13

490 21 16
                                    

Living my life the fullest.

Iyan lang ang hinahangad ko noon. Mamuhay na katulad ng mga taong nakakatayo sa sarili nilang mga paa. Damahin ang buhay, ang mundo na para sa iba'y napaka kulay.

Malawak ang ngiti ko habang hawak ang sertipiko na matagal ko ng gustong makuha, sa kabilang kamay naman ay hinahaplos ko ang tatlong patong ng medalya na nakasabit sa aking leeg.

Hindi ko napigilang maluha sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon. Masaya ako na makatapos ako ng pag-aaral ang kaso lang ay wala dito si mama at papa para mapanood kung paano ako nagtagumpay.

Inikot-ikot ko ang paningin sa buong venue, puno ng graduated students kasama ang kani-kanilang pamilya. Napatungo nalang ako habang papunta sa aking upuan. Ini-ayos ko lahat ng gamit ko para makapaghanda sa pag-uwi. Hindi na ako makapaghintay ibalita kay mama ito. Paniguradong matutuwa iyon.

"Congratulations Hija! How's you? Long time no see ah" Sinalubong ako ni tita Che ng yakap, nasa likod niya si Miles at Aine

"Thankyou po! Okay lang naman po ako tita, Medyo nagiging busy na talaga" Niyakap ko din ang dalawa. Sinuklian ako ni Miles ng yakap, at si Aine naman ay ngumiti lang, parang iba ang aura ng babae ngayon.

"Where's your mom? Hindi umattend?" nanatili silang nakatayo sa harapan ko habang suot ang malalawak na ngiti.

Napaka aliwalas ng mga pagmumuka nila, lalo na iyong kay Aine parang ang sarap ilampaso sa sahig, char.

Ngumiti ako pero hindi maitago ang lungkot sa mata, "Hindi po eh, pero okay lang! Alam ko naman pong mahalaga para sa kanila yung project na ginagawa e"

Pansin ko ang pag-baba ng tingin ni tita Che. "We're having luch dyan lang sa malapit na resto, do you want to join? Mg celebrate tayo?" mahinhin nyang tanong.

Napatingin ako sa dalawang babae sa likod ni tita. Halata sa mata ni Miles na gusto na nya akong kaladkarin para pasamahin sa kanila. Pagdapo ng paningin ko kay Aine ay nakataas na ang kilay nito.

"Ay hindi na po, uuwi din po ako agad tita"

"Hoy babae sabay ka sakin?" napalingon kami sa lalaking tumatakbo papunta sa direksyon namin.

"Zonji!" niyakap ko sya pagdating dito. "Graduate na din ako shutakaa"

Humiwalay sya sa akin para mai-abot ang dalang boquet "Congrats! Sayang 'no? Hindi ka bumagsak"

Agad kong piningkot ang tenga nya. "Bakit kapa pumunta dito walang hiya ka!"

Rinig kong tumikhim si tita Che kaya napalingon kami sa kanila.

"Pano Chaeya? Una na kami ha, mag-iingat ka Hija"

"Opo, kayo din. Congrats ulit!" bati ko kay Miles na ngayon ay nakasibangot na dahil hindi sa hindi ko pagsama.

Pinanood ko silang mawala sa paningin ko bago ulit ako lumingon kay Zonji.

"Saan ka nanaman nanggaling ha? Tagal mo ulit hindi nagpakita!"

Ngising-ngisi padin ang lalaki na parang may balak nanaman ubusin ang pasensya ko.

"I became busy for a month, hindi ako maka bisita sa inyo dahil nahihirapan din ako sa sched.   Nakita ko lang sa post ng Fleris na ngayon ang event na ito kaya sumaglit ako." he explained. Tinaasan ko sya ng kilay, hindi ako naniniwala na naglinis sya ng schedule para lang icongrats ako dito.

"Talaga? Ang cute mo naman, sarap mo sigurong adobohin mamaya para may pang celeb. kami  sa bahay"

"Aminado akong masarap, pero hindi pang-adobo"

Dip Into MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon