Chapter 23

79 1 0
                                    

I woke up feeling so nauseous the other day. Ni hindi ko namalayan na dito pala ako natulog sa tent ni Darcy.

All I remember from that night is our countless drinking of beers and I also remember talking to Darcy while sitting in the sand but I don't remember our conversation.

"Shit," I cursed.

I groaned when I felt my head ache. Sinilip ko si Darcy sa tabi ko at nakita siyang nakanganga habang nakasampay ang isang paa sa binti ko.

Dahan-dahan ko itong inalis at tumayo. I quietly went outside the tent to get some fresh air.


"Good morning, world," I whispered.

I closed my eyes when I felt the cold breeze of the air on my face. Niyakap ko ang sarili ko at lumapit sa dagat para masilayan ang buwan na nasa langit.

I think it's just five-thirty in the morning and the sun obviously hasn't risen yet. Sinulyapan ko ang paligid. Tanging ang mga tagapaglinis pa lang ng lugar ang gising. Nagwawalis sila ng kalat na nagmula sa party kagabi.


I glanced at my body. Suot ko pa rin ang damit na binigay sa akin ni Darcy. I thanked her in my mind and looked at the moon.


"You're so beautiful," I whispered and stared at it even longer.


"It's so beautiful, right?" someone beside me talked.


Tahimik naman akong tumango. Nanatili ang tingin ko sa buwan. It's enchanting to look at. I cannot take my eyes off of it and the longer I look at the moon, the more beautiful it appears to my eyes.


"Ang aga mo namang nagising. I'm still so wasted,"


Naramdaman kong humikab si Darcy sa gilid ko. Sumulyap ako sa kaniya at nagsalita.


"Tulog ka muna ulit. Alas singko pa lang naman ng umaga. Gisingin na lang kita kapag sumikat na ang araw," I smiled at her.


Humihikab siyang umiling sa akin. Napakamot siya sa ulo at napayakap din sa sarili. Nilamig din ata katulad ko.

"Kuha lang ako ng kumot," paalam niya.

Tumango lang ako at pinanood siyang tumayo sa pwesto niya para bumalik sa tent. Binalik ko ang tingin ko sa harapan at nagpasyang paglaruan ang buhangin sa harap ko.

I started gathering the sands near my foot and I slowly made a tower out of it. Paminsan-minsan ay binabasa ko ito ng tubig kapag hindi ko nagustuhan ang ayos ng buhangin sa paa ko.

I pouted. Nagtatampo kong tinignan ang tore ng buhangin na anumang oras ay matutumba ulit. Naiinis ko itong binuhusan ng tubig at nagsimula ulit baguhin ang tore ko.


Nanatili ako sa ginagawa at natigil lang nang narinig ang mga yapak ng paa ni Darcy.


Inaantok ko siyang sinulyapan. May nakasampay na maliit na kumot sa leeg niya at may hawak siyang dalawang baso sa magkabilang kamay.

"Tubig oh," she offered me the other cup.

I thanked her. Tahimik kong ininom ang tubig na binigay niya sa akin at inubos ito.


"Nilalamig ka ba? Share tayo ng kumot, gusto mo?"


Umupo siya sa tabi ko at sinimulang ayusin ang kumot. I helped her with it. Inabot niya ang kalahating bahagi ng kumot sa akin kaya naman pinatong ko ito sa balikat ko.

She did the same. Nagsiksikan kaming dalawa sa isang maliit na kumot, parehas na inaantok at parehas na masakit ang ulo.

"Saan ka mamaya kapag sumikat na ang araw?" she asked.


Embracing the Dark (PSYCH SERIES #1)Where stories live. Discover now