"Yes, but if you don't mind-"
Napatigil ang matanda sa pagsasalita nang madaliin ko ang pagkuha ng mga gamit ko sa mesa at bastahan itong inilagay sa bag, "Sorry, I need to go." Halos nasa akin lahat ng mata ng mga tao sa loob ng café.
Hinablot ko ang cellphone mula sa bag at nagsimulang i-dial ang number ni Eurine.
Gosh I really can't take it, napupuno na'ko sa isang 'to."Hello?" sa boses nya palang sa kabilang linya ay halatang alam na niya ang nangyari.
"Hello?" I rolled my eyes imitating her. "I said find me a decent job Eurine, parang wala naman akong maalalang nagpahanap ako sa'yo ng sugar daddy!"
Rinig na rinig ko pa ang paghalakhak nya sa telepono,walang hiya. "Alam mo naman na mahal na mahal kita teh, ayaw mo ba nyan? gagawa kalang ng wifey things at tumpak! milyonarya kana, spoil me daddy!"
"Kaibigan ba talaga kitang hayop ka? wala kang ambag dapat kanang ipatumba" agad ko ding ibinaba ang tawag nang saktong dumating ang cab na kinuha ko.
4:43 muli kong itinago ang cellphone sa bulsa. Napahinga ako ng malalim, ang haba nanaman ng oras na nasayang ko pero hanggang ngayon wala padin akong nahahanap na trabaho. Hindi ako pwedeng patigil-tigil lang sa bahay, hindi kakayanin ng pasensya ko.
Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari sa akin. Nitong mga nakaraang araw lang kasi ay parang ang bilis mag-init ng dugo ko. Hindi din ako mapakali kapag walang ginagawa, para bang hinahanap-hanap ng katawan ko ang pagod. Thats why I decided to find a job but look what happens, ewan ko ba naman kung bakit nagtiwala pa ako sa babaeng iyon e alam ko namang pinanganak na syang may saltik.
Naikwento ko sa kanya na humahanap ako ng trabaho para hindi lang ako nakatigil sa bahay at sinabi naman ng babaita na willing to help daw siya. As in wow ha? salamat talaga Eurine sa napakalaking tulong at congrats na din dahil napaka galing mo mambwisit!
At tulad na nga ng inaasahan ko pagbukas ko palang ng pinto nahagip ko agad si mama na nakaupo sa sofa at taas na taas ang kilay. "Where have you been?"
"Ma" agad ko siyang nilapitan para mag-mano.
"I told you just stay here for a while, bakit ba ang tigas-tigas naman nyang ulo mo ha" panenermon niya.
Yes, she doesn't allow me to take a job, but I can't stand this kind of situation now for Pete's sake! Its been three years when I woke up in that hospital bed without knowing what really happens to me.
I am thankful that God gave me Eurine, siya ang una kong nakilala sa hospital, parehas lang kaming naka-confine doon at 'di nagtagal ay siya na ang lagi kong nilalapitan. She always do listening to my dramas and telling bunch of advice that gives me comfort.
Maliban kay Eurine ay tinuring ako ng lahat na para bang bagong panganak na sanggol. Mula nang araw na iyon hanggang ngayon hindi ko kilala ang sarili ko, hindi ko alam kung ako ba talaga ito, hindi ko alam kung tama bang maging ganito ako.
Kahit isang beses hindi nila ako binigyan ng ideya kung ano ba talagang nangyari at hindi ko na inaasahan na may sasabihin pa sila tungkol doon dahil sa mga mata palang nila kapag nagtatanong ako, alam ko nang binaon na nila ang mga ala-alang 'yon sa paraang hindi ko na mahuhukay pa.
BINABASA MO ANG
Dip Into Memories
Teen FictionWhat does it feel like when you are suffering for some unknown reason? Chaeya is living her life without knowing anything from her past. She wonders what her life would be like if the accident never happened, if her mother had told her what exactly...