Halo-halong emosyon ang naramdaman ng lalaki habang nakatayo sa harap ng isang gwapong kulot na bata. Halimbawang ang kasintahan naman nito ay kanina pang iyak nang iyak sa bisig ng kaniyang ina.
"B-bakit kayo nandito? Anong kailangan nyo?" may halong takot na tanong ng isang babae. Agad nyang hinablot ang kamay ng bata para maitago ito sa likuran niya.
"Misis, hindi panghabang buhay ang kontrata, at isa pa nagkaroon tayo ng usapan bago mo dalahin ang bata." Mahinhing tugon ng isa sa mga tagabantay ng habay ampunan na napagkasunduan ni Maisie.
"Hindi, hindi nyo sya pwedeng ilayo sa akin" Iniharap nya ang bata sa kanya. "Hindi mo iiwan si mama, 'di ba?"
Napaka-desperadang tingnan ngayon ng babae. Luhaan at tila hindi mawari kung anong gagawin.
"Hindi nyo napagaling ang bata..." singit muli ng isang madre.
"Kaya ko syang ibalik sa dati, gagawin namin lahat. Please, umalis na kayo" kulang nalang ay lumuhod ang babae sa harap ng napakaraming taong nanonood sa kanila ngayon.
Ang asawa naman ng babae ay hindi makagalaw sa kinatatayuan nito at parang hindi makapaniwalang nasa harap na nila ang tunay na magulang ng batang inalagaan nila ilang taon na din ang nakalipas.
Sila ang mag-asawang kaunahang kumuha sa bata sa bahay ampunan. Hindi sila nabiyayaan ng anak kaya nais nilang matulungan si Jillian sa pinagdadaanan nito. Pinagamot, ipinaramdam ang kumpletong pamilya, nagawa na ata nila lahat pero palagi naman silang nabibigo. Ilang taon nilang inalagaan ang bata at sa loob ng mga panahong iyon ay napamahal sila dito.
•••
Napaka-simpleng pakinggan ng salitang sakit pero hindi biro na maramdaman ito ng isang indibidwal na katulad ko. Nanatili lang akong nakayakap kay mama at tahimik na humihikbi dito.
I can't believe that the child I met before was my son.
Really? Hanggang dulo ba talaga ako paglalaruan ng tadhana?
Napakalas ang yakap ko kay mama nang marinig na nagsalita ang lalaki na itinuring na ama ni Jillian.
"Kailangan nating ibalik ang bata" Saad nito habang hinahaplos ang buhok ng asawa na agad naman nitong itinaboy.
"Pati ba naman ikaw?"
Hinang-hina ang tuhod ko habang nakikinig sa usapan nila. Inis na inis ako sa sarili ko dahil ako ang ina ng bata pero heto ako at walang ginawa kundi umiyak.
Napatingin ako sa inosenteng bata na parang walang kaalam-alam sa nangyayari.
So, he's mute until now because of the incident that caused me to forget?
Unti-unti akong nakaramdam ng awa. Alam kong mahirap din para sa kanya ang nangyaring iyon. I'm wondering if ituturing nya parin kaya akong ina after all?
"But we need to. His parents are here, Mahal." Dinig kong bulong ng lalaki sa asawa. Ayaw ko mang gumalaw sa kinatatayuan ay sumama ako sa kanila papasok sa bahay.
Maganda ang buhay dito ng anak ko. Maganda ang bahay at halatang naiibigay lahat ng kailangan ng bata. Mabait din ang mag-asawang kumupkop sa kanya.
Tahimik lang ako habang nakikinig sa usapan nila.
Gusto kong magsalita at sagutin ang babae dahil napaka selfish niya.
"Bakit? Bakit ayaw mo ibigay sa akin ang anak ko?" diretso akong nakatingin sa mata ng babae. Halata sa kanya na kinakabahan siya. Maski panginginig ng kamay nyang hawak ng asawa ay napansin ko.
"Chaeya" Saway ni Zonji. Hindi ko sya pinansin.
"S-simple lang, dahil ako ang nagpalaki sa kanya."
BINABASA MO ANG
Dip Into Memories
Teen FictionWhat does it feel like when you are suffering for some unknown reason? Chaeya is living her life without knowing anything from her past. She wonders what her life would be like if the accident never happened, if her mother had told her what exactly...