Tenth: Covid 19 Turns Into Zombie Apocalypse
"Half of the population in the world was infected by Covid 19"
I heard them, i heard them saying those words in television. We can't find the vaccine, the cure for covid 19.
I am Natasha Villa, a scientist. Who's trying to find a cure for that virus but i failed. The virus started to spread during 2019 and it is from wuhan china, and it getting worst.
I thought i already found a vaccine but i'm wrong, instead i made a mistake.
"Covid 19 turns into zombie apocalypse" i heard it in the radio, and it's my fault.
***
"Takbo andrea, nandiyan na sila," sigaw ng kasama ko habang tumatakbo ng mabilis.
"Sir, bakit nangyayari lahat ng ito sa atin?" tanong ni jules habang patuloy parin kaming tumatakbo.
Tumigil kami sa isang silid upang magpahinga, buong lakas naming isinara ang pinto para hindi sila makapasok. Siguradong hindi kami magtatagal dito at masisira din nila ang pinto.
Hingal na hingal kaming napaupo sa lapag, malala na ang nangyari. 6 months ago, nakaimbento ang mga scientist ng isang vaccine para sa Covid 19, pero akala namin yun na ang magiging solusyon sa problema ng mundo. Buong mundo apektado sa pandemyang ito na mas malala sa covid. They invented a vaccine called 'pneumon' ilang buwan lang ang nakalipas lahat ng natusukan ng bakunang 'yun bigla nalang nangisay, at noong isinugod sa hospital isa isang nagbago ang itsura nila. Nagtransform sila bilang mga zombie at doon nag-umpisang kumalat ang mga infected. It is all started with a dog, not an ordinary dog. Ang aso na 'yun ay natusukan ng kakaibang bakuna na kung saan naipasa sa tao.
"Sir nasisira na nila yung pinto, kailangan na nating umalis," sigaw ni Keith
Agad kaming nag-ayos para dumaan sa kabilang pinto, dahan dahan ang naging kilos namin upang hindi maalarma ang mga infected dito sa loob. Pagkadaan namin sa bandang kusina ay agad na umatake ang sandamakmak na infected at sinugod kami. Mabilisan kaming tumakbo para hindi kami maabutan ng mga infected, sa sobrang taranta ay bigla nalang nadapa si jake dahilan upang mas maabutan kami ng mga infected.
"Tumakbo na kayo, hayaan niyo na ako dito!" sigaw niya sa amin.
Inalalayan siya ni sir jaspher para makatayo pero nahablot ng isang babaeng infected ang kamay niya at nakagat ito. Agad akong kumilos at pinagpapalo ito ng tubong hawak ko. Tumakbo kami at inalalayan si jake hanggang sa may nakita kaming bahay. Dali-dali kaming pumasok dito para magtago muna.
Iniupo namin si jake at agad na tinalian ang braso niyang nakagat, naghihihiyaw at agad naman namin siyang pinakalma.
"Jake, gagaling ka."
"Don't worry, we're going to find a solution for you, just calm down," sabi ni sir jaspher habang nilalagyan ng alcohol ang sugat nito.
"Sir! May isang infected sa taas, anong gagawin natin?" tanong ni crizza na nagpapanic na ngayon.
Kinuha ko ang tubong hawak hawak ni sir jhasper at matapang na umakyat para ako na mismo ang tatapos sa infected na 'yun, kailangan kong harapin ang kinakatakutan ko, Sa pag-akyat ay laking gulat ko ng makita kung sino ang infected na 'to, Ang aking ina.
Nanunuyo na ang balat ag mistulang naagnas na, lagas lagas nadin ang mga buhok nito at ang mga ngipin ay puro dugo na. Lalapitan ko na sana ito ng pigilan ako ni sebastian, kinuha niya sa akin ang tubo at akmang papaluin sa ulo ang aking ina ng pigilan ko siya.
"Please, wag mong gawin 'yan. Mama ko siya," pagpipigil ko rito habang patuloy na umaagos ang luha mula sa mga mata ko.
Nagulat ako ng mabilis na sumugod ang infected sa akin at muntik na akong makagat, mabuti ay napigilan siya ni sir jhasper, pinag-tulungan nila itong itali sa kama dahil naki-usap ako sakanila na wag siyang patayin.
"Ma, i'm sorry kung hindi kita nailigtas mula sa virus na 'to. Sorry," bigkas ko habang umiiyak na pagmasdan ang naging kalagayan niya ngayon, isa na siyang malamig na bangkay.
Kinabukasan, nagulat ang lahat ng maging si jake ay naging isa na ring infected. Gaya ng ginawa namin kay mama ay itinali namin ito dahil hindi namin siya kayang patayin. Wala na kaming makain sa loob ng bahay na ito kaya't nagplano kami para lumabas at kumuha ng mga stocks.
May mga nakuha kaming mga baril sa kwarto kung saan naroon si mama at si jake, gagamitin namin ito para sa plano. Pag ka labas namin sa bahay ay bumungad ang mga infected na nakahiga sa daan, marahil sila ay namamahinga. Nag hihiwalay kami at dahan dahang naglakad pero biglang may tumunog na napaka lakas, isang speaker.
Agad na nagsibangon ang mga zombie at magpahabol si sir jhasper upang makadaan kami, mabilis siyang tumakbo sa riles at doon nagpahabol. Habang si crizza naman ay namamaril na para mabawasan ang humahabol kay sir.
Tumungo na kami sa store para kumuha ng mga importanteng mga pagkain, at mga stocks namin. Bumungad sa amin ang mga infected na nag-aabang sa pagpasok namin, pinagbabaril sila ni kyla pero mistulang hindi sila mauubos kaya mabilisang takbo amg ginawa namin. Na trap kami sa isang silid dahil ang napuntahan namin ay mas madaming infected.
Nagulat kaming lahat ng iniharang ni sebastian ang kaniyang sarili para makatakas kami, nag-umpisa ng tumulo ang mga luha ko ng makitang pinagkaguluhan na ng mga infected ang mahal ko. Dumating sila sir jhasper at pinagbabaril ang mga infected at agad kinuha si seb.
Hingal na hingal muli kaming nakarating sa bahay kung saan kami tumutuloy. Marami pa ring infected ang sumusunod sa amin, sila kyla, crizza at king ang mga bumaril dito. Hinang hina ang katawan ko ng makita ang sinapit ni seb para maligtas kami.
"Seb! Please lumaban ka, fight for me," pagmamakaawa ko sakanya habang pinagmamasdan ang kalagayan niya.
Unti unti nang nagbabago ang anyo ni seb at nagtratransform na siya bilang infected pero hindi ko magawang patayin siya. He save our life, and he sacrifice himself just to save us. He's my hero, my knight and shining Armor.
I will fight for my life, and i will make sure that i will find a cure for this virus, i will save the world. I promise, for him, for saving me.
***
It's been 3 years since that day happened. My life is like a movie, who's running for her life. Who will believe that i survive? Nakahanap na kami ng vaccine for the virus at ako mismo ang nakahanap nito. Sinong mag-aakalang madami pa pala ang naka survive?
While searching for the cure, i accidentally inject a vaccine to myself. Habang naglalakad ako ay walang zombie na humaharang at lumalapit sa akin na labis na pinagtaka ko. Nasa kahon na hawak hawak ko ang gamot na nainject ko sa sarili ko, ang naging gamot para mapuksa ang mga zombie.
Natulungan akong mag produce ng mas marami pang vaccine ng mga survivor na scientist, kabilang na dito si nathasa villa, ang babaeng naka discover ng syndrome kung saan hindi visible ang mga tao sa mata ng infected.
Sa tulong ng mga scientists ay nakapag pagawa kami ng madami pang gamot at naipadala namin 'to sa buong mundo dahilan upang mapuksa lahat ng infected.
"The world is now free from the viruses"
God heal the whole world.
–Winter Writes | Chennise Scrivi
BINABASA MO ANG
One Shot Story
Short StoryCollection of One Shot Stories Life has a different genre. Iba't ibang kwento, iba't ibang tao. Mistakes and challanges are really a great teacher para matuto tayo. What really matter the most is, we will learn a lesson at magkaroon ng courage upang...