Pangalawa: Conjoint Twin
Collaboration with: Fellion Luxios
Melody's POV
I am melody and right next to me is my sister, Emily. Obviously we are conjoint twins. She shares a lot of common in me. Kaya noong pinanganak kami ay sobrang pag-aalala ng mga magulang namin sa kadahilanang baka hindi kami parehas maka survive.
Nagpasiya ang magulang namin na wag na kaming paghiwalayin dahil nangangamba sila na baka isa sa amin ang mawala o parehas kaming mamatay sa operation.
Emily and i have been living like this for almost 21 years straight. We share a single body but seperated head and neck. We have two arms and two legs and we have to depend on each other to survive. So we agree on how each person to control our body in our daily activities.
Kung iisipin ng marami ay madali lang para sa amin ang sitwasyon namin ngunit sa totoo ay napakahirap nito. Mas matigas ang ulo ni Emily kumpra sa akin, she likes to eat sweets, meats and other unhealthy foods. While me I like to eat veggies that can help our body to function well.
Kaya isang araw bigla na lang inatake sa puso si Emily, hindi maganda ang kalusugan nito at mahina ang resistensiya. Dahil na rin siguro hindi siya mahilig sa gulay. Binigyan ng pagpipilian ang magulang namin dahil nagkaroon ng deperensiya sa pusong parte ni Emily. Sinabi ng doctor na kapag hindi pa nahiwalay ang katawan namin ay parehas kaming mamamatay.
Nahirapan mang magdesisyon sila mama at papa ay tinuloy nila ang operation. Walang ibang pagpipilian dahil parehas kaming mawawala. Tinapat na kami ng doctor na isa sa amin ang mawawala.
Succesful ang naging operation pero hindi kinaya ng katawan ni Emily, namatay siya at nakaligtas ako. Sa wakas magkakaroon na ako ng sarili kong katawan ngunit kapalit nito ay nawala si Emily.
Nakalipas ang ilang araw na pagkalibing kay Emily, nararamdaman ko na may nagmamasid masid sa akin mula sa malayo. Pilit akong tumitingin sa paligid pero walang makita.
Minsan nangangamoy sampaguita naman sa aming kwarto. Sinabi ko na ito kay inay at itay ngunit ang sabi lamang nila ay si Emily ito.
Lalo akong nangamba, dahil sa tuwing papasok ako sa eskwelahan ay ani mo'y may sumusunod sa akin.
Sa tuwing ako'y nag-aaral naman ay may napapansin akong nakaputi na nakatitig sa akin. Sinabi ko uli ito kila inay.
Napagdesisyunan naming ipablessings ang bahay, ngunit pagkatapos ng blessings ay ganun pa rin.
Pinatingin namin sa albularyo ito, at ang sabi ng albularyo ay may kaluluwang hindi matahimik dahil may nais itong sabihin.
Kaya't pumunta ako sa puntod ni Emily at kinausap ito. Nagulat ako nang lumakas ang hangin at may biglang nagpakitang nakakulay puti.
"Ingatan mo si inay at itay, pagbutihan mo ang pag-aaral. Tuparin mo ang pangarap nating dalawa." Nakangiting sabi ni Emily.
Pero nung hahawakan ko na sana siya ay biglang nagbago ang aura na nakapalibot sa kanya, mula sa pagiging puti naging kulay itim ito. Magkaibang magkaiba ang itsura ng multo mula sa television at sa totoo, kulay gray ito na parang nakalutang. Ang kakaiba lang kay Emily ay nababalutan ng kulay itim ang pumapalibot sa kanyang mga usok.
"Sa tingin mo hahayaan ko maging masaya ang buhay mo? sa ating dalawa bakit ako yung nawala?" namumulang mata at galit na wika nito, madaming dahon ang nagsiliparan at mas lumakas ang hangin na sanhi ng pagkaupo ko sa isang litso. Sobrang nanginginig ang aking mga tuhod at hindi ako makatayo at makagalaw.
Nagulat naman ako rito nang bumalik sa dati ang itsura at aura ni Emily saka eto bumungisngis. "hindi, joke lang sissy aalis na ako, kinukuha na ako, ewan ko lang kung tatanggapin ako sa langit" natatawang sabi nito at unti unti nang nawala ang presensiya niya.
Attitude na multo itong kapatid ko.
Hindi natin hawak ang ating buhay, kaya habang tayo'y nabubuhay sa mundong ito, alagaan natin ang ating sarili, maging ang mga taong mahal natin. We never know kung kailan ang nakatakdang oras kung kailan tayo kukunin. Be happy while you're breathing. Enjoy life and be kind always.
-Rosas
BINABASA MO ANG
One Shot Story
Short StoryCollection of One Shot Stories Life has a different genre. Iba't ibang kwento, iba't ibang tao. Mistakes and challanges are really a great teacher para matuto tayo. What really matter the most is, we will learn a lesson at magkaroon ng courage upang...