Chapter 11

113 2 0
                                    

Katulad ng inaasahan ay nagsalitan nga kami ni Akiro sa pagre-review ng mga topics. Minsan, ako ang nagtatanong sa kaniya pero madalas ay siya ang nagtatanong sa akin ng mga questions dahil memorize na niya lahat ng topics namin.


Matalino si Akiro at walang duda iyon. Halos hindi nga ako makasabay sa talino niya. Naloloka ang brain cells ko kapag nagre-recite siya sa klase. Formal kung formal at may sense talaga ang sinasabi niya!


"Sa tingin mo perfect tayo sa quiz?" nagsalita ako.


Nasa canteen ulit kami ngayon dahil maaga kaming natapos sa quiz. Halos magkasabay lang kaming lumabas ng room, nauna siya and after five minutes ay natapos ako at lumabas na rin ng room.

Hinintay rin niya ako sa tapat ng room kaya hanggang sa makapunta kami sa canteen ay magkasama kami.


"Sana. Okay na ako sa pasang-awang scores." humalakhak siya.


"Ako rin. Kuntento na ako basta pasado at hindi bagsak!" tumawa kaming dalawa.


Lumipas ang mga araw at mas lalo kaming naging close ni Akiro. Lagi siyang nagihintay sa akin sa gate ng school tuwing umaga at siya na rin ang nagbibitbit ng bag ko hanggang sa makarating sa room.

I also excelled in academics because of him. We are helping each other review every time na may mga quizzes kami.

Sabay kaming nag-aaral at katulad ng dating gawi, after mag-review ay nagtatanungan kami ng questions para masigurado na wala kaming nalagpasan na topics.

Naglalakad kami ngayon sa may bayan. Wala na kasi kaming pasok at free time na namin kaya nagpasya kaming maglibot-libot muna.

"Gusto mo pumasyal sa dagat? Picnic tayo, pwede rin akong magluto ng pagkain tapos maglatag tayo ng picnic blanket and then abangan natin ang sunset." pag-aaya niya bigla.


"So, it's a picnic date?" I asked.


"Picnic date it is," pagpayag niya sa naisip ko.


Lumaki ang ngiti ko at pumayag sa sinabi niya. Agad naman kaming pumasyal sa mall para bumili ng groceries na gagamitin namin mamaya for our picnic
date.

Sakto kasi na tapos na ang klase ngayon at wala kaming masyadong requirements for school kaya naman free kami this day.


"Gusto mo ng cinnamon rolls? May nakita akong cinammon rolls kanina, gusto mo bilhin natin?"
tanong niya.

Tumango ako sa kaniya at tinulak ang pushcart. Kumuha ako ng dalawang malaking bottled waters at tinignan siya.


"Kukunin mo na ngayon? Bilisan mo, ha? Hintayin na lang kita dito."


He pursed his lips and nodded. Kumaway naman ako sa kaniya at pinagmasdan ang pag-alis niya.

Now, what should I get? Meron na kaming cinnamon rolls, bottled waters, blueberries, and lettuce for our burger later.


Should I get wine? Nakikita ko kasi na 'yun ang iniinom ng iba kapag pumupunta sila sa picnic date. This is also my first time having a picnic date with someone so I don't know what to bring or buy. Ginagaya ko na lang ngayon 'yung mga napapanood ko sa YouTube.


Nagpasya ako na kumuha ng wine kaya pumunta ako sa wine sections. I looked at all the wines and settled myself with a white wine. Mas masarap kasi ang white wine kapag picnic dates. Dahan-dahan ko itong nilagay sa cart ko at bumalik sa pwesto kung saan ako iniwanan ni Akiro.


Embracing the Dark (PSYCH SERIES #1)Where stories live. Discover now