rin. Umupo ako sa tabi ni Ambo at pinainom ang bata. He drank half and continued playing.

"Ako na ang magpapaayos diyan mamaya. Kapag hindi na kaya ay ako na lang bibili bukas,"

"Oh sige," tinapos niya ang pagtutuyo sa likod ni Ambo bago bumaling sa akin. "Talikod at punasan ko rin ang likod mo."

Hindi na ako umangal at tumalikod ng bahagya. Humarap ako sa may labas at hinayaan siyang punasan rin ako doon. Hinawi ko ang maikling buhok at natawa sa pangingiliti ni Ambo sa bandang nakaangat na kili kili ko.

"Isa, Ambo, alam no kung paano ako gumanti!"

Malakas akong natawa nang sumabay rin sa pangingiliti si Anna sa may likod ko at paghawak niya ng mga kamay ko para mas makiliti ako ni Ambo.

"Sa tagiliran ng mama Andie mo, Ambo!"

"No! Wait! Ambo kasi!" Malakas na tili ko dahil weak spot ko ang tagiliran!

Halos maiyak na ako sa tawa mabuti at tumigil rin si Anna at binitawan ako dahil may kung sino siyang tinawag. Hinuli ko si Ambo at kaya siya ang kinikiti ko pabalik.

"Zeth!"

Natigil ako at napabaling sa harap. Namataan ko ang grupo nina Halseth na may buhat na t.v at kung ano-ano pang sirang gamit. Kaya siguro din halos dalawang linggo siyang hindi nagpakita dahil busy sa ibang sideline. Pansin kong nasa amin ang matiim na tingin niya nang tumigil. Nataranta ako nang naglakad siya palapit sa pwesto namin.

DANDELION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon