13th: Ang kahon
Author's Note: This is a Collaboration with someone but i can't find his name.
Angela's POV
"Hoy Angela! gising na!"
Napabaliktad ako sa kinahihigaan ko sa gulat ng marinig ang malakas na sigaw ng aking kaibigan. Dali dali kong inabot ang aking cellphone at tinignan kung anong araw na ba ngayon.
Pag tingin ko dito ay agad akong napaupo sa kama nang maalala na kaarawan ko na pala ngayon. Agad akong tumayo upang mag ayos ng sarili at lumabas ng aking kwarto.
"Happy birthday to you Happy, birthday to you, Happy birthday Happy birthday, Happy birthday to you!" Nakangiting nakanta ang kaibigan ko habang hawak ang isang cake namay sinding kandila.
"Salamat louies!" Agad ko itong niyakap at nag pasalamat, dahil siya lang ang kasama ko sa condo dahil nag aaral ako dito sa maynila at wala nang ibang kakilala pa.
Nag-almusal kami ng normal at agad kumilos upang mag lakwatsya, ayoko maghanda ng malaki kaya napag-kasunduan naming manood na lang ng sine at kumain na lang sa parke upang icelebrate ang kaarawan ko.
Naging maayos ang panonood namin ng sine ngunit nang nasa parke na kami ay iba ang pakiramdam ko, 'yung tipong parang may nakamasid sa bawat galaw mo. Liminga linga ako sa paligid ngunit mga batang naglalaro lamang ang nakikita ko. Kaya ipinagsawalang bahala ko nalang at baka imahinasyon ko lamang iyon.
Umupo kami sa isang bench malapit sa isang puno, mahangin na dito sa parke sa pagkat alas singko na ng hapon, at pakonti ng pakonti ang mga tao dito, ang mga batang nag-lalaro kanina ay isa-isa na ring nagsisi-alisan.
"Angela, may ibibigay ako sayo," ani louise habang nakangiti sa akin.
"Ano iyon?" Excited na sabi ko sa kanya habang hinihintay na mailabas niya iyon mula sa kaniyang bag.
"Heto, ingatan mo iyan," ani nito saka isinuot sa akin ang bracelet. "Kapag suot mo ito ay parang kasama mo na rin ako, mag-iingat ka lagi ha?" pagpapatuloy nito sa kaniyang sinasabi.
Napakunot ako ng noo dahil sa mga sinasabi niya ngayon, mistulang naghahabilin na. Napailing ako ng ilang beses saka niyakap siya ng mahigpit at doon bumagsak ang mga luhang gustong kumawala mula sa aking mga mata.
Bago pa man ako makapag pasalamat kay louies ay natanaw ko ang isang matandang babae na nakatitig sa amin at tila kami'y pinapanood habang ito ay naka ngiti. Hindi ko ito pinansin at pinagpatuloy nalang ang pagsasalita.
"Thank you for this, thank you for everything Louise," wika ko.
Mag gagabi na rin nang makauwi kami sa condo, sumama si louise sa condo ko at dito yata matutulog upang samahan ako. Hindi pa man kami nakaka pasok sa elevator ay agad na nagsitaasan ang balahibo ko, Tinitigan ko si louies at tila matamlay ito.
Pag bukas ng pintuan ng elevator ay lumabas na kami, at sa 'di kalayuan ay natanaw ko ang isang matandang babae na hawig ng nakita ko sa parke kanina, binilisan ko ang lakad nagbabakasakaling mahabol ko ito.
"Hoy! Ano ba 'yan ang bilis ng lakad mo! Ayos ka lang ba?" Hingal na hingal nitong sabi sa akin, habang nakatitig sa hawak hawak kong kahon.
"Louies 'yung matanda! Nakita mo ba? Nandito siya kanina! Tapos tignan mo 'to may kahon!" Sunod sunod kong sabi sa kanya, hindi ako nito pinansin at pumasok agad sa loob ng condo.
Pag pasok namin ay agad kong binuksan ang isang maliit na kahon, Bumungad sa akin ang tatlong papel namay malalabong litrato ng isang malaking Truck, Pedestrian Lane, at Go sign na Traffic light.
BINABASA MO ANG
One Shot Story
Short StoryCollection of One Shot Stories Life has a different genre. Iba't ibang kwento, iba't ibang tao. Mistakes and challanges are really a great teacher para matuto tayo. What really matter the most is, we will learn a lesson at magkaroon ng courage upang...