14

470 21 26
                                    

"May masakit pa ba sayo hija? Bumili ako ng tissue sa labas kanina, baka kako naubos na 'yong sinisingahan mo riyan" sabi ni nanay sabay abot sa akin ng dalawang rolyo ng tissue.

Nandito ako ngayon sa bahay nila Cillian, sabi ni nanay ay dinala nya ako dito na walang malay at basang basa kaya heto ako ngayon at halos hindi makahinga sa taas ng lagnat at napaka baradong ilong.

I remember this house, dito kami tumuloy noong nagkalasingan  kila tita Che. Pamilyar din sa akin si nanay dahil sya ang nagluluto noong araw na iyon. Nanlaki ang mata ko nang maalalang sya ang nakakuha ng undies ko sa bag.

"Nag-abala pa po kayo" nahihiya kong tugon.

"Ay nako wag kanang mahiya! Matagal na akong nagtatrabaho dito, pakiramdam ko nga ay ako na nag may-ari nito dahil minsan lang naman pumunta ang mga amo ko dito. Isa lang ito sa ari-arian nila na tinatauhan ko." mahabang paliwanag nito.

Maedad na si nanay pero hindi iyon halata dahil napaka sigla niya. Ano kaya ang iniinom nyang vitamins?

"Gaano na po kayo katagal dito?" I asked from my curiosity.

"Uhmm" napatingala sya na parang nag-iisip. "Mula noong mabalo ako! Ako na ang nagtatrabaho para sa mga anak ko. Bata palang si Cillian ay nako ako ang nagpapalit ng diaper ng batang iyan! Nakita ko din kung paano siya nagligalig nung tinulian!" napahagikhik siya sa pag-kekwento kaya pati ako ay natawa.

Tinanong ko lang naman kung gaano na siya katagal dito ay andami na agad nasabi.

"Naalala ko panga nung may dinadala siyang babae dito nako! Napaka ganda niyon! Makinis, napaka bait pa. Sila ang laging nandito at inaalagaan ko noon pero bigla nalang nawala. Hindi ko na nalaman ang dahilan. Gusto mo bang makita? Halika! Mayroon ako naitagong litrato namin!" akma syang lalabas ng kwarto pero parehas kaming nagulat dahil nakatayo na doon si Cillian.

"Don't force her nanay, may sakit yung tao." Seryoso at madiin nyang sabi.

"Kanina kapa ba riyan? Sa sobrang tahimik mo ay hindi na kita napansin. Sya nga pala, magluluto pa ako ng makakain ninyo sandali, dito ka ba kakain Hijo?"

Tumango ang lalaki.

Nang tuluyan ng makalabas si nanay sa kwarto ay parehas kaming natahimik, walang nagtangkang umimik. Nag-iwas ako ng tingin ng makaramdam ng hiya, siguro kung hindi sya dumating kahapon ay kung saan-saan na ako pinulot.

Napatingala ako sa kanya ng ilahad nya ang phone ko sa akin.

"Pina-check ko yan kanina, nabasa. I thought it's broken"

Agad ko naman iyong hinablot mula sa kamay nya. Nang mabuhay ang cellphone ay sunod-sunod na nagdatingan ang messages at notification ng missed calls.

Halos lahan iyon ay kay mama at Zonji.

63 messages ang dumating pero hindi ako nag-abalang masahin iyon.

Wala namang Eurine na naghahanap sa akin.

Walang nagtatadtad sa akin ng mura kapag walang nakakaalam kung nasaan ako.

Papatayin ko na sana ang phone ng biglang mag ring iyon. Tumatawag si Zonji.

Naiilang ako dahil alam kong nakatingin sa gawi ko si Cillian. Pinatay ko lang ang phone at pabagsak na inilabag iyon sa kama.

"K-kanina kapa ba dito? Sorry kung naabala kita" hindi ako makatingin ng deretso sa mata nya.

"Hindi mo sinagot?" nanatiling kalmado lang ang boses niya.

"Ha? Hindi mahalaga" pinilit kong hindi naluha ng maalala ang huling pangyayari na nasaksihan ko sa bahay.

Dip Into MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon