Chapter 22

80 1 0
                                    

"Valerie, alis na ako ha? May trabaho pa kasi ako bukas kaya alam mo na... bawal mag-absent,"

Napakamot sa ulo si Joaquin habang nagpapa-alam sa akin.

Tahimik lang akong nakatanaw sa dagat pero tumango ako para ipakitang okay lang na umalis na siya.

"Uhm... sige. Thank you sa time!"

Napabaling ako sa kanya. I smiled.

"No, thank you. Salamat sa one-hundred mo tsaka na rin sa libreng haircut. Na-appreciate ko talaga kaya... uhm... salamat,"

Nahihiya akong nagpasalamat. Nahihiya pa rin kasi ako dahil siya ang gumastos ng mga pagkain at haircut ko ngayong araw. Hindi lang ako sanay na may tumutulong sa akin.

"Naku! Wala 'yon. It's the least I can do for you."


Tumayo na siya sa bench kaya napatayo rin ako. He waved his hand at me so I slightly smiled and nodded.

"Goodbye and thank you," paalam ko.

He brushed his hair and smiled.

"Goodbye,"

He went home after that. Pinagmasdan ko pa siyang maglakad hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

When he was out of my sight, I continued looking at the surroundings to see its beauty.

I just love how the beach makes people happy. They're all giggling and smiling while playing in the water.

May mga iba rin namang tulad ko na nakaupo lang sa bench. Kadalasan ay mga kumakain ang nakaupo o kaya naman ay nakatanaw din sa dagat tulad ko.

"Hi. Is this seat taken?"

I glanced at the woman beside me.

She's wearing a dark-green bikini and a sun hat. Nakangiti rin siya habang naghihintay sa sagot ko. Agad naman akong umiwas ng tingin at sumagot sa kaniya.


"Hindi naman," sagot ko.


I heard her clap.


"Good! Makiki-upo ako ha? Ang init kasi, e! I've been surfing for the past three hours and mind you, it was exhausting!"

Pinaypayan niya ang mukha niya gamit ang kamay at nilapag ang sun hat niya. She crossed her legs comfortably and leaned at the bench.

She's actually very pretty. Her wavy hair and her dark-green bikini complemented her tan skin tone. May kurba rin ang katawan niya at mas matangkad siya sa akin.

Umusog ako papalayo sa kaniya para bigyan siya ng espasyo. Napatingin naman siya sa ginawa ko.

"Oh! Hindi naman kita naiistorbo, 'di ba?" alanganin niyang tanong.


Umiling ako agad. "Uh, hindi naman."

She smiled wider and smiled at me. "Good! Ikaw lang kasi ang gusto kong katabi,"

Kumunot ang noo ko at bumaling sa kaniya.

"Huh?"

She chuckled. Pinasadahan niya ang buhok niya. Kinuha niya ang pangtali ng buhok na nasa wrist niya at sinimulang ipitan ang basang buhok. She turned it into a messy bun.

"Masusungit kasi lahat ng nakaupo sa ibang bench kaya ayaw ko. Puno na kasi ang lahat ng bench at ayaw ko namang makiupo sa kanila," she explained.

Embracing the Dark (PSYCH SERIES #1)Where stories live. Discover now