"1, 2, 3, Happy Christening Takira!" sabay -sabay na sigaw ng lahat. Mom is carrying my younger sister and behind us is all of our friends and relatives. Iba't-ibang pose ang ginawa ni tita Miles habang nakatapat sa amin ang camera kaya naman lahat kami ay napatawa.
Pagmulat ko ay agad na sumalubong sa akin ang nakakasilaw na sinag ng araw na nagmumula sa naka bukas kong bintana. I dreamed about Takira's christening again. Maybe because I missed her being a baby. She's named after me, she's seven now and I'm a senior high student. Time flies really fast, parang dati lang ay pinapangarap ko lang ang buhay na meron ako ngayon. Who would have thought that the woman I meet before was my real mother? Sa murang edad ay andami na agad naging pasikot-sikot ng buhay ko.
"Here we go again kuya, hindi ka parin ba babangon dyan? You're late na kaya, lagot ka nanaman kay dada" Pagbubunganga sa akin ni Takira na ngayon ay nakasandal na samay pintuan ng kwarto ko. Agad akong ngumiti ng nakakaasar nang makita ang mukha niya tsaka dali-dali siyang hinabol papunta sa baba.
"Da! Si kuya oh!" agad siyang yumakap kay Papa upang magsumbong.
"You're 20 minutes late Jillian" Bumungisngis ako nang makita kung paano ako tingnan ni papa. As always mukhang wala siya sa mood ngayon dahil kulang sa tulog.
"Oo nga naman totoy, magkakalahating oras ka nang late. Alam mo dapat tumulad ka sa napaka pogi mong tito, during my school days kapag nalelate ako ng gising ay hindi nalang ako pumapasok" Ginulo ni tito Zonji ang buhok ko na nasa likod ko na pala at may dala-dalang tasa. My favorite uncle.
"What are you doing here?" Tanong ni Papa habang patuloy ang pagtipa sa kanyang laptop.
"Manghihingi ng kape't asukal, maiinit na tubig na din sana." Sagot nito na may pagkamot pa sa ulo.
"Baka gusto mo dagdagan ng coffee mate? Mayroon din kami dito, nahiya ka pa nanghingi ka nalang din sana ng tasa"
Bardagulan featuring Dad and Uncle Zonji is the best tea in the morning.
Parang walang chance na magkaroon ng maayos na pag-uusap ang dalawa.
"Palibhasa single, nanggugulo nalang sa buhay ng may mga asawa"
Napailing nalang sa sagutan nila at sinimulan ng mag-ayos para pumasok. Mukang hindi na ako aabot sa first subject ko. I slept for just less than three hours dahil tinapos ko ang mga gagawin para sa school activities namin. At dahil sa kulang sa tulog ay parang wala akong gana kumilos but I need to attend my classes kung ayaw kong bumagsak sa exam namin next week.
I'm just an ordinary student pero bitbit ko ang pressure every group activities, halos sa lahat ng grupong napupuntahan ko ay hindi talaga nawawalan ng pabigat.
"Okay how about this, I'll do the reporting and ikaw Karen are tasked to write all of this sa manila paper since si Jillian na naman ang gumawa nyan lahat?" Tanong ng aming group leader habang nakaharap sa aming lahat. Prente lamang akong nakaupo at nakikinig sa usapan nila. Napalingon ako kay Karen na nakatingin na din pala sa akin at nakataas pa ang isang kilay.
Psh, what a stupid groupmate. "What? I'm done with my work here" sabi ko sa kanya. Nahuli ko ang pag-irap ng babae at padabog na pumunta sa gitna para abutin ang gawain na ini-assign sa kanya ng leader. As usual, wala namang bago sa senior high school life ko. At first, I thought it was easy because we're all near the graduating phase pero hindi. Mas komplikado pa pala kaysa sa inaasahan ko. Classmates were supposed to be helping each, pero iba dito sa section namin. Competitions everywhere. Wala kang makikitang sabay-sabay nag aaral para sabay-sabay pumasa, they are learning to compete instead.
And I don't really get their point kaya nananahimik na lang ako dito sa tabi at hinihintay na matapos ang school year para mapalayo sa mga estudyanteng ganito.
Sabay-sabay kaming tumayo nang natapos na ang klase. Mag-isa akong naglalakad papunta sa sakayan nang may stick ng lollipop na tumama sa balikat ko.
Karen again.
"What?" Tanong ko nang sumiksik siya sa tabi ko at sinabayan akong maglakad.
"Bakit ba napaka bida-bida mo?"
Napakunot ang noo ko sa tanong niya.
"Excuse me?" Patuloy lang akong naglakad at hindi man lang siya tinapunan ng tingin. She's just acting weird, we're not even close.
"I mean BIDA-BIDA" kumumpas siya sa ere habang binabagalang banggitin ang pinupunto nyang salita. "Ang active mo sa school activities, you're getting all the teachers attention you know?"
"So?" tanong ko at nag tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Napatigil ako ng bigla siyang humarang sa harapan ko at mukang batang nakatingala sa akin. Seryoso lamang din ang aking mukang nakatingin sa kanya.
"Hindi mo ba naiintindihan ang sinasabi ko? Hindi mo ba alam kung gaano kadami ang estudyanteng naiinggit sayo just because you are so smart and no one can beat you when it comes to school?" Napatingin ako sa paligid dahil sa sobrang lakas ng boses ni Karen. Mabuti na lamang at wala masyadong tayo, kundi ay ako pa ang mapapahiya dito.
The realization hits me. Sinilip ko ang muka ni Karen kung tama bang nakita ko na umiiyak siya ngunit agad siyang umiwas.
"Nevermind, ano bang punto nitong ginagawa ko? Mas pinapamukha ko lang sa sarili ko na wala akong maaabot." She whispered.
She's about to leave when a question came from my mouth. "Do you envy me too?" Nanatili lang siyang makatalikod sa akin at walang kaibo-ibo. Para bang hindi niya inaasahan ang tanong ko.
Maya-maya ay narinig ko ang sarkastiko niyang pagtawa. "Bakit naman ako maiinggit sa'yo? Why Jillian? Sino ka ba?" iyon lamang ang iniwan niyang salita bago umalis.
Dala-dala ko ang mga sinabing iyon ni Karen hanggang sa pag-uwi.
"Jillian anak, how's school?" salubong sa akin ni mama na nakikipaglaro kay Takira.
"Okay lang ma" Lumapit ako sa kanila upang magmano kay mama, nang lingunin ko si Takira ay agad ako nitong inirapan. I pinch her cheeks before leaving. I remember Karen na parang may galit sa mundo kapag iniirapan ako. Ever since junior high ay ganoon nya ako pakitunguhan and I really don't understand why.
Muling pumasok sa isip ko ang mga sinabi niya kanina.
I'm not competing with them or what, of course my parents are successful so I need to be as smart as I can. Gusto kong may marating din sa buhay katulad nila that's why. Ni hindi man lang pumasok sa isip ko na may mga taong naiinggit sa akin dahil doon.
We are all smart. Wala tayong dapat kainggitan. Just like other, naniniwala ako sa sarili kong kakayahan at nagtitiwala sa sarili and that's the key for me.
If others did it, why can't we?
We don't need to look at the ability of others to tell the extent of our own ability. All we have to do is wait and see what the future holds. Find inspiration and use it to strengthen yourself.
Because that's what I do.
I adore each and everyone of you, we'll see each other in the future.
~Tokino
BINABASA MO ANG
Dip Into Memories
Teen FictionWhat does it feel like when you are suffering for some unknown reason? Chaeya is living her life without knowing anything from her past. She wonders what her life would be like if the accident never happened, if her mother had told her what exactly...