07

560 29 24
                                    

It was clearly written

"Chaeya, ano nanaman yung kalat sa baba—" hindi naituloy ni papa ang sasabihin nya. Inilibot niya ang paningin sa kwarto hanggang sa dumapo iyon sa hawak kong notebook.

"Ano bang ginagawa mo, akin na iyan" kinuha nya iyon at sya ang nag-pagpag ng mga natitirang gabok.

"Pa, naglilinis ako" saad ko. Napatingin ako sa notebook na ngayo'y ibinabalik nya sa kahon.

He gently squeeze my hair. I know this.

"Dapat nag-suot ka ng mask. Masyadong magabok masisinghot mo iyang mga dumi"

Hindi ako umimik, iniiwas ko lang ang paningin tsaka lumabas ng kwarto. Iniwan ko si papa doon. Nakatanaw lang ako sa malayo at ramdam ko ang mga luhang gustong kumawala sa akin.

Hawak ko na, naging bato pa.

It's always them. Kung hindi agad dumating si papa ay baka nabasa ko na ang laman niyon.

Pati ba naman ang simpleng notebook na iyon ay ipagdadamot nya din? Ano bang masama sa gusto kong makaalala kahit katiting na pangyayari sa dating buhay ko?

Hindi ko na namalayan ang pagtakbo ng oras, bumalik lang ako sa loob ay wala ng araw. Linis na din ang kwarto, siguro ay itinapon na din ni papa yung mga kalat na inilabas ko.

May klase din ako kinabukasan kaya pinilit kong agahan ang gising para hindi ko na maabutan si papa. Tinawagan ko din si Miles, makakapasok na daw sya kaya hindi na ako maboboring sa school.

"Nakikinig ka ba?" pinitik ni Miles ang noo ko. Nakatulala kasi ako dito sa counter ng canteen. Naaalala ko si Eurine, hindi manlang sya umabot ng isang Linggo dito.

"Ahh oo naman, ano nga ulit 'yon?" I asked.

"I said do you really need to find a job? you know hindi mo naman na kailangan. Your family can provide..."

Nasabi ko kasi sa kanya na naghahanap ako ng pagkakakitaan. Halos lahat naman ng nasabihan ko ay ganito ang sagot. Hindi ko maipaintindi sa kanila na ayokong gamitin ang pera nila mama.

"No, they can't" diniinan ko ang pagkakasabi.

"What do you mean they can't?" napasandal sya sa upuan at umastang interesado talaga sa sasabihin ko.

"Their money can't buy happiness, pero kung galing sa pawis ko? Baka pa."

"Money can't buy happiness? Ha! hindi ako relate!" usal nila.

"Muka kang pera." binato nya ako ng tissue pagkasabi noon. Masyado na kaming close to the point na nakikita ko si Eurine sa kanya. To be honest, may pagkakahawig talaga sila. Kung hindi ko lang alam ang pinagmulan ni Eurine ay baka napagkamalan ko na silang magkapatid. Mas maganda nga lang ang katawan ni Miles, masyado na kasing payat si Eurine dahil sa sakit nya.

Lagi ko syang sinasabihan ng tamang pag-kain pero likas na matigas ang ulo ng babae.

"Hey, is this your bestfriend?" iniharap sa akin ni Miles ang cellphone nya.

Nasa newsfeed nya iyong bagong post ni Eurine na may katabing lalaki, hindi ko iyon kilala at hindi masyado kita ang muka dahil naka shades iyon.

Dip Into MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon