KABANATA 12

6.9K 154 18
                                    

Monday morning came and my day started with a good one.

After we talked yesterday, I just decided to let him be with my sister and I went to mommy and daddy to ask them about my baked muffins. I stayed with them the whole afternoon and cuddled with the both of them. Kaya maaga rin akong nagising sa pag-aakalang nandodoon na naman sa sala si Halseth at naghihintay sa kapatid ko. But both of them are out of sight. Pati si ate ay wala pala sa bahay. Baka maaga lang gumising kaysa sa akin dahil siguro busy ngayong graduating students na sila. Hindi na ako nag-abala pang magtanong kina mommy nang kumain kami sabay-sabay.

Naging maayos naman nang pumasok ako sa university. Tahimik at hindi ko na nakakasalamuha ang grupo nina Samantha na malayo na ang building ng bagong department. Si Sheena, ang boyfriend niya, si Azraeth na hindi kasama si Laura, at si Joana na ang naging kasama ko pagka-break time.

"Dahan-dahan lang naman sa pagkain, Joana! Walang aagaw ng pagkain mo!"

"Sinong wala? Nandiyan si Azraeth!" Sagot nito sa sinabi ni Sheena at tuloy-tuloy sa pagkain ng pancit.

"Anong," biglang angat ng mukha ni Az na abala sa cellphone nang marinig ang pangalan. "Hoy taba! Pasalamat ka hindi ako gutom kundi ubos ang pagkain mo sa akin!"

"Anong taba? Gusto mo ba ng sapak-"

Mabilis na akong sumingit at humawak sa balikat niya. "Don't mind him, Joana. Wala kasing pera kaya hindi makakain. Here pa oh, sayo na!" ani ko at tinulak ang pinggan ng spaghetti na pagkain ko palapit sa kanya.

"Omg! Thank you so much, Dandie!"

Mas lalo akong napangiti at tuwang-tuwang lumapit sa kanya na magana talagang kumakain at walang pakialam sa mga taong nanonood sa kanya. She's bit chubby and so adorable! I'm glad we met! Magkaka-grupo kasi kami kanina sa isang subject namin at mabilis na nagkakasundo. I can tell that she's a good woman just by seeing her and by the personality she has. She's friendly and sweet!

"Witch! Ako lang ang tatawag sayo ng Dandie! Gaya-gaya ang tabachoy na 'yan eh!"

Napawi ang ngiti ko at binalingan siya na nakanguso. "Shut it, Az. If you just brought Laura here, eh sana baka natuwa pa ako sayo!"

"Ayaw nga niya. Nahihiya daw."

"You weak. Give me her number and I'll just invite her tomorrow, hindi n'on ako tatanggihan. But you will drive me home later in exchange!"

"Okay. Deal!"

Nag-kuwentuhan kami nang matapos kaming kumain. Maingay ang mesa namin dahil sa pagkuwento ni Joana na medyo napapalakas ang boses at napapatingin rin ang iba sa amin. Pero wala siyang pakialam at imbes pa na matawa kami sa kinukwento niya ay sa malakas na tawa niya kami napapasabay ng tawa.

"Totoo 'yon! Hindi talaga mawawala ng Max na candy sa bag ko noong highschool at kung sino-sino na lang ang dumudukot!"

"Hinahayaan mo lang?" Sheena asked and leaned on Ryan's chest. Hindi na rin nila namamalayan ang sariling ituon ang pakikinig sa kanya.

"Oo nga, baka mawalan ka pa ng gamit mo sa bag?"

"Hindi naman kasi parang pamilya na kami noon sa room eh. Mabuti nga at hindi ang mga chichirya ko ang kinukuha nila kundi mag-wawarla talaga ako!"

"Oh really? Ang saya naman!"

"Tru! Puro babae rin kasi kami at tatlo lang ang lalaki na sumakabilang kasarian pa!"

Natawa kami roon at nagtagal pa ang kwentuhan namin. Umalis lang kami sa cafeteria nang malapit na ang oras ng sunod na klase. Sabay-sabay kaming lumabas habang nagtatawanan. Nakakapit ako sa braso ni Joana nang maramdaman ko ang mahinang pangangalabit sa akin ni Sheena.

DANDELION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon