Eight: Hourglass
Penelopes's POV
"Hija! Maaari ba akong makahingi ng kaunting barya? Pambili ko lang ng pagkain," ani ng isang matandang madumi ang kasuotan, saka nilahad ang maruruming kamay sa akin, lumabas naman ang nangingitim nitong mga ngipin.
kinuha ko ang bag ko tsaka kumuha ng pera sa wallet, "Lola diyan lang ho kayo ah? Bibili lang po ako ng makakain niyo."
Tumango naman ito saka umupo sa inuupuan kong bench kanina, tumawid na ako ng kalsada para umorder ng makakain ni lola sa fast food chain, mabuti nalang at mayroong malapit na pagbilhan ng pagkain.
"Lola, ito na po 'yung pagkain niyo, at ito po kunin niyo na rin." abot ko sa isang order na meal at inabutan din siya ng cash.
"Nako, maraming salamat hija napakabuti ng iyong kalooban." ngiti ng matanda sa akin tsaka kumain na ng inabot kong pagkain, tila hindi nakakain ng ilang araw ang matanda dahil sa bilis nitong kumain.
"Eto hija, tanggapin mo 'to, makakatulong sa'yo ang hour glass na 'to, ibaligtad mo lang ito at mababalik ka nito sa nakaraang gusto mong balikan, tandaan mo wag mo itong gagamitin sa masama," ani nito.
Kinuha ko ang binigay niyang hour glass tsaka pinagmasdan, bigla nalang may tumawag sa telepono ko at agad ko rin itong sinagot at baka importante. Paglingon ko kay lola ay wala na ito sa kinauupuan niya, luminga linga ako sa paligid para hanapin siya pero wala na siya sa paligid.
"Saan naman kaya nag punta si lola? Totoo kaya 'yung sinabi niya tungkol sa hour glass na 'to?" tanong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang hour glass na hawak ko.
Pagka uwi ko sabay ay nilapag ko ang hour glass sa study table ko at agad na nagbihis pangtulog, pagkatapos kong gawin ang skin care routine ko ay umupo na ako sa study table upang ipagpatuloy ang mga paper works na hindi ko nagawa sa office kanina, napansin ko ang hour glass na nilagay ko kani-kanina lang, sinunod ko ang sinabi ng matanda at binaliktad ito.
Nagulat ako ng biglang itong umilaw ng sobrang liwanag, Nakakasilaw. Gumalaw ang kinauupuan ko ng sobrang lakas na tila mayroong lindol at doon na ako nawalan ng malay.
"Penelop gising!" naramdaman ko nalang na may tumatapik sa pisngi ko ng marahan.
"Hey tita it's too early," wika ko.
"Nako hija, saan mo natutunan ang lenggwaheng iyan? hindi ito tinuturo sa atin," ani ng babaeng natataranta.
Agad akong napamulat ng mata at mabilis na bumangon sa pagkakahiga, nagulat ako dahil hindi pamilyar ang silid na nakikita ko, at sigurado akong hindi sa akin 'to.
"Sino kayo? And why i'm here?" naguguluhang tanong ko rito.
"hindi ko mabatid ang iyong tinuran binibini, sino ba ang nagturo sa'yo niyan?" tanong ng isang lalaking naka kunot ang noo sa akin.
"Pasensiya na, gutom lang yata ako." nakangiti kong sabi
Hindi ko maintindihan kung bakit hindi sila nakakaintindi ng wikang ingles. Ang huli kong natatandaan kagabi ay binaliktad ko 'yung binigay na hour glass sa akin nung pulubi kahapon. It means? Totoo yung sinabi niya sa akin na mababalik ako sa nakaraan?
"Penelope, tumayo ka na diyan iuuwi ka na sa inyo ni isko," nakapamewang na sabi nito.
"Ha? Hindi ba dito ang bahay ko?" naguguluhang tanong ko.
"Nako hija inaantok ka pa ba? Nanggaling tayo kanina sa kumbento para tulungan si padre austin sa pag-aasikaso ng misa mamaya. Mag-aalas singko y medya na ng umaga kailangan mo ng umuwi sa inyo," paliwanag nito sa akin, sabay kuha sa gaserang naka patong sa lamesa.
BINABASA MO ANG
One Shot Story
Short StoryCollection of One Shot Stories Life has a different genre. Iba't ibang kwento, iba't ibang tao. Mistakes and challanges are really a great teacher para matuto tayo. What really matter the most is, we will learn a lesson at magkaroon ng courage upang...