Fifth: One million

5 2 0
                                    

Fifth: One Million

Jingles'POV

Nakaupo ako dito sa sala, nanonood ng balita tungkol sa CoVID-19, grabe andami na ring naapektuhan nitong pandemic nayan.

Nagulat ako ng makarinig ako ng tatlong katok mula sa pintuan namin, agad naman akong pumunta dito baka kasi sila mama na yan, nagulat ako nang bumungad saakin ang dalawang lalaking hingal na hingal.

"S-sino kayo?" kinakabahan na tanong ko

Agad akong dumistansiya sa dalawang lalaking ito, mahirap na baka may covid sila ayoko pa mamatay.

"Easy ka lang, Miss. Wala kaming Covid. Nasiraan lang kami ng kotse at may nanghabol sa amin na tanod kaya dito kami napadpad sa inyo." paliwanag nung lalaking naka-itim.

Napansin ko na may sugat pala yung kasama niyang lalaki, 'yung tahimik kanina, may sugat siya sa tuhod at siko.

"Napano yang kasama mo?" tanong ko rito.

"Sa kakatakbo namin kanina, hinabol kami ng tanod tapos nakihabol din yung aso." medyo natatawa ako dito sa kwento niya ngunit pinipigilan ko lang. Kumuha ako ng pang first aid para na rin magamot ang sugat nitong tahimik na lalaki.

Inferness gwapo tong dalawa na 'to. Mababakas mo din sa porma nila na anak mayaman. Mestizo at ang gaganda ng mga mata. Siguro magkapatid 'to. Nagpresinta akong dito muna sila magpalipas ng gabi dahil baka nga mahuli sila ng tanod sa labas dahil may curfew na rin.

Kinaumagahan nadatnan kong wala na yung dalawa sa bakanteng kwarto Umalis na siguro. Pagpunta ko sa kusina nakita ko yung lalaking may sugat kagabi na nagluluto sa kusina namin. Aba sino nagsabi na gamitin niya 'yan?

"gising kana pala, nagluto ako ng adobo kain ka" pagyaya nito saakin.

"akala ko umalis na kayo nung kasama mo" diretsong sabi ko sakanya

"hindi pa kami makakaalis, galing pa kami sa ibang lugar nakalusot lang kami sa checkpoint, hindi pa kasi ayos ung car ko." pagkasabi niya nito ay nilapag niya sa lamesa ang niluto niyang adobo saka umupo.

Pagkatapos naming kumain ay nagkayayaan kami ng chess at scrabble ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko matalo talo ang lalaking to, Pagkatapos nun ay marami pa kaming ginawa para hindi ma bored.

Ilang araw na nag-stay sa bahay namin itong magkapatid na mestizo at aaminin kong nahulog ang loob ko kay kyle, iyong lalaking nasugatan, at si darren naman yung kapatid niya. Kinuwento niya saakin na talagang mayaman sila, mayroon silang kumpanya sa manila at tumakas lang daw sila ng kapatid niya.

Nagtapat ako sakanya na gusto ko siya, hindi naman ako nabigo at gusto niya rin ako, Pumayag naman sila mama na magstay muna sila kyle at darren ng ilang linggo.

Isang araw nagulat nalang ako nang mayroon isang babaeng napakagara ng kasuotan ang dumating sa bahay at may kasama pa itong mga body guards

"Darren, kyle umuwi na kayo. Napakatigas talaga ng ulo niyong dalawa" matalim na sabi nito sa dalawa.

"But mom, gusto naming mag-stay dito, atsaka mom, i like her" sabay turo saakin ni kyle.

"Pumasok na kayo sa sasakyan" kalmado na sabi nito

"But mom"

"wala nang pero, pero" saka ako matalim na tinignan nito.

"Hindi ka bagay sa anak ko, isa ka lang hamak na mahirap. Mas madami pang babae na mayaman at mas maganda sayo ang makikilala niya" matalim parin ang tingin nito saakin.

"Pero nagmamahalan na po kami" magalang na sabi ko dito

"ano bang kailangan mo? Ibibigay ko, layuan mo lang ang anak ko."

"mahal ko po si kyle, hindi niyo po kami mapaghihiwalay" anas ko

"then fine, i'll give you 1 million pesos layuan mo lang si kyle.

Tinanggap ko na ang alok ni tita, dahil wala na kaming sapat na stock na pagkain dito sa bahay, goodbye kyle.

"Ma, may pang grocery na tayo"

One Shot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon