Yes, gusto ko kung ano man ang nangyayari ngayon mismo pero what's about the invitation? A wedding invitation? Really?
"Hindi mo masasagot ang tanong mo kung hindi mo alam ang buong detalye Chaeya. Hindi ka ba nagtataka? Why do you think magkaiba ng company na kinalalagyan ang mom at dad mo pero madalas silang magkasama sa mga projects? Ang lalim ba masyado kaya hindi mo maisip? Well, I think it's not" Walang awat na sabi niya.
Wala akong masabi, walang lumalabas sa bibig ko. Para lang akong walang kamuwang-muwang sa naiisip.
"I should go, ako na lang ang magdadala nito. Magpahinga ka." Iyon na lang ang sinabi niya matapos hablutin sa akin ang isang folder at nilisan ang kwarto. Rinig ko din ang busina ng sasakyan, hudyat na papaalis na siya.
Naiwan akong tulala sa kwarto, nagpaulit-ulit sa isip ko ang sinabi ni Zonji. He's right, kaya wala akong alam dahil wala akong ideya sa lahat-lahat.
Parang nawala bigla sa eksena ko ang pagka-excite na mabuksan ang diary. Sobrang nagugulo ang isipan ko. Paano kung hindi ko kayanin?
Sinong ikakasal? Lasac and Forteria? wala akong kapatid kaya naisip kong ako iyon pero hindi. Masyado pa akong bata nung panahon na iyon. Malabong si mama dahil hindi naman nya gagamitin ang apilyido ni papa if ever na nag-cheat sya.
Napitlag ako ng biglang mag-ring ang cellphone ko na nakapatong lang rin sa kama. Nilingon ko iyon at tumitig lang sa unknown number na tumatawag.
Unknowm number... Hindi ko alam kung sino basta hindi ko type na sagutin iyon. Wala akong gana kumausap ng tao. Parang gusto ko nalang bumulagta ngayon at panoodin ang malayang butiki sa kisame.
Kung nakakalunod lang siguro ng mga isipin ay baka kanina pa akong nawalan ng malay. Hindi ako gumagalaw sa pag-kakaupo. Hawak ko padin ang diary at invitation samantalang walang tigil naman sa pagtunog ang cellphone ko.
Naiinis ako sa paulit-ulit na ringtone kaya sinagot ko na. Hindi ako nagsasalita, ini-loud speaker ko ang tawag at itinapat pa iyon sa tenga dahil wala din akong naririnig sa kabilang linya..
"Chaeya" Tawag ng isang boses babae. Hindi ko mawari ng boses niya dahil parang malalim na hindi ko maintindihan.
"Hello po?" May tono akong pagtataka.
Matagal pa ulit na nakatapat sa tenga ko ang speaker ng cellphone bago sya magsalita.
"Nasa hospital si Eurine.. Her condition.. It's so critical"
Ang mga iniisip ko kanina ay biglang naglaho, napaltan naman iyon ng pamamanhid. Hindi ko alam kung anong unang dadamputin ko, tumakbo ako sa kwarto ko at hinablot ang mini pouch. Sa sobrang pagmamadali ay basta nalang ako lumabas ay nagtatakbo papunta sa sakayan. Hindi ko maalala kung nailock ko ba ang pinto o hindi.
"Hindi pa ako byahe ate" Sumilip sa akin ang driver ng tricycle na sinakyan ko.
"Dodoblehin ko ang bayad? Emergency lang oh, sa Hospital" pagkasabi ko niyo'y agad nyang pinatakbo ang sasakyan.
Pagbaba ko sa tapat at pansin ko ang pag-iwas ng tingin ng driver, basta lang ako kumuha ng pera sa wallet at ini-abot iyon sa kanya.
"Keep the change" anas ko nang iabot sa driver ang isang daan at saka nagtatakbo papasok sa hospital.
Naging ang ilang nadadaanan ko ay nagpapatingin sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagmamadali ko o dahil ba sa itsura ko.Hindi ko sila pinansin, tinunton ko lang ang daan papunta sa emergency room at nadatnan doon ang mama ni Eurine na nakaluhod sa tapat mismo ng berdeng kurtina.
"Tita!" inalalayan ko sya para itayo. Nang mapansin nyang ako iyon ay agad syang kumapit sa akin at yumakap. Nagsimula na ding tumulo ang luha ko nang mapatingin sa kurtina. Sa likod niyon ay si Eurine, hindi ko nakikita pero nararamdaman ko ang paghihirap niya.
BINABASA MO ANG
Dip Into Memories
Novela JuvenilWhat does it feel like when you are suffering for some unknown reason? Chaeya is living her life without knowing anything from her past. She wonders what her life would be like if the accident never happened, if her mother had told her what exactly...