"Shut up, wala tayong gagawin dito kundi magpapahinga" kinuha ko ang phone ko para mag alarm. It's 2 A.M at malabong maka-abot ako sa klase bukas kung matutulog pa ako ngayon kaya pinilit kong imulat ang mata kahit bagsak na bagsak na.
Kinurot ang sarili
Kumain ng calamansi
Naghilamos ng malamig na tubig pero walang nangyari.
Umaga na pagkamulat ko and what's worst? Nagising akong nakanganga sa harap ni Cillian.
Isa nanamang kahihiyan.
Kung nakikita lang 'to ni Eurine paniguradong mamamatay na 'yon kakatawa.
Agad akong nagpunas ng muka at humarap sa salamin. Mabuti nalang at walang bakas ng panis na laway!
"Your alarm woke me up" seryoso nyang saad.
"Nagising ka? Bakit hindi mo ako ginising?" Napatingin ako sa cellphone ko at hindi na iyon mabuhay. "Anong oras na?"
"11" mabilis nyang sagot na ikinalaki ng mata ko. Hindi na talaga ako aabot! May isa pa naman akong session pero pang hapon na iyon at isang oras lang naman.
May kinuha syang paper bag sa likod at inabutan ako ng charger. Sinaksak nya lang iyon sa bandang unahan at mabuhay na ang cellphone ko.
"Pwede pala mag charge sa kotse?"
Tinaasan nya lang ako ng kilay.
Hindi ko na iyon pinansin dahil sa sunod-sunod na tunog ng cellphone ko.
Most of the message are from Mom and Eurine. Kahit nahihilo ay binasa ko ang mga iyon.
MAMA <'3
: y r u not answering may calls?
: nandito ka ba sa kwarto mo?
: r u asleep?
: or nandyan ka kay Eurine?
: i'm too busy, hihingi sana ako ng tulong pero di ka sumasagot.
: btw, be safe honey (^.^)Ganda Lang <'3
: teh where is you?
: huy
: inbox mo lang ako sige sino ba naman ako para replyan haha sakit.
: ay char
: bukas na layag ko pa manila.
: biglaan
: 1pm
: ops wag ka pupunta baka di ako makaalis paliliparin talaga kita.
: mamimiss kita huhu goodbye na
: have a good night sana di kita mabulabog bwahahaTila nagising ang buong kaluluwa ko ng mabasa ang text ni Eurine.
"Shit" hindi ako mapakali sa sasakyan, hindi ko alam kung bababa na ba ako o ano kaya napatitig ako sa bintana.
Nandito padin kami sa parking lot ng kainan kagabi!
"I"ll buy you water—" bago pa sya makababa ay hinigit ko na ang braso nya."Gaano kalayo 'to sa Fleris? Hatid mo naman muna ako oh" I pleased. Baka hindi ko maabutan si Eurine!
"I think mga one hour na byahe? Since tanghali na, traffic narin." napasubsob nalang ako sa sinabi nya.
"Wala na bang ibang daan? Shortcut? Or kahit mas malayo na walang traffic?"
Nawalan ako ng pag-asa nang umiling sya. "Ngayon ang alis ng kaibigan ko, 1 pm"
"Hindi mo naman nalalaman kung hindi mo susubukan." pagkasabi niyo'y binuhay nya ang makina ng sasakyan.
50/50
parang hindi kami aabot sa sobrang haba ng traffic at napaka bagal pang umusad.
Itinuro ko kay Cillian ang daan papunta sa bahay nila Eurine.
Wala pang 1pm nang dumating kami doon but still we're late. Kanina pa daw nakaalis si Eurine dahil namili pa sya ng mga gamit.
"She's waiting for your reply kanina kase baka daw habulin mo sya tulad ng mga napapanood nya sa kdrama" her sister joked. Busy pa ito sa pag-aayos ng mga papel na nakalagay sa mesa nya.
BINABASA MO ANG
Dip Into Memories
Roman pour AdolescentsWhat does it feel like when you are suffering for some unknown reason? Chaeya is living her life without knowing anything from her past. She wonders what her life would be like if the accident never happened, if her mother had told her what exactly...