Chapter 2

608 25 0
                                    

"Charizel Joshia Madrid"

Napa awang ang labi ko nang tawagin ako ng ginang, hawak neto ang isang envelope. Ang ipinagtataka ko ay bakit Madrid ang tinuran niya.

kailan pa naging Madrid ang apilyedo ko. Ang daming tanong sa isipan ko simula nung nakita ko sila sa bahay pero wala pa ni isa ang nakakasagot o nasasagot.

"Dela Paz po ang apilyedo ko at hindi Madrid" pag tatama ko sa kanila pero seryoso lang nila akong tinignan.

"Ang totoo mong pangalan ay Charizel Joshia Madrid" ani ng Ginang

Napaawang ang mga labi ko maya-maya ay nakaramdam ako ng pagsakit ng ulo kaya napahawak ako doon. Hindi ko alam pero may sinasabi ang utak ko na maniwala ako sa kaniya..

"Okay ka lang?" Tanong nang Prinsipe kaya napatango ako.

"huwag mong pilitin ang sarili mo"

Napalingon ako ng may nagsalita sa isip ko, nakaka mind contact nadin ba ako?

"Inalis na namin ang barrier Joshiah kaya marahil ay naririnig at nakakausap mo na kame gamit ang isipan mo" sabi pa ng isa at napagtanto kong si Railian iyon.

Napatango nalang ako at hindi na sumagot.

Napahawak ako sa pulsuhan ko ng sumakit ito ngunit maya-maya ay nawala din. Ano ba ang nangyayari sa akin? may nararamdaman akong kakaiba sa katawan ko ngunit hindi ko maipaliwanag kung ano iyon.

"Ayoko po dito, please ibalik niyo na ako sa bahay namin" mahinang sabi ko at nagmamakaawang tinignan sila, nagkatinginan ang mag-asawa at malungkot akong tinignan bago umiling.

"Hindi maaari Joshia, natandaan mo ba ang mga nilalang na nakita mo sa bahay niyo? gusto ka n-- enough" biglang singit ni Calix sa usapan at tinignan ako bago ang mag-asawa, para silang nag-uusap ngunit walang naririnig sa kanila. 

"Nasaan ang mga magulang ko? sino ba talaga ako.." Wala sa sarili kong tanong. Kahit na hindi ko alam kung buhay ba sila o kung may magulang ba talaga ako.

" Sa ngayon ay tama na muna ang impormasyon na nalaman mo" ani ng Ginang, napanguso ako. Pangalan ko panga lang ang nalalaman ko tas tama na agad? hmmm

Tumango nalang ako bilang sagot, hindi na umimik.  Dahil kung ipipilit kong malaman ang lahat ay baka tuluyan na akong mawala sa ulirat.

"Kailangan niyo nang pumunta sa Academy, hinahantay na nila kayo doon." dagdag pa niya at tinignan ang tatlo, hindi pa sana ako tatayo ngunit hinila nanaman ko ni Calix. 

Nag paalam lang ang tatlo sa mag-asawa bago kame tuluyang umalis doon, sabi nila ay pupunta daw kame sa HERA ACADEMY isa daw itong mataas na paaralan sa Bayan ng Hera. Itinuturo daw dito kung paano namin magagamit ng maayos ang mga abilities na meron kame.

Kame? Eh sila lang naman ang meron noon. Nasabi din kasi nila na may iba't-ibang ladies and lord dito sa Hermenia. Sila iyong mga nagtataglay ng abilities or  elemental control.

Nung una ay ayaw ko pang maniwala pero ng ipinakita sa akin ni Calix ang kaya niyang gawin ay wala na akong magawa, maniniwala ako o maniniwala.

"Lady of Nature ka kaya imposibleng wala kang abilities Joshia, nakakapag Mind Contact at Teleport ka nga e" sabi ni Railey kaya napatingin ako sa kaniya at napatango.

"Teka paano niyo naman nasabi na Lady of Nature ako?" Nagtatakang tanong ko, wala naman kasing nasabi si Mrs. Hernia tungkol doon.

Ngumisi si Calix at sinenyas ang pulsuhan ko. Kaagad na nanlaki ang mata ko ng mas naka tattoo doon na mga maliliit na bulaklak. Teka kailan pa ako nagpalagay non?. Ito ba yung dahilan ng pagsakit ng pulsuhan ko kanina? pero wala naman ito kanina.... ays ewan!

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon