Chapter 27

62 1 0
                                    

Ilang segundo na ang lumipas ngunit walang nagtangkang pumutol ng tingin namin sa isa't-isa. He was staring at me with full of hatred while I was just staring at him blankly.

Bumilis ang paghinga ni Akiro at nanginig ang katawan sa galit. He clenched his fists while keeping his temper. Nakita kong mariin siyang lumunok at pilit na iniwasan ang tingin ko.

I know he's mad because I can obviously see it. Nag-apoy agad sa galit ang mga mata niya nang nakita niya akong nakaupo. The moment he entered the room and saw me, hatred was already evident in his eyes.

"Valerie, okay ka na ba?" siniko ako ni Joaquin.

Nanatili akong nakatayo at hindi gumagalaw sa pwesto. Nakatingin na ang ibang kaklase ko sa akin, marahil nagtataka kung bakit nakatayo pa rin ako pero hindi ko sila pinansin at nanatili ang tingin kay Akiro.


"Valerie..." bulong ulit ng katabi ko.

I saw how Akiro is really trying his best to calm himself. Nakatalikod siya ngayon sa amin at nakaharap sa whiteboard. His fist are still clenching but his breathing became steady now.


"Valerie!"


Bigla akong hinila ni Joaquin at pilit na pinaupo. Nilingon ko siya at agad kong nakita ang pagtataka sa mukha niya, as if he is asking me what the hell happened and why is the room suddenly filled with such tension.

Maski ang mga kaklase ko ay palipat-lipat ng tingin sa amin ni Akiro. Pagkatapos ko kasing ipaliwanag ang sagot ko ay bigla na lang nandilim ang paningin ng prof namin.


"Anong nangyari sa inyo? May hidden language ba kayo ni Sir Akiro at bigla kayong nag-away?" bumulong si Joaquin sa akin.

I gritted my teeth in annoyance. I am not annoyed with Joaquin, I am annoyed with our professor who's now looking at me with the same intensity that I saw earlier.

Nang nagtama ang paningin namin ni Akiro ay agad kong iniwas ang mga mata ko at bumaling kay Joaquin. I smiled at Joaquin and tussled his hair.

"Valerie naman, e. Alam mo namang pinaghirapan kong maglagay ng gel sa mukha tapos guguluhin mo lang ang buhok ko? You're being unfair!" pagpa-pa-cute ni Joaquin.

I smiled sarcastically. "Ah, talaga?" I annoyed.

He pouted. Nagtatampo niyang iniwas an tingin sa akin at mahinang hinampas ang mga kamay ko. I laughed with his childish remarks.


"Hindi na kita bati," nagtatampong bulong niya.


Napamaang ako. Tumahimik ako nang ilang sandali at tinimbang ang reaksyon ni Joaquin.

Mamaya kasi nagtatampo na pala 'to sa'kin tapos di ko alam.

"Sus, kung hindi mo ako bati, huwag kang tatabi sa akin kapag lunch, ha?" I smiled evily.

Agad siyang lumingon. Madilim ang mga mata siyang umiling sa akin at kinalabit ang kamay ko nang ilang beses. Nakasimangot ang mga mukha niya habang kinakalabit ako.

"Oh, bakit nagagalit ka?" nagtaas ako ng kilay.

He pouted cutely. "Ang sama mo..."

"Joke lang!" agad na bawi ko.

Iniripan niya ako kaya naman natawa ako nang malakas. Joaquin gasped loudly who is sitting beside me when a chalk flew at our direction. Para pang nag-slow motion ang buong paligid at lumipad ang chalk namin sa mismong gitna namin ni Joaquin.


Embracing the Dark (PSYCH SERIES #1)Where stories live. Discover now