KABANATA 27

7.3K 129 6
                                    

"Mommy, can I go with Halseth tonight? And we're going to Tagaytay kasi tomorrow eh, please?" Pagpaalam ko kay mommy para makasama ko ngayong gabi si Halseth.

Totoo rin naman dahil balak niya rin talaga sana akong ipunta roon ngayong araw ng birthday ko pero nagkaroon naman ako ng celebration dito sa bahay kaya ipapabukas na lang ang pagpunta.

"Tagaytay?"

"Yes, mommy! Papasyal lang kami! His birthday treat to me!"

She nodded and glanced at Halseth beside me.

"For how many days, Rafael?"

"Isang araw lang po, tita."

"Isang araw lang??" Nagkatinginan kami ni mommy nang sabay na magsalita.

Mariin kong itinikom ang labi at pinigil ang mapabungisngis. Halseth bit his lip and shyly smiled while rubbing his nape when mommy teasingly giggled after realizing what she just said too.

"I mean, you know..." She laughed awkwardly. "Hay, bahala kayo. Just take care of my precious daughter, Rafael. We're trusting you with her..."

"I will, tita. I will..."

I packed my things I will need. Hindi pa man umaga ay excited na ako. Hindi ako nakapag-paalam kay daddy dahil mahimbing nang natutulog kanina. Mabuti ay pagpasok ko kanina sa bahay ay saktong kababa lang ni mommy dahil nagising. Ang mga kasambahay namin sa bahay na lang din ang pinaglinis ko sa iniwanan namin kanina at hindi na ako nakatulong dahil sa excitement kong sumama kay Halseth.

We drove way to his condominium. I'm still wearing my longsleeve nighty dress and sleepwear slippers. My long hair is resting at my back. Muntik na rin akong makatulog ng tuloy-tuloy, mabuti at naalimpungatan ako nang maramdaman ang paglapag niya sa katawan ko sa malambot na kama. I yawned and tried to sit, I held on his cheek and caressed.

"Halseth..."

"Hmm, magbibihis lang ako ng pantulog,"

"Bakit pa?" I asked and his forehead creased, confusion ate him.

"What do you mean?"

"I mean... maghuhubad rin naman tayo mamaya..." I answered him honestly.

I heard him chuckle and shook his head. "Just continue sleeping, Dandelion..."

"Hmp, hindi na ako makatulog eh!" Nguso ko at humiga na lang sa kama niya. "Go then. I will wait for you! M-Magpabango ka ah, para magyakapan tayo matulog!"

Napairap ako at tinadyakan pa ang dibdib niya nang marinig ko siyang tumawa. Nahimasmasan tuloy ako at gising na gising na ang diwa.

"Alright."

Nang makaalis siya ay cellphone ko ang pinagtuunan ko ng atensyon. I scrolled through my Facebook and read their birthday messages to me. Dumapa ako sa kama at ni-replyan ang video namin kanina na posted ng isang kaklase kong hindi pala nakasali sa laro kanina at kumukuha ng video. Mabuti at wala ang nangyari sa akin kanina dahil nakakahiya! Baka pag-piyestahan pa ako ng social media!

"Sino ang ka-text mo?"

Napaigtad ako nang marinig ang biglang pagsasalita ni Halseth sa likod ko at maramdaman ang malamig na kamay niyang humawak sa binti ko. I glanced at him and saw him still on his towel around his waist and he's drying his wet hair with a small towel. Hindi ko siya sinagot at inirapan.

"Get dress, Halseth. Don't seduce me."

"After you care to tell me who's you're texting with right now,"

"Wala nga. Nasa Facebook lang ako."

"Baka naman iyong lalaking mukhang adik na sinakayan mo kanina sa pool?"

DANDELION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon