11th: The Frontliner
Taong 1918
"Binibing Clara tila may magpapagamot ho yata sa inyo doon sa labas!" hinihingal nitong sigaw pagkapasok niya palang sa may pinto.
"Aba'y dapat pinapasok mo na siya dito sa loob upang maasikaso ko siya," sabi ko habang inaayos ang silid tanggapan.
"Pasensiya na po binibining clara at hindi ko naisip iyon kanina." kumakamot na ulo nitong sabi saka lumabas muli ng pinto.
Patuloy kong inaayos ang silid tanggapan ng marinig kong bumukas muli ang pinto, marahil pinapasok na nga niya ang magpapagamot.
"Binibi narito na po ang magpapagamot," sabi ni maria.
"Magandang umaga po binibining Clara, nais ko po sanang ipagamot ang aking kapatid na si batchoy dahil ilang araw na pong masama ang pakiramdam niya," sabi ng isang dalaga habang pinagmamasdan ang kaniyang kapatid na nanghihina.
"Maupo kayo." turo ko sa silyang nasa harap nila at pinag patuloy ang pagsasalita. "ilang araw na bang ganiyan ang nararamdaman niya?" tanong ko habang hawak hawak ang palapulsuhan ng binatang may karamdaman.
Umubo ng umubo ang binata at hingal na hingal na nagsalita.
"Binibini, tulungan niyo po ako," sabi nito.
"Naku, halos apat na araw na pong ganiyan si batchoy, ayaw niyang kumain dahil wala daw po siyang gana at masakit ang buong katawan," sagot ng dalaga.
"Bibigyan kita ng halamang ito upang iyong inumin para maging lunas ng iyong karamdaman. Kinuha ko pa ito sa paanan ng bundok dahil bihira lang itong tumubo dito sa atin." mahabang paliwanag ko.
"Maraming salamat po binibini at tutuloy na po kami." Tumayo ito upang alalayan ang kapatid para makaalis na sa silid tanggapan.
Ilang araw lang ng pumunta sa akin ang mag kapatid na iyon nang may balita kaming nakalap mula sa mga dayuhan. Isang pandemya daw ang kumakalat at apektado ang buong mundo, hindi sinabi ang palangan ng pandemyang ito ngunit ayon sa kanila ay malala ito at nakamamatay.
Ilang oras ang lumipas, dumating sa akin si maria upang iulat ang balitang patay na raw ang binatang si batchoy, at ang kapatid nitong si cristina ay nanghihina na sa kanilang tahanan.
Nakaramdam ako ng labis na sakit ng ulo at mistulang matutumba ngunit nasaklolohan kaagad ako ni maria at isinakbit ang aking mga braso sa kaniyang mga balikat. Dinala niya ako sa aking silid upang hayaang magpahinga.
Kinabukasan ay nakaramdam ako ng pagkatuyo ng aking lalamunan at tila ako'y dadatnan ng ubo. Dinalhan ako ng pagkain ni maria pero wala akong ganang kainin nito.
Sa araw na iyon ay binalita rin sa akin na maging si cristina na kapatid ni batchoy ay binawian na rin ng buhay. Nalaman niya rin daw na ang tawag sa pandemyang kumakalat ngayon ay tinatawag nilang spanish flu.
Dalawang araw ang lumipas at mas naging malala ang sitwasyon sa aming lugar, kinailangang mag-ingat ang bawat isa para hindi tamaan ng sakit ngunit isang balita ang mabilis na kumalat sa buong baryo namin. Na tinamaan ako ng sakit at kailangang mawala upang mawala ang pangamba ng nakararami.
Isang sundalong amerikano ang dumakip sa akin at dinala ako sa isang silid kung saan napaka dilim at tanging sinag lang ng araw at buwan ang iyong makikita. Oras lang ang pagitan ay binawian na rin ako ng buhay.
Taon ng kasalukuyan, 2020
"Layuan niyo ang chinese na 'yan may dala siyang virus!" sigaw ng isang babae habang pilit na lumalayo sa isang dayuhan na kasabay nila sa tren.
"I'm not sick, please don't be like that," tugon nito dahil napansing pinagtitinginan siya ng mga tao.
Sa bawat may makita dayuhan na nanggaling sa china ay lubos ang pag-iwas at taboy ng mga tao sa mga ito dahil sa pangambang magkaroon ng virus.
"Doc, pwede ko ba po bang makita ang pamilya ko?" tanong ng walong taong gulang kong pasiyente.
"Malapit na," sagot ko.
"Kailan po doc? Bakit po hindi ako makalabas dito gaya ng ibang bata? Bakit ako nakakulong sa kwartong ito?" sunod sunod na tanong nito.
"wag kang mag-alala, makakalabas ka rin dito kung magpapagaling ka na," wika ko saka tuluyan ng lumabas ng silid na iyon.
Balot na balot ng mga kagamitang pamprotekta ang aking katawan, Bilang isang doctor ay kailangang protektahan din namin ang aming sarili laban sa mga sakit.
May 20, 2020
Tuluyan nang isinara ang pilipinas upang mapigilan ang tuluyang pagdami ng kaso ng CoVid 19 ngunit sadyang matitigas ang ulo ng ibang mga pilipino at patuloy na lumalabas ng kanilang tahanan. Dahil doon, dumami ng dumami ang kaso ng covid 19 sa buong bansa at napuno ang lahat ng hospital dahilan upang halos dito na ako tumira.
Dumami ang kailangang gamutin, ngunit madami na rin ang nasawi na labis na nagpasakit sa aking damdamin.
"Doktora! Doktora! Yung pasyente niyo po na bata doon naghihinalo na!" sigaw ng isang nurse habang hingal na hingal.
Agad akong napatakbo sa kwarto ni crispin upang siguraduhin ang kalagayan niya ngunit huli na ang lahat at binawian na ito ng buhay. Sa lahat ng pasyente namin dito sa hospital, iyong bata lang na iyon ang tumagal at lumaban ngunit hindi namin nailigtas ang kaniyang buhay.
Bilang isang doctor ay napakasakit nito para sa amin, lalo na't alam naming may pamilya siyang naiwan na labis na masasaktan para sa kinahinatnan nito, pero wala na kaming nagagawa para buhayin siyang muli dahil tungkulin lang namin ang magligtas ng buhay ngunit hindi para bumuhay ng patay na.
Sinubsob ko ang aking sarili sa trabaho at doon napabayaan ang sarili ko, hindi nakakakain sa tamng oras at walang tulog. Sa sitwasyong ito, Hindi ko napansing maging ako ay mahahawaan ng sakit. Akala ko secured ako, akala ko maproprotektahan ko ang sarili ko ngunit nagkamali ako.
Wala pa lang pinipili ang virus na ito, maging ang mga Doctor na katulad ko ay mahahawa nitong covid 19. Sinubukan kong iligtas amg sarili ko, sinubukan kong lumaban para sa pamilya ko ngunit wala na pala akong magagawa.
Tuluyan na akong nanghina at unti unting pinatay ng virus. Doon ko naalala ang nakaraan ko, daang taon na ang lumipas. Oo tama kayo, ako si binibining clara na isa ring frontliner sa past life ko na namatay dahil sa spanish flu at ngayo'y muling ipinanganak upang maging front liner muli ngunit mamamatay muli sa sakit na Corana Virus.
"Rotations are the heart and soul of Medical school. Being in the hospital, being with patients, and learning from great physicians- that's what i had envisioned when i applied to a medical school. It was hard to finally get a little taste and then suddenly have to put your dreama on hold."
"I don't regret being a doctor, to serve my country and save the life of other people is really enough for me, but then i failed to save my self again." the last words i utter before i closed my eyes.
"Time of Death, 12:51." anunsyo ng isa ring doktora na kaniya ring kaibigan.
Isang babae ang ipananganak taong 1890 na siya ring namatay taong 1918 sa edad na 28 dahil sa sakit na Spanish flu. Pinanganak siyang muli taong 1992 at muli siyang nagsilbi sa bayan upang tulungan ang may sakit ngunit namatay siyang muli taong 2020 sa edad ring 28 at sa sakit na Corana Virus.
BINABASA MO ANG
One Shot Story
Short StoryCollection of One Shot Stories Life has a different genre. Iba't ibang kwento, iba't ibang tao. Mistakes and challanges are really a great teacher para matuto tayo. What really matter the most is, we will learn a lesson at magkaroon ng courage upang...