14th: Bermuda Triangle (Mystery Solved )

5 1 0
                                    

14th: Bermuda Triangle (Mystery Solved )

"Lolo alam niyo po ba kung ano 'yung bermuda triangle?" tanong ng aking apo, tsaka tumingin sa akin.

"Oo apo, sinasabing lahat daw ng mga eroplano't barko na dumadaan doon ay nawawala at hindi na muling natatagpuan," wika ko.

"Eh lolo saan po ba napupunta 'yung mga nawawala?" tanong nito na naka kunot ang noo, mababakas mo na interesado talaga siya sa kwento nito.

Mayroong isang pamilya ang nakasakay ng eroplano. Ang mag-asawa at dalawa nitong anak ay patungo sa bansang Puerto Rico, upang asikasuhin ang kanilang negosyo. Mayaman ang kanilang pamilya pero walang oras ang mag-asawa para sa kanilang mga anak, kaya malayo ang loob ng mga ito sa kanila

Lulan sila ng napakalaking eroplano, noong malapit na silang makarating sa kanilang destinasyon ay siya namang naging masungit ang panahon. Umulan ng pagkalakas lakas na tila may bagyo at ang malalakas ring kulog ang maririnig mula sa itaas. Umiikot ikot ang eroplano at nawalan ng balanse at bumagsak kung saan.

Mabilis kumalat ang balitang na nawawala ang eroplanong sinakyan ng pamilyang 'yun, mayayaman lahat ng sakay ng eroplano kaya't marami ang nagtaka kung bakit hindi manlang nila nahanap kung saan bumagsak ang eroplano, sinuyod nila ang karagatan ngunit wala silang natagpuan.

Nagising na lang ang dalawang bata, na anak ng mag-asawang businessman sa isang malawak na damuhan. May mga batang naglalaro at nagtatawanan.

Lumipas ang ilang araw, naging mas masaya ang pamamalagi ng dalawang bata  sa lugar na 'yun dahil bukod sa walang problema ay napakaganda't tahimik ang buong lugar. Maaliwalas ang langit, magagandang mga halaman at makulay na kapaligiran. Mistulang walang hanggang kasiyahan ang dala nito.

"lolo ano po 'yung lugar na sinasabi niyo?" tanong ng aking apo.

"Iyon ang bermuda triangle apo, kaya lahat ng nawawalang mga eroplano at mga barko ay hindi na muling natatagpuan ay dahil mas pinipili ng mga taong mamalagi doon, dahil sa lugar na 'yun ay napakasaya at walang problema," paliwanag ko sa kaniya at tinuloy na ang pagkwekwento.

Matagal namalagi ang magkapatid doon, ayaw na nilang umalis at pinili na lang nila na doon na tumira. Ngunit isang araw, nagbago ang lahat.

"Ano pong nangyari lolo?" tanong niyang muli.

"Ang magagandang tanawin ay naging kulay itim, ang kalangitan ay dumilim, lahat ng halaman ay nalanta at nawala ang mga batang naglalari aa kapaligiran, tangin silang nagkapatid lamang ang natirang nakatayo sa damuhang naging kulay itim na rin," kwento ko.

"Bakit po naging ganun ang nangyari lolo?" tanong nito.

"Dahil ang mundong 'yun ay mapanlinlang, sa una'y mamamangha ka sa ganda ng lugar, at nanaiising mamalagi doon. Ngunit hindi alam ng mga tao na sa pagtatagal nila doon ay unti-unti na pa lang kinakain ng isang nilalang ang kanilang kaluluwa. Ang nilalang na iyun ay ang nagmamay-ari sa bermuda triangle." paliwanag ko.

"lolo ano pong nangyari sa magkapatid nung sila na lang ang natira doon?" tanong niyang muli.

"Sinubukan nilang tumakas apo, hindi pa naman sila gaanong nagtatagal doon, kaya may pag-asa pang maka-alis sila." paliwanag ko.

"Nakaalis po ba sila?" bakas na bakas mo sa kaniya na nais niyang nalaman ang nangyari.

"Oo apo, nakaalis sila sa lugar. Pero isa lang sa kanila ang nakabalik dito sa mundo natin," sagot ko.

"Sin-" hindi na niya natuloy ang pagtatanong nang tawagin na siya ng kaniyang lola upang matulog na dahil alas onse na ng gabi.

"Sige na apo, itutuloy ko na lang sa'yo bukas ang kwento," sambit ko.

Napakamot ito ng ulo saka tumayo na sa kinauupuan nito at umakyat na sa itaas.

"Ano nga bang nangyari sa nag-iisang taong nakaligtas sa lugar na 'yun?" tanong ko sa aking sarili.

Napahalakhak ako ng maalalang ako nga pala ang taong 'yun, ilang dekana na rin ang nakalipas. Sinubukan naming tumakas ng kapatid ko ngunit hindi niya kinaya ang hirap at siya na mismo ang sumuko. Hindi ako pumayag na makuha ako ng nilalang na 'yun at lumaban. Nagtagumpay akong makalabas sa lugar na 'yun ngunit gabi gabi akong dinadalaw ng mga bagungot, hindi ako nito tinigilan.

Saan napunta ang aming mga magulang? Kinuha din siya sa amin, natuklasan kong may iba't ibang anyo ang lugar na yun at sa ibang anyo napunta ang aking magulang.

One Shot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon