Napahilamos ako sa sariling kaisipan. Crush, what? I'm not a kid anymore!
"Pero hindi mo talaga kakilala?" kanina pang tanong ni Eurine.
Naglalakad kami ngayon papunta sa paradahan ng tricycle. Mula kanina pag-alis namin sa bahay ay kinukulit nya ako tungkol sa lalaki.
"Hindi nga, kung kilala ko 'yon edi sana nasabi ko na sayo pati paborito nyang kulay ng brief. Manahimik ka na nga, you came para samahan ako at hindi para pairalin yang kalandian mo ah"
"Ouch" humawak siya sa dibdib.
Pilit kong iniiwasan ang mga pangungulit nya tungkol sa lalaki para malimutan na ang naramdaman kanina, baka naman kasi nagulat lang ako kaya ganoon nalang ang naging reaksyon ko.
"Dito lang kuya!" sigaw ko sa driver ng malapit na kami sa university.
Magbabayad na sana ako pero tinapik ni Eurine ang kamay ko. "Ako na, good mood ako ngayon." Kumuha sya ng barya sa dalang mini pouch at nag flying kiss pa sa driver.
"Sana lagi kang good mood." I joked. "Para atleast makatipid ako kahit sa pamasahe."
"Sis uso common sense ngayon try mo. Imagine, flirting with your schoolmates hanggang sa makabingwit ka ng jowabels. Pero dapat yung may sasakyan at responsable kahit papaano, hindi mo na poproblemahin ang pamasahe tapos may honeypie kapa."
"Wala ka bang isu-suggest na matino? puro nalang kalokohan ang nandyan sa utak mo"
Hindi na nya ako sinagot at inilibot ang paningin sa paligid habang naglalakad. Kita ko ang pagkamangha sa mata nya.
Sandali akong nakaramdam ng hiya, hindi ko alam kung tama bang dinala ko sya dito. She's just mixing her mood, alam kong masaya sya dahil nakatungtong sya dito pero hindi nya maiitago na gustong-gusto din nya makapag-aral.
Hindi ko sya pinapangunahan. I just feel it and see it in her eyes.
"Maganda din pala dito ano? Hindi lang sikat ang pangalan nya" tukoy niya sa university.
Tumango ako. "Hindi ko din 'to masyadong naririnig, advantage na din naman dahil wala masyadong issue"
Hindi kilala ang pangalan ng university na ito tulad ng iba. Talagang naka focus lang sila sa mga estudyante at parang walang pake sa mga nakikipag kompitensya. Hindi ko panga nakita ang pangalan ng school na 'to na lumaban sa ibang campus eh. Siguro ganito lang talaga sila o baka hindi talaga ako pamilyar sa paaralan.
Nakakalat ang mga estudyante dito sa labas, para silang may sari-sariling mundo sa pagrereview ng mga hawak nilang notebook.
"Excuse me, pwedeng magtanong?" Napatigil ang babae sa paglalakad.
"Yeh? Nagtatanong kana." narinig ko ang mahinang tawa ni Eurine sa tabi ko.
"I mean, saan ba dito ang dean's office?"
May tinuro sya sa likuran namin, sinundan ko ang direksyon ng kamay nya at nakaturo iyon sa malaking board na nakadikit sa pader. "Kita mo? May school map dyan, pumunta ka kung saan mo gusto." pagkasabi nun ay tinalikuran na nya ako at dere-deretsong naglakad.
Nang makalayo ang babae ay tyaka humagalpak ng tawa si Eurine. "Barado na Chaeng, masyadong ginalingan, bravo!" itinaas pa niya ang kamay habang pumapalakpak.
"Gora na tingnan mo na yung school map at pumunta ka kung saan mo gusto." panggagaya nya sa babae. "Panget naman ng ugali ng estudyante dito, uwi nalang tayo" Halos mamilipit na siya sa katatawa.
Hindi ko nalang siya pinansin at padabog na lumapit sa sinabing school map na puro box naman ang naka drawing. Law ang kinuha ko at hindi architecture, paano ko babasahin 'to? ito na ba yung tinatawag na pagsubok ng buhay?
BINABASA MO ANG
Dip Into Memories
Teen FictionWhat does it feel like when you are suffering for some unknown reason? Chaeya is living her life without knowing anything from her past. She wonders what her life would be like if the accident never happened, if her mother had told her what exactly...