Chapter 2

275 2 0
                                    

Tahimik akong umuwi sa bahay at tinanguan lang si mama nang nakita siya. Hindi na ako nag-abalang kumain dahil masyado na akong pagod ngayong araw.

My first day as a freshman was interesting. Hindi naman siya gaanong nakakapagod pero pakiramdam ko ang dami kong ginawa. It was also fun that I had to meet other people, especially my new classmates.

Ewan lang, maybe I was comforted by the fact that we're all struggling and we have the same philosophies in our lives. We want to help people. We want to end the mental health stigma and that fact somehow comforted me.

Nagbihis na ako ng pantulog at naghilamos. Sunod ko namang ginawa ay ang lumabas ng kwarto ko para kumuha ng tubig. Maingat akong naglakad, iniiwasang gumawa ng ingay.

"Valerie!" napaigtad ako nang may magsalita sa likod ko.

"T-tito!" gulat na sabi ko at hinarap si tito.

"Kamusta ang first day? Ayos ba?" ngisi-ngising tanong niya.

"Ayos naman p-po," ngumiti ako sa kaniya at tumalikod na para tumungo sa kusina.

I have a stepfather. He's been my mom's boyfriend for the past seven months. Mabait naman si Tito pero minsan nakakatakot siya kapag lasing. Minsan kasi naririnig ko siyang sumisigaw at hindi ako sanay na may maingay sa bahay kaya nakakatakot lang minsan. Dito na kasi siya nakikitira sa bahay simula nang naging sila ni mama.

I have no father. Nabuo lang ako dahil sa pagkakamali and I have no grudge against it. Hindi rin naman ako naghahanap ng tatay dahil sapat na sa akin si mama. Kaya ko na sarili ko. Hindi ko na kailangan ng ama.

"Akyat na po ako." paalam ko nang nadaanan ko si Tito na nasa sala at nanonood ng TV.

Tumango siya sa akin kaya umakyat na ako. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa bottled water at binuksan ang pinto. Nang nakapasok, agad akong huminga nang malalim.

Gosh, I just don't feel comfortable around him.

I scrolled through my phone when I have nothing else to do. Nakita ko na nag-friend request sa akin si Akiro pero hindi ko in-accept. Bahala siya sa buhay niya.

Suddenly, his smoking look with his neck-tie disheveled flashed in my mind. Agad akong napaubo at napabangon sa kama.

Why did I think of him!? My gosh, Valerie!

I cringed and buried my face under the pillow. I shouldn't think about that long-haired guy!

Kinabukasan ay nagising ako mula sa lamig na dulot ng hangin. Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga at binuksan ang bintana ng kwarto ko.

I inhaled the salty breeze of the air. It's just five-thirty in the morning so I tied my hair and went in the kitchen to make myself a hot coffee. When I was done, lumabas ako ng bahay at pumunta sa dalampasigan.

I squatted near the water and let my feet touch the water. I simmered my coffee and stared at the bright moon. Masyadong maliwanag ang buwan kaya kahit walang ilaw dito ay makikita mo lahat ng kapaligiran.

I smiled and sipped at my coffee. This is one of the moments I will always look forward to in life. Gigising sa umaga at magkakape habang nakatingin sa mga payapang alon ng dagat. Sobrang tahimik ng paligid at ang tanging maririnig mo lang ay ang paghampas ng dagat sa mga naglalakihang bato.

Nanatili akong nakatingin sa dagat. It's just so fascinating how the moon reflected the sea. The sea is now shining because of the light that the moon provided. It's like they're made for each other.

Without the moon, the sea won't shine clearly and without the sea, the moon will have no reason to shine. It's just beautiful.

I stayed there for an hour until the sun decided to rise up. Napangiti ako nang nakita ko ang araw, I realized something that definitely made my day.

Embracing the Dark (PSYCH SERIES #1)Where stories live. Discover now