Chapter 5

147 3 0
                                    

Para akong nabunutan ng tinik nang makita si mama na nakatayo sa dalampasigan. She was staring at the beach while smiling and her long hair and dress was slowly being blown by the wind.

My mother looked carefree while she was staring at the serene sea. Naglakad ako papalapit sa kaniya at niyakap siya mula sa likod. I hugged her from behind and kissed her back.

"Akala ko kung saan ka na nagpunta." bumuntong-hininga ako.

Narinig ko siyang tumawa at hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kaniya. She held both of my arms that are hugging her so I tightened my hug. I have grown to love the beach because of my mom. Dito kami tumira malapit sa dagat dahil gustong-gusto niyang tinatanaw ito. Nawawala raw ang problema niya kapag malapit siya sa dagat kaya naman nagpasya siya na tumira kami malapit dito. I started to love the beach because of her.

Sino ba namang ang may ayaw tumira malapit sa dagat, 'di ba? It's so peaceful and quiet here.

Every time I would look at the beach, I remember my mom.

"Buti naman umuwi ka na," she whispered.

Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kaniya mula sa likod at tumabi sa kanya. Pinagmasdan ko siya habang nakatanaw siya sa dagat at mukhang napansin niya iyon kaya naman nginitian niya ako.

"Ang ganda naman ng anak ko," inayos niya ang buhok ko at nilagay ang ilang hibla sa tainga ko. I smiled because of that.

"Talaga ba, ma?" I joked.

"Oo naman. Nagmana ka ata sa mama mo!" tumawa siya at hinalikan ako sa pisngi.

I smiled. "I like it here," I looked at the beach.

Ang gandang tanawin ng dagat kapag may problema ka. Payapa ang paligid at parang hinihigop ng tunog ng dagat ang problema mo.

"I like it here, too." she smiled.

Parehas naming tinanaw ang maingat na paghampas ng mga alon sa mga bato. It made an eering sound that sounded so magical. The sun is also starting to set which made the entire place so beautiful. Kulay kahel na ang langit at nagpapakita na rin ang buwan. Ang mga ibon ay malayang lumilipad sa himpapawid at ang mga tao na nasa dalampasigan ay nagsisimula nang umuwi.

Tinaas ko ang kamay ko at tinapat ito sa araw na nagsisimula nang mawala. I pretended to hold the sun in my palm.

"It would be beautiful if I can hold the sun in my palm." bulong ko.

"Maganda nga ngunit masusunog ka naman." humalakhak si mama.

I pouted. "Yeah."

"Pasok na tayo?" tanong ni mama at tinanaw ang karagatan sa huling pagkakataon bago kami pumasok.

Tumango ako at pinagpagan ang kamay ko dahil may mga nahawakan akong buhangin kanina. Ganoon din ang ginawa ni mama at magkahawak-kamay kaming pumasok sa bahay.

"Nasaan po si tito, 'ma?" tanong ko nang napansing wala si tito ngayon sa bahay.

Hindi muna siya nagsalita dahil may ginagawa siya. I helped her chop the vegetables. We're cooking bulalo for today because bulalo is good for this cold weather.

"Overnight daw siya sa trabaho ngayon kaya hindi siya makakauwi," paliwanag ni mama kaya tumango na lang ako at nagpatuloy sa ginagawa.

Sa totoo lang ay wala talaga akong alam tungkol kay Tito. I don't know his work or where he lived before he started living in our house. All I know is that his name is Rey and that he's forty years old already.

Embracing the Dark (PSYCH SERIES #1)Where stories live. Discover now