Malungkot ang tingin akong ngumiti sa kaniya. He was stunned for a minute but when he recovered, agad din niyang tinanggal ang kamay ko sa pisngi niya at galit na tumingin sa akin.
Nanghina ang tuhod ko sa emosyong ipinakita niya.
"K-kamusta?" ani ko.
Natawa siya sa tanong ko. Hindi ito 'yung klase ng tawa na tunay. Instead, he was laughing at me as if I was a fool. Unti-unti siyang humakbang paatras habang nakatingin sa akin.
Umawang ang bibig ko sa ginawa niya. Bakit ang sakit makita na unti-unti siyang lumalayo sa akin?
I remember him now.
Nagsimulang bumalik ang mga alaala ko noong tinanong niya ako at pinag-recite kanina. I remembered him because that situation happened in the past.
Ang pinagkaiba lang noon sa ngayon ay hindi na siya ang katabi ko sa upuan. Instead, he was the one who asked me the question.
But do you know what hurts the most? Naalala ko na rin kung ano ang mga salitang binanggit ko noong nagtangka akong magpakamatay... which made me want to live.
"Gusto ko pang makita si Akiro! I want to hug him and go home to him! Let me live, Dear God! Please let me live!"
Mapait akong napangiti sa naalala. He was the one who saved me from drowning and killing myself. I didn't remember this before but Akiro saved me. He saved me and he is the reason why I am alive now.
I saved myself for him. I saved myself for him because I don't want him to cry for my death.
"G-galit ka ba?" maamo akong tumingin kay Akiro.
Napatigil siya sa paglalakad dahil sa tanong ko. Namumula na ang mga mata niya ngayon at mahigpit ang pagkakakuyom niya sa kaniyang kamao. He looked at me with nothing but anger in his eyes.
"You're asking me that?" he harshly asked me.
Mabibilis ang mga bawat hakbang niya papunta sa akin. I stood frozen in my spot, looking at him who is looking at me with disgust and pure anger. Hindi ko na makita ang pagmamahal sa mga mata niya.
Nang nakalapit ay mariin siyang tumingin sa akin. Nanghihina akong napapikit nang niyugyog niya ang balikat ko.
"You're seriously asking me that!?" his voice thundered.
I just closed my eyes. The raindrops fell into my eyelids down from my lips. Suminghot ako at binuksan ang mga mata para salubungin ang tingin ni Akiro.
"A-akiro," I almost fell into my knees when I saw his face.
Sobrang namumula na ang kanyang mga mata pati ang kanyang mga tainga. Nanginginig ang kanyang mga balikat at kagat-labi siyang umiiyak. I think this was the weakest state of him that I saw... and it's because of me.
Iniwas niya ang paningin sa akin at kumurap-kurap. I began shaking uncontrollably. The heavy rain started pouring even more and we are now soaking wet because of the rain.
"Tinatanong mo ako kung kamusta ka!? Why don't you answer my question, Valerie!?"
"Kamusta nga ba ako!?" galit niyang tanong.
Umiling-iling ako. "H-hindi ko alam!" I shouted because of frustration.
Mapait siyang natawa sa sinabi ko. Pinunasan niya ang kanyang mata na umiiyak bago lumingon sa akin.
YOU ARE READING
Embracing the Dark (PSYCH SERIES #1)
Ficción GeneralI refuse to look at the world positively. For me, walang kwenta ang mundo. It's meaningless and full of agony. It's dark and colorless. I don't see the point in living a life that's full of hatred and pain. I hated the world, not until I met him. Wh...