Chapter 3

193 2 0
                                    

Naiinip akong naghintay na matapos ang klase samantalang si Akiro na nasa tabi ko ay tahimik na nakikinig sa lectures. I yawned when I felt the drowsiness.

"Antok ka ba?" bulong niya habang nakatuon pa rin ang paningin sa harapan.

He's taking down notes and listening intently. Tahimik naman akong tumango at kinusot ang mga mata ko.

Then, I yawned again. I heard a small chuckle beside me so I glared at him. He was still laughing while taking down notes. Ang mga buhok niya ay nahuhulog sa tenga niya. God, he's so handsome.

"Wag mo nga akong kinukulit!" masungit na sabi ko at sumandal sa arm chair ko. I started whistling quietly just so I can divert my attention to something.

"Alam ko na pwede mong gawin para hindi ka antukin." pagsalita ng katabi ko.

Tinignan ko siya at pinagtaasan ng kilay. Hindi talaga niya kayang tumahimik 'no? Kahit hindi ko na pinapansin, nagdadaldal pa rin.

"Ano?" tanong ko na lang para hindi siya magmukhang tanga na bumubulong sa hangin.

"Sulatan mo kamay ko." nilahad niya ang kaliwang kamay niya sa akin.

Ilang sandali ko muna itong tinignan bago tumingin ulit sa kaniya. Nanliit ang mga mata ko kaya naman tinaas niya ang mga kamay niya.

"Chill ka lang diyan. Ganiyan ginagawa ko dati noong high school ako para hindi antukin. It helps, I swear!" pag-de-defend niya sa sarili niya.

Hmm, should I believe him? Wala rin namang mawawala sa akin kapag ginawa ko, e. At least, may pagkakaabalahan na ako. Hindi rin naman masyadong importante para sa akin ang discussion today at pwede ko naman itong kopyahin kay Akiro kung sakaling magkaroon ng assignments.

"Akin na ang kamay mo." tipid na sabi ko.

He smiled widely and lend me his left hand. Kinuha ko ang ballpen ko at maingat na hinawakan ang kamay niya para maabot ito. I opened the tip of my pen and started writing his initial.

Lumingon ako sa kaniya at nakitang nakatingin lang siya sa akin kaya tinakpan ko ang sinusulat ko at pinaharap siya sa board.

"Bawal tumingin!" sigaw ko.

"Okay, ma'am." sabi lang niya at nakinig na nga sa harapan.

I wrote "Akiro" on his pulse. Dinagdagan ko rin ito ng mga stars, sun, and moon shape para hindi bare tignan. When I was done, kinalabit ko ang braso niya kaya tumingin siya sa akin nang nakakunot ang noo.

"Tapos na," I pouted.

Ba't mukha siyang galit!? Nakakatakot naman pala siya kapag galit.

His furrowed brows immediately disappeared. He glanced at his pulse and looked at my drawings. Ngumiti siya at tumango sa akin.

"Ayos ba?" tanong ko.

"Yep! Ang ganda tuloy basahin ng pangalan ko sa palapulsuhan ko. You have a neat handwriting," he complimented me.

"Alam ko," sagot ko na lang at nakinig na rin.

"Sungit talaga." narinig kong bulong ulit niya kaya tinignan ko siya at tinaasan ng kilay.

Agad naman siyang ngumiti sa akin at nag-peace sign. Inirapan ko na lang siya at nakinig na sa harapan dahil alam kong patuloy lang niya akong kukulitin kapag pinansin ko siya.

Natapos ang klase namin ng six PM. Nag-extend pa kasi ang prof namin ng discussion dahil hindi siya makaka-attend bukas. Even though our prof is not gonna be at school tomorrow, we still need to pass our assignment. Someone's going to collect it daw and recorded daw kaya wala kaming kawala.

Embracing the Dark (PSYCH SERIES #1)Where stories live. Discover now