Ninth 1.2: I Met Him In My Dreams Part II

6 1 0
                                    

Ninth 1.2: I Met Him In My Dreams

Ayenne's POV

Its been 4 years since that day happened, noong araw na sinabi niya sa akin na he existed 100 years before i even existed. At first hindi ma-process sa utak ko, hanggang sa tumagal ay natanggap ko na.

Sa unang buwan ay hinahanap hanap ko siya sa panaginip ko, umaasang magbabalik siya at bibisitahin niya ako. Alam kong babalik siya dahil hinihintay ko siya.

Pero natigil ang pag-asang iyon ng ilang buwan ko siyang hinintay pero walang Matthew ang nagpakita. Buong buhay ko wala akong naging kaibigan na palaging nakikinig sa lahat ng problema ko kung hindi siya lang.

I experienced being bullied noong nawala siya, hindi ko alam ang mararamdaman noong panahon na iyon dahil wala akong masasandalan. Pagod na nga sa school pagod pa sa bahay dahil nagiging katulong ang turing sa akin ng aking ina.

I tried to end my life, dahil na rim sa pagod at iyon ang nakikita kong solusyon para matakasan lahat ng problema ko sa buhay at para na rin makita ka, Umaasang makakasama kitang muli. Akala ko 'yun na ang katapusan ng buhay ko pero mali ako.

"Miss wag mong gagawin 'yan!" sigaw ng isang lalaking may hawak hawak na payong.

Patuloy ang pag-buhos ng ulan noong araw na iyon, at nagplaplano akong tumalon sa building.

"Umalis ka dito, hindi mo ako mapipigilan," sabi ko sakanya habang tinitignan siya ng masama.

"Pag tumalon ka diyan mawawasak ang mukha mo at magkakanda bali-bali iyang mga buto mo," anas nito habang unti-unting lumalapit sa akin.

"Ano bang pakialam mo huh? Umalis ka na nga!" malakas na sigaw ko sakanya dahilan upang ma out of balance ako at muntik nang mahulog pero nahawakan niya ang kamay ko.

"Hoy bitawan mo na 'yang kamay ko, hayaan mo na nga ako!" bulyaw ko sa kanya.

"Miss, alam kong may problema ka lang, kaya please kumapit ka lang, hindi kita bibitawan. Hindi ito ang solusyun sa problema mo," sabi niya habang nahihirapang hawakan ang kamay ko.

Sa puntong 'iyon, doon ko narealize ang halaga ng buhay ko, na ayaw ko pa talagang mawala sa mundong ito. Para bang natauhan ako at mistulang may pumukpok sa ulo ko para wag ituloy ang binabalak ko.

Kumapit ako ng mahigpit sa lalaking iyon at unti-unti niya akong naiangat. Laking pasasalamat ko sa kanya dahil nandoon siya sa rooftop that time to save my life.

Inaya ko siyang magmeryenda muna para makapagpasalamat sa ginawa niyang tulong sa akin. Tumila na rin ang ulan kaya sa park ko siya dinala.

"Ang ganda dito, this is the first time na nakapunta ako dito." Namamanghang wika nito.

"This is my favorite place," anas ko habang mapait na napangiti nang maalala ko ang tungkol kay Matthew.

Ilang araw ang nakalipas ng tinangka kong magpakamatay, nakita ko na naman ang lalaking nagligtas sa buhay ko. Naalala kong hindi ko nga pala natanong 'yung pangalan niya noon.

"Hello mag-isa ka lang?" tanong ko sa kanya ngunit hindi niya yata napansin ang presensiya ko.

"Hello?" tanong kong muli.

"Ah ikaw pala, pasensiya ka na may iniisip lang," sabi nito.

"Okay lang, siya nga pala hindi ko natanong yung pangalan ng nagligtas sa akin. Anong pangalan mo?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"Matthias." tipid nitong sabi.

"Makaluma naman ng name mo, by the way i'm ayenne," anas ko.

Tumayo ako para sana bumili ng ice cream dahil narinig kong may nagbebenta daw nito doon sa may kalsada, pero ng malapit na ako doon ay may tumama sa mukha kong bola. May lumapit sa aking bata at humihingi ng paumanhin dahil siya daw ang nakabato nito.

One Shot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon