Sleeping Beauty
✍: Yours trulyTonyo's POV
"Lolo alam niyo po ba ang kwento ni sleeping beauty?" tanong sa akin ng limang taong gulang kong apo.
Agad naman itong nag-ayos ng upo tsaka nagsalita ulit. "Lo, sige na po kwentuhan niyo na po ako." Pagmamaka-awa nito.
"Okay, i'll tell you a story apo, and after that matutulog ka na, okay?" nakangiting wika ko rito.
Nasa gitna ako ng disyerto mainit, sobrang init. Nakakita ako ng 2 rebulto tsaka isang kama na mayrong magandang disenyo, agad ko itong nilapitan, dala na rin ng aking curiousity.
Pagkalapit ko rito ay agad kong nakita ang isang magandang babae na nakahimlay sa magandang kama na iyon. Yumuko ako upang pantayan ang taas ng kama, tsaka hinalikan sa labi ang magandang babae.
Nang halikan ko ang babaeng iyon ay biglang nagdilim ang paningin ko at mayroong isang malaking bahay ay biglang nag fla-flash sa paligid.
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa napanaginipan ko, ilang araw na ring nagpapakita sa akin ang babaeng iyon mula sa panaginip ko, pero parang totoong-totoo ito.
Nagmadali akong bumangon dahil nakita ko ang oras at agad na tinungo ang table ko tsaka kinuha ang isa sa trina-trabaho kong painting. Hilig ko ang pagpinta. Nag-aaral pa ako sa kolehiyo at Fine Arts ang kinuha ko. Kailangan ko nang matapos ang proyektong ito sapagkat kinabukasan ang nakatakdang araw upang ipasa na ito.
Matapos ang ilang minuto, nakarinig ako ng ilang tunog galing sa telepono ko, agad ko naman itong sinagot at bumugad dito ang natatarantang boses ng kaibigan kong si Mark.
"Pare, nasa hospital kami ngayon. Sinugod namin dito iyong ate mo-- " hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya at pinatay ko ang tawag tsaka nagmadaling pumunta sa hospital, alam ko kung saang hospital iyon dahil agad din namang tinext ni Von kung saang hospital ito located.
Pagkarating ko roon ay bumungad sa akin iyong asawa ni ate lynn, dahil nanganak na kasi si ate at makikita ko na rin sawakas iyong pamangkin ko.
After ipakita sa amin 'yung baby ay napagpasiyahan kong umuwi muna upang kumuha ng ilang gamit sa bahay. Naglalakad ako sa pasilyo ng hospital nang mayroon akong nakitang bukas na pintuan at kitang kita sa direksiyon ko ang nakaratay na babae roon. Pamilyar na pamilyar iyong mukha niya ngunit hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita.
Dala ng kyuryusidad ay agad kong pinasok ang kwartong iyon. Pagpasok ko ay mas lalong naging malinaw sa akin kung anong lagay nitong babae. Madaming kung anong nakakabit sa kanya at mayroong isang tubo sa bunganga niya, marahil ay comatose siya. Marahan kong pinagmasdan ang mukha ng babaeng iyon at nag-isip nang mabuti kung saan ko nga ba siya nakita.
Natauhan ako sa pag-iisip ng mayroong isang nakatatandang babae ang pumasok sa kwarto at tinanong ako.
"Sino ka?" kunot noong tanong nito.
"Pasensiya na po kayo, nakita ko po kasing bukas yung pintuan kanina at nakita ko siyang ganiyan ang kalagayan at sinilip ko rito sa kwarto niya. Ano pong nangyari sa kanya?" tanong ko rito.
"Naaksidente ang anak ko, at 6 na buwan na rin simula noong nangyari 'yun." Malungkot na sabi nito.
Agad akong nagpaalam sa ginang upang makauwi na rin sa bahay at makapagpahinga. Kinabukasan ay dumaan muli ako sa hospital upang kamustahin ang ate ko, at para na rin makita iyong babae. Gaya ng nadatnan ko kahapon wala pa ring tao at bukas muli ang pintuan.
Pumasok muli ako sa kwartong iyon at naupo sa isang upan, tsaka pinagmasdan ang babaeng parang natutulog lang. Laking gulat ko rito ng unti unting gumalaw ang kaniyang mga kamay at nagmulat ito. Agad akong tumawag ng ilang nurse at doctor upang ma-check ang kalagayan niya.
Days had passed at palagi akong bumibisita sa kaniya at unti unti na ring gumaganda ang pakiramdam niya. Hindi ko inaasahang mahuhulog ang loob ko sa kanya dahil napaka buting tao nito.
"Lolo, siya po ba si lola christina?" tanong ng apo ko.
"Hindi apo, iyong kinuwento ko sa iyo ay iyong first love ko at ang lola Christina mo ang napang-asawa ko." malungkot na sabi ko rito.
"Hindi gaya ng nasa fairy tale ang nangyari sa amin, hindi tulad sa fairy tale na mayroong happy ending. Para siyang si sleeping beauty sa akin ngunit hindi ako iyong prinsepe na hinihintay niya upang tuluyan siyang gumaling." pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon ay nag-unahan nang tumulo ang luha ko.
"Eh ano pong nangyari sa first love niyo lolo?" tanong pa nito.
"Hindi ko alam na nakatakda na palang ikasal si Oudette. Noong araw na na- aksidente siya ay iyon pala ang araw sana ng kasal niya, Ilang araw pagkatapos kong magtapat ng pag-ibig sa kanya ay dumating iyong mapapang-asawa niya, labis akong nasaktan sa nalaman ko." kwento ko pa rito.
"Lolo saan mo po nakilala si lola Christina?" dagdag na tanong ng batang ito.
"Nakilala ko ang lola mo sa hospital din, nurse siya doon at siya yung nurse na naka assign sa akin noong tinangka kong kitilin ang buhay ko." kwento ko rito.
Nagulat ako ng biglang lumapit sa amin si Christina at tinawag ang apo namin.
"Halika na rito apo, at tinatawag ka na ng mommy mo," pag-akay nito.
Akala ko ay matutulog na si Christina ngunit bumalik ito sa kinaroroonan ko, at nagsalita
"Hanggang ngayon pa rin pala, hindi mawala sa puso't isip mo si Oudette. Ako iyong pinakasalan mo pero hanggang ngayon si Oudette pa rin ang iniisip mo." umiiyak na sabi nito.
"Wag ka mag-alala masaya na ako na minahal at pinakasalan mo ako, at nagpapasalamat pa rin ako hanggang ngayon na minahal mo ako kahit mas mahal mo siya."
Dahil hindi lahat ng story ay nagtagapos sa, "They live happily ever after." gaya ng fairy tale, dahil kahit ano mang mangyari ay mayroon at mayroong pa ring problema at pagsubok ang dadating sa buhay natin, ang mahalaga ay kung ano ang natutunan mo. Nasa atin na lang iyon kung paano natin gagawing masaya ang ating sarili. Kasi sabi nga nila, "Happiness Is A Choice."
(Date finish: April, 2020)
BINABASA MO ANG
One Shot Story
ContoCollection of One Shot Stories Life has a different genre. Iba't ibang kwento, iba't ibang tao. Mistakes and challanges are really a great teacher para matuto tayo. What really matter the most is, we will learn a lesson at magkaroon ng courage upang...