Chapter 21

91 0 0
                                    

"Thank you!"

I happily thanked the random guy I met earlier.

Nandito kami ngayon sa isang ice cream shop at nakaupo sa isang bench, dito kami dumeretso pagkatapos ng intense na sigawan namin kanina. He suggested that we eat since mukha raw akong gutom na gutom... which is true... so pumayag na rin ako.


"Kain ka mabuti," he smiled at me.

I licked the ice cream and looked at him. Gwapo siya. Matangkad ngunit payat. He has clean-cut hair that totally complimented his chinky eyes. Hindi ko lang alam pero parang nakita ko na siya somewhere.

I licked my ice cream again and looked at him attentively.


"Sino ka pala?" I asked him. "I think I know you pero hindi ko lang maalala," I murmured.


Natawa siya. Pinaglaruan niya muna ang wrist-watch niya bago sumagot sa akin.


"Hindi mo ako maalala? Talaga?" he chuckled again.


My brows furrowed. Kilala ba niya ako? I mean, he looks familiar but I really can't remember where I saw his face.

Tumango ako sa tanong niya at binalik ang atensyon sa ice cream na kinakain ko. It's strawberry flavored so it's sweet. Just the way I like it.


"Isa ako sa mga nagligtas sa'yo. I'm Joaquin by the way." he slightly smiled.


Tumigil ako sa pagkain ng ice cream para isipin kung totoo nga ang sinabi niya. I remember three person saved me the day I drowned but all my memories from that day are all hazy now.

Oh, wait. I think I remember him now! Isa nga siya sa mga nagligtas sa akin! Sa pagkakaalam ko kasi ay tatlo sila noon sa bangka at 'yung dalawa ay nasilayan ko pa ang mukha.


Joaquin... I think I heard his name that day too!


I licked my lips before answering. "Tama! Naalala ko na!" pumalakpak ako sa saya.

"See? I told you," he smirked.

Susubo sana ako ng ice cream ngunit ubos na pala kaya naman napapahiya akong ngumiti sa kanya nang nakita niya na sinubo ko ang kutsara na wala namang laman kundi hangin!

I awkwardly smiled.

Nagpanggap ako na may inaayos sa damit at napabuntonghininga ako nang nakitang sobrang dumi ng damit ko kumpara sa mga tao dito.

I look like an outsider trespassing in a golden castle. They're all wearing tidy clothes while my dress is full of sand and mud.


"I'll get you another ice cream."


Agad akong napatingin kay Joaquin nang nagsalita siya.

"Naku! Hindi na. Busog na rin kasi ako." I smiled to assure him.

Kumunot ang noo niya at nag-alangan sa sinabi ko.

"Sigurado ka?" concerned na tanong niya.


Hell, no! I'm so hungry I can eat all of the ice creams!

I faked a smile. Hinimas ko ang tiyan ko para kunwari busog na talaga ako.

"Oo! Thank you sa palibre!" I enthusiastically thanked him.

He looked at me for few seconds before nodding. I remained smiling to assure him that I'm okay so he wouldn't feel bad.

Embracing the Dark (PSYCH SERIES #1)Where stories live. Discover now