15

505 18 22
                                    

"Long time no see" malamig bagamat nakangising bati ng babae.

Hindi agad ako nakaibo sa aking kinatatayuan. Nahihiya ako na hindi ko maintindihan. Nung huli kaming magkita ay parang iba ang tingin nya sa amin ni Cillian tapos ngayon ay nakita nya pa talaga ako dito sa bahay ng lalaki.

"Na-speechless na naman yata masyado sa ganda ko?" tawa niya. Bago nilingon si nanay. "By the way manang, may pagkain ba riyan? Kung wala ay paki-order naman online please. Baka nagugutom na ang bisita ko, Hija?" Nag snap sya sabay sumilip sa pinto. Akala ko ay sya lang mag-isa ang pumunta dito. Parang mas nakakahiya naman dahil may kasama pa pala siya.

Sa pagtataka kung sino ang kasama niya ay nag-abang din ako sa pagpasok niyon sa bahay. I stopped when I see her aura turns dark.

"Tita Nel nandyan po ba si nanay?" Malawak ang ngisi niya pero agad ding nawala nung dumapo sa akin ang paningin. "Chaeya?"

"Aine.." banggit ko sa pangalan niya. Anong ginagawa nya dito? Bakit kasama nya iyong babae na kumausap sa akin sa Fleris?

"Oh? Aine? Nakoo ang tagal mong hindi nakabisita ah" napahabol nalang ako ng tingin kay nanay na dere-deretsong lumapit kay Aine at niyakap ang babae.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Kilala sya ni nanay? Close sila?

Well, ano nga bang kwenta ng mga iniisip ko ay obvious naman. Hindi nalang talaga ako magtataka dahil kilala ni tita Che si Cillian. Hindi ko pa nakakalimutan kung paanong dumikit si Aine sa lalaki kapag magkasama sila. The way she flirt, kahit itanggi ng babae ay halatang-halata naman sa aura niya.

"May pagkain dito halikayo, mabuti nalang at madami ang naluto ko!" inakay ni nanay ang dalawa patungo sa mesa, parang bigla nalang akong naging bula na hindi nila nakikita.

Tumikhim ako para makuha ang atensyon ni nanay pero pati iyong babae na Nel daw kuno ang pangalan ay napatingin din sa akin.

"Ahm.. akyat na po ako" nahihiya kong sambit.

"Don't you want to eat with us?" naangat ang tingin ko sa babae nang magtanong siya.

"Ah tapos na po, sige po enjoy po kayo" kahit awkward ay pinilit kong ngumiti tyaka nagmamadaling umakyat sa taas. Napasandal nalang ako sa pinto pagkapasok ng kwarto.

Bakit parang hindi ko gusto ang presensya nila? Para bang naaasar ako kapag sila yung kaharap ko lalo na 'yong Nel na hindi ko alam kung kaano-ano ba talaga ni Cillian.

Isa-isa kong kinuha ang gamit ko at pinagkasya iyon sa dala kong paper bag.

I sigh heavily when I realized something. Hindi ba parang ang sama tingnan kung basta nalang ako aalis?

Pero bahala na, sabi ni Cillian pwede naman daw ako umuwi kung gusto ko.

Ayaw ko pang umuwi sa bahay pero mas ayaw ko na pala dito.

Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas na ako sa bahay. Buti nalang at busy sa pag-uusap iyong dalawa kaya kay nanay nalang ako nag-paalam.

Muka akong basang sisiw na naglalakad sa tabi ng kalsada. Mabuti na lang at wala masyadong tao. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa paperbag at nakatuon ang paningin sa daan. Iniisip ko kung saan ako pwedeng pumunta. Wala na akong pera kaya wala talaga akong choice kung hindi ang umuwi.

"Anak, where have you been?Hm?" Nakaupo si mama sa sofa nang madatnan ko pero agad din syang tumakbo sa akin at hinawakan ang dalawa kong pisngi. Para akong kinakapkapan. Halos tingnan nya lahat ng parte ng katawan ko para makita kung may dumi o galos. Tumigil lang sya ng mapansing maayos ang itsura ko.

Dip Into MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon