12th Sino ang may kasalanan

4 2 0
                                    

12th: Sino ang may kasalanan?

"Sa tingin mo, sino ang may kasalanan? Ang nagkulang o ang sumuko?" tanong sa akin ng katabi kong si aivy.

Napatigil ako sa aking ginagawa at nag-isip ng sandali.

"Sumuko," sabi ko at pinagpatuloy ang pagtatype.

Kinalabit niya akong muli, at napalingon ako sa kaniya, kunot ang mga noo nito na parang nagtatanong ng kung ano.

"Bakit?" inis kong tanong sa kaniya.

"Bakit sumuko ang may kasalanan? Hindi ba dapat ay ang nagkulang, kasi hindi naman siguro sila susuko kung hindi ka nagkulang?" kunot noong sabi nito, sabay kamot sa kaniyang ulo.

"Lahat tayo ay may pagkukulang, walang taong perpekto. Kaya't bakit mo susukuan ang isang tao kung mahal mo siya at pwede namang ipaglaban?" sagot ko at tuluyan nang iniligpit ang mga gamit na naka kalat sa aking lamesa at tumayo na upang umalis sa lugar na 'yon.

"Pero paano kung may rason kung bakit siya sumuko diba? Malay natin." pahabol na sabi nito.

Umiling iling na lang ako at umupo muli sa kinauupuan ko kanina at tumigin sa kaniyang mga mata.

"Eh ikaw? Bakit nagkulang ang isinagot mo?" balik na tanong ko sa kaniya.

"D-dahil....." napahinto ito.

"Oh tignan mo hindi ka makasagot," sabi ko at umiling-iling.

"Hindi naman sapat na dahilan ang pagkukulang ng isang tao para sukuan natin sila agad, minsan kailangan nating lumaban at ipakita sa kanila na hindi natin sila susukuan. Siguro minsan nakakapagod ding umintindi pero pwede namang magpahinga diba?" mahabang paliwang ko sa kaniya.

"P-pero-"

Hindi ko siya pinatapos sa kaniyang sasabihin ng magsalita akong muli.

"Alam kong may iba't ibang dahilan tayo, dahilan para sumuko. Pero sana bago tayo sumuko isipin natin 'yung kahihinatnan nito. Siguro iniisip ng iba mas magandang sumuko dahil sa paghihirap na nararamdaman nila,  pero para sa akin mas pipiliin kong lumaban, atleast lumaban diba, at wala akong pagsisisihan sa huli." mahabang sabi ko.

"May mga bagay talaga na kahit ipaglaban mo ay pwede pa ring mawala sa'yo, dahi sa mundo walang permanente lahat nagbabago." habol pa nitong sabi at ayaw magpatalo.

Dahil sa sinabi nito'y napaisip na naman ako ng malalim, at naglakad palayo.

----------------

"Paano na lang kaya kung sinukuan kita noon? Mabubuhay ka pa kaya?" tanong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ka mula sa 'di kalayuan.

Dumating naman ang isang lalaking may nakasugbit na bag mula sa kaniyang likuran at hinalikan ka sa pisngi.

Kitang kita ko kung paano kumislap ang mga mata mo noong nakita mo ang lalaking iyon, the way you look at me before.

Kahit hindi ko gusto ay pilit bumabalik lahat ng ala-ala natin.

"Hijo, sumuko na kay aivy. Hindi na siya gigising, ilang taon na rin siyang ganiyan," wika ng kaniyang ina.

'Hindi ko po siya susukuan tita, alam kong gigising rin siya." ngumit ako para ipakita na kaya ko pa.

"Mabuti pa't matulog ka na, ako muna ang magbabantay sa kaniya,' sambit nito ngunti sunod sunod lang akong umiling.

"Sige, bibili na lang muna ako ng makakain mo. Ilang araw ka nang hindi makakain ng maayos eh," sabi nito saka tuluyan nang lumabas ng pinto.

Hinawakan ko ang kaniyang kamay at nilagay ito sa aking mga pisngi, "Gumising ka na mahal, naghihintay lang ako sa'yo dito. Hindi kita iiwan," wika ko.

One Shot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon