"Darcy! Anong gagawin ko!?" paghihimutok ko.
Nang nakauwi sa mansyon ay agad ko ring pinagsisihan ang ginawa ko. Buti sana kung hindi ko siya professor. E ang kaso nga lang, professor ko siya at maaari niya akong ibagsak! Baka siya pa ang maging dahilan para hindi ako maka-graduate!
"Hindi mo kasalanan 'yon!" umiling si Darcy.
Nandito kami ngayon sa sala ng mansyon at nanonood ng cartoons. Pag-uwi ko ay agad akong lumapit sa kaniya at nagsumbong. Tinanong niya ako kung anong nangyari at lahat ng nangyari ay sinabi ko sa kaniya.
"Isang buwan na lang ay ga-graduate na ako! Hindi ako pwedeng bumagsak!" sumubsob ako sa leeg niya at doon humagulgol.
Napabuntonghininga siya. Hinaplos niya ang buhok ko kaya mas lalo akong napaiyak. Hindi siya nagsalita at hinayaan lang akong umiyak sa mga bisig niya. Nang kumalma ako ay agad kong inayos ang upo ko at sumandal sa couch na inuupuan namin.
"Gusto mo samahan kitang pumasok? Wala na rin naman kayong masyadong ginagawa," she offered.
I sighed. Gusto ko 'yung offer niya pero alam kong may trabaho siya. Hindi naman pwedeng magpaka-selfish ako at isama siya sa school.
"Hindi na..." I hesitated.
"Si Joaquin? Hindi ka ba niya binabantayan sa school?" tanong niya ulit.
"Binabantayan," ngumuso ako.
"Iyon naman pala, e." she sighed.
"Nahihiya naman akong magpabantay sa kaniya lagi. Hindi naman siya kasama sa gulong pinasok ko pero nadamay pa siya. Tsaka nahihiya rin naman ako sa kaniya lalo na't pakiramdam ko naiipit siya sa sitwasyon ko," I explained.
"Hindi 'yan. Ginagawa niya 'yon dahil kaibigan ka niya at nag-aalala siya sa'yo."
I sighed. Hindi na ako nagsalita at inisip lang ang nangyari kanina.
Hindi ko naman kasalanan ang nangyari, ah? Sir Hans insulted me and the only thing I can do to save me was to do that... and I did. Hindi naman pwedeng hayaan ako siya na insultuhin ang pagkatao ko, 'di ba? I was just being who I am.
Sana lang talaga ay hindi niya ako ibagsak. Pakiramdam ko kasi may iba pa siyang motibo sa akin. I don't know why but I don't feel comfortable around him. His entire presence screams danger.
I just hope nothing bad happens.
The next day, I anxiously woke up. Hindi rin ako masyadong nakatulog sa sobrang kakaisip tungkol sa pwedeng mangyari ngayong araw. For all I know, Sir Hans will do something terrible. I can be scolded today or worst, expelled.
I'm sure that Hans has strong connections. Sa ugali pa lang niya, halata ng may kapit siya mula sa ibang tao dahil hindi tinatanggap sa trabaho ang may mga ugaling katulad niya. He can be influential so I know I need to be careful.
"Kaya mo 'yan. I'm sure he won't do something terrible." pag-aalo ni Darcy.
Nasa hapag-kainan na kami ngayon at ilang minuto na lang ay aalis na ako para makapasok sa school. I don't have anything to do besides passing my report. Kailangan ko lang 'yung ipasa at pagkatapos no'n ay makakaalis na ako.
"Sana nga." bumuntonghininga ako.
I anxiously finished my meal. Nakasabay rin namin ngayon si Lola Milagros pero tahimik lang siyang nakikinig sa amin. I'm sure she's also super stressed because of work so I didn't bother asking for more opinions.
YOU ARE READING
Embracing the Dark (PSYCH SERIES #1)
Ficción GeneralI refuse to look at the world positively. For me, walang kwenta ang mundo. It's meaningless and full of agony. It's dark and colorless. I don't see the point in living a life that's full of hatred and pain. I hated the world, not until I met him. Wh...