Chapter 14

91 1 0
                                    

Warning: Mature content (medyo SPG).

Nandito ako ngayon sa bahay ni Akiro at kasama namin ang pamilya niya. Inimbitahan nila ako dito sa pamamahay nila dahil birthday ng mama ni Akiro. Hindi naman ako makatanggi kaya pumayag na rin ako.

Honestly, ayokong pumunta dito dahil ayaw kong makita ang mama ni Akiro.

But what can I do? I need to support my boyfriend and supporting him means being with his family if needed.


"Iha, pwede bang paabot 'yung hotsauce?"


Tumango ako kay tita Karen at inabot sa kaniya ang hotsauce na pinapakuha niya.


"Thank you. Anyways, alam mo ba 'yung anak ni Betty? May sakit daw sa pag-iisip!" she gasped dramatically and looked at tito.

"Talaga? Bakit daw may sakit?" tanong naman ni tito John.

Naramdaman kong may gumalaw sa tabi ko kaya sinulyapan ko si Akiro at nginitian. Nginitian din niya ako pero napansin kong hindi ito umabot sa mga mata niya.


"Ewan ko, maybe she's crazy or something. Nakakahiya kapag nagkataon!" umiling si tita na tila ba dissapointed siya sa nalaman.


"Valedictorian daw ang anak ni Betty 'di ba?" tanong naman ni tito.

"Oo! Matalino daw ang bata!"

"Well, that's a shame. A valedictorian who becomes crazy? Paniguradong pag-uusapan 'yan ng buong baranggay!"

"Yes, what a shame!"

I licked my lips and raised my brow. Hindi ako makapaniwala habang nakatingin sa kanila na pinag-uusapan ang isang tao na wala naman dito sa bahay!


Rule of respect: Don't talk about someone who's not at the table you're sitting at.


At ang mas nakaka-dissapoint lang ay parang wala silang pake na nasa harapan nila kami.


Akiro and I are both psychology students. We are studying human behaviors and mental processes. This is just so disrespectful to us.


Imagine, pangarap mong maging psychiatrist or psychologist tapos babastusin lang nila ang pangarap mong propesyon?


"Ewan ko ba sa mga bata ngayon? Kaunting problema lang ay depress na! Noong panahon naman natin ay walang ganyan. They're just being dramatic!" kumento ni tita.


Tangina! E kung sabihin ko na huwag silang huminga tapos sisihin ko na bakit hindi sila huminga!? Bobo ba sila? Dramatic amputa!


With that, I decided to interrupt.


"I'm sorry for interrupting but I don't think they're just being dramatic po."

Kumunot naman ang noo ni tita sa akin at umirap. I sighed and smiled at her.


"Well then, ano sila?" galit na tanong ni tita.


Naramdaman ko si Akiro na bumuntonghininga kaya naman nginitian ko lang siya.


Huwag kang mag-alala, Akiro. Kung ikaw kayang-kaya nilang maliitin, pwes ako hindi!


"Well, I'm sure there must be some psychological reason about they're behavior. Hindi pwedeng magkakaroon sila ng sakit dahil lamang OA sila. That's not a reliable source, tita."


Umirap si tita sa sinabi ko. "Whatever!"


Palihim akong umirap at binalingan si Akiro. He smiled sadly at me but he looks proud of what I did. Nag-thumbs up ako sa kaniya at ngumiti.


Embracing the Dark (PSYCH SERIES #1)Where stories live. Discover now