Fourth 1.2 : Alphabet of Rose

4 3 0
                                    

Fourth 1.2: Alphabet of Rose
Inspired by: Alphabet of Death

Continuation:

Bumalik muli ang ilaw ng walang nawawala o nasaktan. Nagpresenta naman si jayson na aayusin ang Fuse ng koryente dahil may kaunti itong kaalaman. Nasa kalagitnaan ng pag-aayos si jayson ng bigla itong nanginginig na mistulang nagtratransform sa pagkazombie Agad namang lumapit si king dahil akala niya ay nagbibiro lamang si jayson.

"Uy ginagawa mue? Ginagaya mo ba yung nasa train to busan?" matawa tawang sabi nito saka hinawakan ang isang kamay ni jayson para patigilin na ito.

Ngunit nagulat siya ng pati siya ay makoryenye at natulad sa nangyayari kay jayson. Parehas na nakuryente ang dalawa at nakaangat ang mga buhok na akala mo ay sinapian ng masamang deumunyu.

Sabay silang bumagsak sa sahig at parehas na nakatirik ang dalawang mga mata.Nataranta ang lahat sa nasaksihan sapagkat dalawang miyembro nanaman ang nawala, ngayon ay labing dalawa na lamang sila. At isa doon ay ang killer.

Letter J and E are done 12 more left

Tabi tabing natulog at nagpalipas ng gabi ang lahat, kahit na alam nilang isa lamang sakanila ang killer, nagdasal sila isa isa na matigil na lahat ng pagpatay.

Kinaumagahan ay unang nagising muli si lorena upang pumunta sa tabi ng dagat at tinulak tinulak ang bagka para makaalis na sa islang yun, gusto na niyang makaalis upang matakasan ang kamatayan, masyado na siyang natatakot at ayaw pa nitong mamatay. Prinipare niya ang mga sagwan at aalis na sana ng humabol sakanya si deserei

"Lorenaaaaaaaaa" sigaw nito

Agad namang napalingon si lorena sakanya at huminto.

"Sasama ako, ayaw ko pang mamatay kaya aalis nalamamg ako sa lugar na ito sabi pa ni deserei.

Binigay ni lorena kay deserei ang isa sa mga sagwan, sumakay si lorena at deserei sa bangka ngunit nagulat si lorena ng bigla nalamang pinukpok ni deserei ang sagwan sa kanyang ulo.

"At binalak mo pa talagang tumakas ha? Sinasabi ko sayong hindi ka makakatakas sapagkat lahat kayo'y mamamatay, mamatay kayo!" sigaw niya

"Des-deserei ikaw ang killer? Paano? At bakit?" tanong nito

"hindi mo na kailangan pang malaman" saka sunod sunod na pagpukpok ng sagwan sa ulo ni lorena. Nagsagwan ng nagsagwan si deserei upang itapon sa dagat si lorena. Upang walang makaalam na siya ang pumapatay.

Letter W is done 11 more letters left.

Ngunit ano nga ba ang tunay na dahilan ni deserei sa pagpatay? Eto ang tanong na kailangang malaman.

Ang dahilan nito ay may galit siya sakanyang mga kaklase, si deserei ang pinaka tahimik sa kanilang lahat, siya ang madalas walang kasama, at madalas ding nabubully, kaya siguro ay nagtanim ng tanim siya ng sama ng loob.

Isa pa, ng minsang humingi siya ng tulong sa mga ito dahil kailangan na kailangan niya ng tulong ngunit wala ni isa ang tululong nito. Isa pang rason ay ang pag praprank na ginawa nila sakanya, pinagkaisahan nila ito kaya't lalo siyang nagtanim ng sama ng loob.

Pagkabalik ni deserei sa loob ng bahay ay wala pa namang kahit sinong nagigising kaya't napangiti siya at bumalik sa kanyang kinahihigaan. Nagtulog tulugan siya at hinintay na may magising, at nagtagumpay naman siya nang magising na sila mary, alyssa renzy. Ginising naman nila ang iba at hanggang pati si deserei ang ginising nila.

Napansin naman nila na nawawala si lorena at agad naman ng kinutuban ang lahat.

Wala naman sinuman ang nagsalita pang muli ng sila'y kumain. Binabalak na nilang umalis lahat sa islang iyon. Kaya't pumunta na silang lahat sa bodega.

"Ahhhhhhhhhhhhhh" sigaw iyon ni mary ng makita ang utak at pusong nasa plato. Nandun din ang bangkay ni alfonso at ni Rose.

Agad namang humagulgol ang lahat ng makita sa ganoong galagayan ang kanilang mga kaibigan

"Ibig sabihin, hindi si rose ang killer" sambit ni Edgar

"Kung hindi si Rose sino?" tanong ni Deserei na may iniisip nanamang kabrutalan.

Nagtinginan ang lahat at tila sinusuri ang galaw ng bawat isa. Nakakahalata na si Mary kung sino ang killer, pasulyap sulyap siya kay deserei saka iiwas ng tingin.

Alphabet of Rose 3.0
Nagkanya kanya muling ligpit silang lahat sa kanilang mga gamit. Nakaisip muli si Deserei kung paano mapapatay ang mga natitira. Pinasok niya ang silid nila alex at edgar atskaa nakangiting binigay ang make up na hawak niya. Hindi nila alan na ang makeup na iyon ay may isang poison na kung saan kapag naipahid sa iyong balat ay mabilis na malalapnos at unti unting masisira ito.

Eksited naman na ginamit ng dakawang bakla ang makeup at nag-agawan pa ang dalawa. Sabay nilang ipinahid sa buong muka nila ang makeup. Sa una ay hindi nila naramdaman ang sakit nito ngunit habang tumatagal ay nararamdaman na nila ang pagtusta sa balat nila hanggang sa hindi na nila nakayanan at nawalan agad sila ng hininga. Mismong si deserei ang gumawa ng poison na iyon kayat mabilisan niyang napatay ang dalawa

M and N are done 9 more left

Sunod naman siyang pumunta sa kwarto ni ivan,joshua, at jaylord.

"Uminom na muna kayo ng mga bukong dala ko" sabi pa ni deserei.

"Buko? Hala jaylord oh talagang buko" biro ni joshua

"Manahimik na kayo" naiinis na sabi ni jaylord at saka inom ng buko juice.

Magkasunod namang ininom nila joshua at ivan ang juice. Nasa kalagitnaan sila ng paginom ng malakas na humalakhak si deserei

"HAHAHAHAHAHHAHAHA" TAWA NITO

"Anong nilagay mo dito?" namumutla at nagagalit na sabi nila

"isang nakakamatay lang namang na halaman ang nilagay ko diyan, at ilang segundo nalang ay mawawalan na rin kayo ng hininga." mahabang sabi niya

Kasabay nun ay isa isang pagbagsak ng tatlo. Naunang bumagsak si jaylord.

6 letters more left.

Pumunta siya sa kwarto nila Alyssa, Jana, Renzy at Mary at hazel

Naalala niyang may nilagay siyang pampausok sa lugar na iyon, saka niya kinuha ang deremote na switch nito saka tinurn on.

Saka nilock ang pinto. Naglalabas naman na ang usok at nagpanic ang 5 magkakaibigan, nahihirapan na silang huminga at pilit na binubuksan ang pintuan.

Nagising na lamang sila noong asa rooftop sila ng bahay pare-parehas silang nakataling lahat at ang 3 baba ay may nakaambang mahuhulog na itak at mga palaso at tanging ang lubid na lamang ang sumusuporto dito. Kapag nalaglag ang Lubid na iyon ay siguradong patay sina Renzy, Mary at alyssa. Habang nakagapos ang tatlo ay sina jana at hazel naman ang pilit na humahawak sa lubid. Nahihirapan na ang dalawa sapagkat masyadong mabigat ang lubid, hanggang sa madulas ang kamay ni jana at mabitawan ito. Magisang hawak hawak na lamang ni hazel ang lubid hanggang sa hindi na niya nakayanan. Agad na bumagsak ang mga itak sa ulo, leeg, at kung saan saan pang parte ng katawan ng tatlo. Nahati ang bewang ni mary habang si Renzy naman ay natamaan ng palaso sa kanyang mga mata at nahulugan din ng itak ang kanyang ulo.

3 na lamang silang natira sa silid na iyon ang killer na si deserei at sina jana at hazel.

"Ngayon bibigyan ko kayo ng tig-isang kutsilyo. Kung sino ang matira sainyo ay papatakasin ko"wika niti

Agad namang nagsaksakan ang dalawa dahil parehas na gusto nilang mabuhay ngunit sa kasawiang palad ay patehas silang namatay.

Ngayon isa na lamang ang natitirang letra kailangan na niyang matapos ang Alphabet of Rose. Kinuha niya ang baril at tinutok ito sakanyang sarili at umalingaw ngaw sa buong lugar ang tunog nito

"bang"

- - - - - -

Alphabet of Rose

One Shot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon