"Magpapahinga na ako" rinig kong bulong ni Eurine. Agad ko syang inalalayan dahil halatang nanlalambot siya.
Hindi ko pinansin ang matang nakatingin sa amin kaya naiilang ako kumilos. Kahit nakatalikod na ay ramdam ko padin na nakasunod sa amin ang paningin nya.
Kahit nahihirapan ay pilit hinahanap ng mga mata ko si Crimson. Parehas lang kasi kami mahihirapan kung iuuwi ko si Eurine, mabuti sigurong dito na muna sa mismong venue, makahiram lang ng kahit isang kwarto.
Hindi naman ako nagtagal sa paghahanap dahil agad kong nakita ang lalaki, nangingibabaw sya sa mga kasamahan sa table. Pansin ko din si Cillian na ngayon ay sinusundan na kami ng tingin.
I let out a sigh before walking toward the table. Ang lagkit ng tingin ng mga tao sa amin, medyo naiinis ako. Hindi ako sanay na pinagtitinginan kahit alam kong nakay Eurine naman ang buong pansin nila.
"What happened?" sinalubong kami ni Crimson. Kinuha nya sa akin si Eurine at iniakbay ang babae sa kanya.
"Eurine..." I whispered. Muka namang narinig nya iyon dahil tinapunan nya ako ng tingin.
"I want to rest Chaeya, hindi na muna ako uuwi." mahina nyang sambit. Kitang-kita sa mata nya ang awtoridad kaya wala din akong nagawa kundi tumango. Nakita ko nalang ang sarili kong nakatanaw sa kanila papasok sa loob ng bahay.
"You okay?" tanong ni Cillian mula sa tabi ko.
"You think so?" Basta ako dumampot ng baso sa mesa nila at walang awat na tinungga ang laman niyon.
"Did you two had a fight?" ramdam ko ang tingin nya sa akin.
Agad akong umiling. Hindi naman talaga kami nag-away. Ni-hindi ko nga sya naaway dahil hindi ko magawa. Kitang-kita sa kanya ang panghihina pero hindi ko padin maintindihan kung bakit nya iyon nagawa. Parang nag-iba ang hangin sa pagitan namin ni Eurine, bigla syang nag iba.
Matagal din syang hindi nag-oopen sa akin ng tungkol sa buhay nya. Niintindihan ko naman na madami syang ginagawa pero hindi na talaga tulad ng dati.
Ano ba talagang meron sa kanila ni Crimson?
"Eurine and your brother" bumalik ang tingin sa akin ni Cillian ng bigla akong magsalita. "Are they together?" I added.
Lalo akong naintriga sa sagot nya ng tumungo si Cillian sunod-sunod na umiling.
"Hindi ako mahilig mangialam ng buhay ng iba"
Nakatingin padin ako sa kanya. His eyes were so elusive. Kapag nagtatama ang mata namin ay mabilis syang nakakaiwas.
Nakakaamoy talaga ako ng kakaiba, parang may hindi sila masabi sa akin.
Natapos ang event na puno lang ng pagtataka ang nasa isip ko. Hindi pa naman ako mapakali pag may bagay akong hindi nalalaman.
Nagpagulong-gulong ako sa kama dahil sa inis, hindi talaga ako mapakali. Yung tipong sobrang naiintriga ako sa nangyayari pero hindi ko pwedeng malaman, parang gusto ko nalang maging hotdog sa ref.
Paulit-ulit kong tinitingnan ang cellphone para i-check kung may reply ba si Eurine pero mukang namahinga na talaga ata sya. Inulan ko kasi sya kanina ng text pagdating na pagdating ko sa bahay.
Hindi ko na namalayan ang oras dahil buong magdamag ako nakatitig sa kisame. Napansin ko nalang na sumisilip na ang liwanag sa bintana kaya napabalikwas ako sa pagmamadali.
Walang tao nang lumabas ako sa kwarto pero may nakahandang pagkain sa mesa. Sa harap niyon ay may folder na nakapatong. Iniangat ko iyon dahil baka mabasa sa mesa. Sinilip ko ang bawat sulok ng bahay para ma-check kung nandito paba sina mama pero mukang nakaalis na sila.
BINABASA MO ANG
Dip Into Memories
Teen FictionWhat does it feel like when you are suffering for some unknown reason? Chaeya is living her life without knowing anything from her past. She wonders what her life would be like if the accident never happened, if her mother had told her what exactly...