Fourth 1.0: Alphabet of Rose

19 3 0
                                    

Fourth: Alphabet of Rose
Inspired by: Alphabet of Death

Handa ka na bang mamatay sa letrang pinang hahawakan mo? Hindi natin alam, baka ang pinaka pinagkakatiwalaan mong tao ang siya palang papatay sa'yo.

Third Person's POV

Napagpasiyan ng magkaka klaseng magkaroon sila ng field trip sa isang lugar sa Cagayan upang magbakasyon at magdiwang dahil natapos na naman ang isang School year, Rose ang pangalan ng kanilang section kaya sila tinawag na Rose Squad.

Napili nilang tumuloy sa rest house na pagmamay-ari ng pamilya nila Mary. Ang president ng klase nila. Mababakas mo na medyo may pagka luma na ang bahay sapagka't wala nang nakatira dito dahil hindi na rin naman binibisita ng mga magulang niya.

"Mary, malayo pa ba tayo sa rest house niyo?" tanong ni Daryl na kanina pa nagrereklamo.

"Medyo malayo-layo pa tayo." natatawang sabi ni mary.

Kalahating oras mula noong nagtanong si daryl ay sa wakas narating nila ang bahay.

"God, ang creepy naman nitong resthouse niyo mary, Wala bang multo dito?" natatakot na tanong ni Cristel

"Matagal nang walang bumisita sa bahay na ito kaya't maaring may multo na dito." masungit na sabi ni lorena.

"Wag na kayong magtakutan diyan at tulungan niyo nalang akong bitbitin itong mga hawak ko," nahihirapan na sabi ni ahron, saka baba sa mga bitbit niyang bag.

"Infernes malaki itong resthouse niyo mary may signal ba dito?" tanong ng bakla nilang kaibigan na si jayson.

"Okay guys magkakahiwalay ang room ng boys and girls, meron 8 rooms itong resthouse namin kaya kayo ng bahala kung sino ang makakasama niyo sa room." mahabang paliwanag ni mary sa kanila.

Pagkatapos nilang pag-usapan kung sino ang makakasama nila sa kani-kanilang kwarto ay nag pahinga muna ang magkakaibigan dahil na rin mahaba-haba ang kanilang nilakbay kanina.

Magdidilim narin nang lumabas sila sa kani-kanilang kwarto at napag- pasyahang mag-hapunan na.

"Ace, Jayson, King, Edgar may nadala ba kayong make-up? Yun ang gagamitin natin bukas para sa photoshoot," ano ni Erich.

"Siyempre naman gurl, hindi mawawala sa bag ko yan," ani ni Jayson sabay hawi sa maikli nitong buhok na akala mo ay mahaba.

Pagkatapos maghapunan ay naka-isip si deserei ng isang laro upang hindi sila mabored, tinawag nila itong Alphabet of Rose.

Meron isang kahon na kung saan meron ding Letrang A-Z, lahat ay bubunot at kung anong letra ang panghahawakan mo ay yung ang magiging dare o kaya truth sa laro.

"Bawal ang kj dito guys ha dapat lahat sasali, ang hindi sasali panget," pabirong sabi ni Ace

Ngayon ay nakabunot na ang lahat, at sisimulan na ang laro. Kumuha si Gian ng isang ballpen dahil wala silang makitang bote kaya yun na lamang ang ginamit nila.

Sinimulan nang paikutin ni Jana ang bote at tumapat naman ito kay Ace

"Ngayon Ace truth or dare?" tanong ni Trisha

"Woahhh dare na yan para masaya!" sigaw ni Jaylord

"Mag dare ka na ace." sang-ayon naman ni Nicole

"Oh sige na nga dare na" Napipilitang sabi ni Ace

"Anong letter ang napunta sayo?" tanong ni Hazel

"letter A" sagot nito.

"Okay dahil nag dare ka at alam namin na crush mo si joshua, I dare you na akbayan mo siya hanggang matapos ang laro." pag- uutos ni Ivan

One Shot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon