12

469 23 8
                                    

"Ito dapat yung music na umiikot sa loob ng simbahan kapag naglalakad na ako papunta sa altar, tapos ikaw mag lay-out ng invitation ko ah? Para aesthetic,  iimbitahin natin buong barangay"

Paulit-ulit na nagp-play sa isipan ko ang linyang inyon ni Eurine noong madalas pa kaming nakatambay.

Na-lss sya sa kantang A Thousand Years. Iyon ang lagi nyang pinapakinggan dahil totoo namang napakasarap nya sa tenga. Hindi nalang namin namamalayan ay tulog na pala kaming dalawa.

May pumatak na luha sa mga mata ko habang nag-pplay ang piano cover ng A Thousand Years habang ipinapasa ko iyon kay Sheryl. Sya ang mag aasikaso ng lahat sa libing ni Eurine and just like what I said, ako ang gagawa sa make-up niya.

Agaw pansin ang theme ng burol nya. Her mom really didn't allow us to wear or bring anything dull at ako ang unang kumampi sa kanya sa ideyang iyon. Rose-gold is her favorite color thats why I suggested it to tita at agad din naman syang pumayag. From the coffin, flowers, candles, lahat at ako ang pumili at bumili.

Kahit ang tarpaulin niya at ilang pictures na nasa loob ay ako na din ang nag lay-out. Lahat ng kaya kong gawin para sa kanya ngayon ay ginagawa ko na. Hindi ako pinapatulog ng isipin ko kaya naman si Eurine ang inaasikaso ko.

Parang noon lang ay ayaw na ayaw kong pinagsisilbihan ka dahil kaya mo namang kumilos mag-isa. Hindi ka nagpapatulong sa mga bagay na kaya mong gawin pero hayaan mong ako naman ang gumawa nito para sa'yo. Hindi mapapantayan ng pagod ang kasiyahan sa ala-ala na iniwan mo sa akin.

You will always be our best girl.

"Okay na!" bumalik ako sa huwisyo na g magsalita si Sheryl. Pagkatapos magpasa ng kanta ay nagmamadali na siyang kumilos dahil marami pa din daw siyang gagawin.

Naiwan akong nakaupo sa upuan katabi ng napakagandang pahingahan ng kaibigan ko.

Napangiti ako ng mapait nang mapatingin sa kabuuan ng muka niya. For the first time, maganda ang kinalabasan ng pagkaka-ayos ko. Matagal na nya akong tinuturuan kung paano mag-ayos, napaka simple ko daw kasi mag make-up kaya halos isubsob sya sa akin araw-araw ang mga tutorial na dinowload nya para lang mapanood ko pero kahit isa sa mga iyon ay wala pa akong nagagaya except this one. Pinanood ko talaga ng todo, ang kulang nalang ay i-slowmo ko ang video para makuha talaga ang bawat detalye niyon. Mabuti nalang talaga at walang pumalpak dahil baka bumangon pa ito dito at manggapang.

"Naks, ganda" inilapit ko sa coffin ang isang bulaklak at ikinumpara sa kanya.

"Para kang bulaklak" muli ko syang tiningnan.

"Blooming"

Wala akong ginawa maghapon kundi bantayan lamang si Eurine. Hindi ako umaalis na kinauupuan, nanatili lang akong nakasilip sa loob ng kabaong kung nasaan siya. Minsan kapag walang lumalapit para silipin siya ay nagkekwento nalang ako kahit naikwento ko na iyon sa kanya noon. Pinaalala ko din sa kanya lahat ng masasayang pangyayari sa amin na hindi dapat makalimutan.

That memories are all worth to keep. Kahit pa wala na ang presensya mo dito, lagi ka paring nasa puso naming mga nagmamahal sayo.

Gusto kong ako ang huling makakwentuhan mo bago mo kami tuluyang iwanan.

"Hintayin mo ako dyan ah? Alam kong darating ang araw na magkakasama ulit tayo. Subukan mo lang talagang isara ang gate ng langit ay magkakalimutan tayo." muli akong natawa.

Dip Into MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon