Sixth: Wrong Person
Naglalakad ako sa isang eskinita pauwi sa aming tahanan dahil napag-utusan ako ng aking ama na mamalengke para sa aming magiging hapunan.
Nang mayroong naka van ang humimto sa kinaroroonan ko, agad na lumabas ang tatlong lalaki na may dalang panyo, saka ito lumapit sa akin at tinakip sa bibig ko. Agad nanlabo ang panigin ko saka hindi namalayan ang sunod na nangyari.
Nagising na lang ako sa isang kuwarto na hindi pamilyar sa akin. n
Nakita ko ang isang lalaki na dumakip sa akin na mayroon na ngayong hospital gown saka nakahawak ng injection. Doon ko nalang nakita na naka kayang na ako ng posisyon ngunit bago niya itusok sa akin ang malaking injection ay mayroon muna itong tinusok sa braso ko. Muli, nawala ako ng malay.Nagising muli ako na iba na ang paligid, nandito na ako sariling silid ko. Ngunit ano ang nangyari sa akin? Panaginip lang ba ang lahat?
Ilang buwan ang lumipas simula nangyari ang insidenyeng iyon, ngunit labis ang pagtataka ko sapagkat hindi ako tinadnan at lagi akong nahihilo at nasusuka. Hindi kaya nagdadalang tao ako? Ngunit paano, gayong birhen pa ako?
Para matahimik ako ay magpunta ako sa isang store upang sana'y bumili ng PT.
Third Person's POV
"Ano? Sa ibang babae niyo nailagay iyon?" pasigaw na sabi ko mula sa mga tanga kong tauhan.
"Pasensiya na boss, kamukang kamuka niya kasi yung babaeng nasa litrato kaya napagkamalan namin siya" sagot naman ni kalbo.
"Bibigyan ko kayo ng ilang araw upang dalhin sa akin ang babaeng iyon" sumasakit ang ulo ko sa kapalpakan na ginawa nila.
- - - - - - - - - - - - -
0_0"Paano nangyari ito? Malalagot ako sa aking magulang kapag nalaman nila ang tungol dito." tarantang sabi ko.
Nag PT na ako at dalawang guhit ang lumabas, ibig sabihin nagdadalang tao ako. Ngunit paano ko ipapaliwanag sa magulang ko ang tungkol dito gayong hindi kapani-paniwala ang nangyari sa akin. Bahala na sa kung ano man ang isipin nila basta sasabihin ko sa kanila.
Kabado akong pumasok sa bahay, bubuntong hininga ng ilang ulit, gabi na rin nang makauwi at siguradong tulog na ang mga iyon. Laking gulat ko nang may bumato sa akin ng throw pillow.
"Anong oras na, bakit ngayon ka lang?" nakapamewang na sabi ni mama.
"m-mama may s-saaabihin ako." kinakabahang wika ko.
"Ano 'yon aber?"
"m-ma b-buntis ho a-ako" pagkatapos kong sabihin ang katagang iyon ay sabay ding tumulo ang luha ko.
Kunod noo naman akong tinignan ng aking ina, saka akmang may sasabihin ngunit hindi siya makapagsalita, marahil dala iyon ng labis na pagkabigla.
Kinabukasan ay narito kaming lima sa hapagkainan, kasama ang dalawa kong kapatid pati ang aming mga magulang. Bglang naopen ni mama ang topic tungkol sa pinag-usapan namin kagabi.
"Anak, sinong ama ng dinadala mo? At pananagutan ka ba nito?" tanong nito sa akin.
Bigla nalang napabitiw sa kubyertos si papa saka ito tumingin ng diretso sa aking mga mata.
"Kulang pa ba ang mga payo namin ng mama mo para mangyari to!?" Pagtatas ng boses nito sa akin.
"P-pa sorry, wala po talaga akong kas-"
Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang biglang may pumasok sa pintuan namin at may hawak itong baril.
"Itaas ang inyong mga kamay at iwagayway" saad nung lalaking kalbo.
"Miss diba ikaw yung babaeng kinuha namin dati sa kalsada? " tanong naman nung isang lalaki.
"Kailangan mong sumama sa amin" sambit noong isa.
"Saan niyo dadalhin ang anak ko?" tanong ni papa.
Kaagad naman akong hinawakan at pilit na pinapasama nung tatlong lalaki, Ngunit mayroong isang lalaki ang maayos ang kasuotan at nakasuot ng mamahaling relo ang dumating.
"Bitawan niyo ang magiging ina ng anak ko"
Kaagad namang nabaling ang atensiyon ng lahat sa kanya at nagtataka ko rin siyang tinignan.
"Ako ang magiging ama ng dinadala mo, walang nangyari sa amin ngunit ang tatlong lalaking ito na tatanga tanga ang may kasalanan kung bakit ka nagdadalang tao ngayon. Aksidente nilang naitusok ang injection sayo na para sana sa isang babae." paliwanag nito.
"Panagutan mo ang anak ko, ayokong lumaki ang apo ko na walang ama" sagot ni papa.
"Gagawin ko po, isa akong businessman at mayroon akong iba't Ibang negosyo sa iba't ibang bansa. Ako ang may-ari ng pinaka malaking gusali dito sa pinas." sagot nito habang ngumingisi.
"Paano pag ayaw kong sumama sa'yo?" sabi ko dito.
"Well, wala akong magagawa kundi ipapadukot ka sa tatlong lalaking iyan" pagkatapos ay umigting ang panga nito.
Omg umiigting ang panga, goodbye ma i'm getting married.
At saka lang ako natauhan sa pagkain ng cream stick ng batuhin ako ng sandok ni mama.
"Hoy ano ka bang bata ka? Kanina pa kita tinatawag dito pangiti ngiti ka pa diyan hala sige tulungan mo ako dito sa ginagawa ko"
Ano ba yang si mama, sayang magkakaroon na ako ng jowang umiigting ang panga tapos may ari ng pinakamalaking kumpanya sa bansa kung di lang naki epal eh.
–@Rosas
BINABASA MO ANG
One Shot Story
Historia CortaCollection of One Shot Stories Life has a different genre. Iba't ibang kwento, iba't ibang tao. Mistakes and challanges are really a great teacher para matuto tayo. What really matter the most is, we will learn a lesson at magkaroon ng courage upang...