Nagising ako dahil sa maingay na mga boses, para silang nagtatalo tungkol sa isang bagay.
"Bakit ba kasi nandoon ang black rose? Alam niyong mapanganib para sa kaniya ang bulaklak na iyon lalo na at kakaiba---"
Hindi natuloy ni Cascade ang sinasabi niya dahil napatingin siya sa akin saktong nakamulat na ako, seryoso ako netong tinignan bago naglakad palapit sa akin. Mukang napansin din iyon ni Blaze at Reed dahil lumapit nadin sila sa akin.
Si Reed ay Goddess of Nature, siya ang dahilan kung bakit ako lady of nature. Isang beses nga tinanong ko siya kung bakit niya ako napili, ang sagot niya sa akin ay "wala lang".
"Kamusta naman ang mahal na Prinsesa" pabirong sabi ni Reed at hinagod ang buhok ko.
Sumimangot ako. Ahh namiss ko si Reed, busy kasi siya dahil sa mga mission niya.
"Ito maganda pa din" sagot ko kaya nagtawanan sila, hindi naman ako nagpapatawa hays.
"Gising kana pala" ani Rufina ang Dwarfinang healer, isa siya sa pinaka magagaling na Healer dito kaya kapag may nangyayari sa akin ay siya ang umaasikaso sa akin.
Ako lang talaga ang inaasikaso niya kasi kapag naman nasasaktan or nasusugatan sila Blaze ay kusa itong gumagaling pwera nalang kapag naka Human form sila or yung kagaya ko na walang healing effect sa katawan. Kapag kasi naglalaban kame ay nag huhuman form si Blaze paara daw fair sa akin.
"So kagaya ng dati, 5 days kang nakatulog. Masyadong malakas ang impact ng lason sa iyong katawan kaya ganon which is nakakapag taka dahil madalas 1 day lang naman bago mawala ng kusa ang lason ng black rose sa katawan. but in your case hindi na pala dapat ako nagtataka" Paliwanag niya at mahinang natawa na hindi ko na ikinagulat.
Hindi naman ito ang unang beses na nakatulog ako ng 5 days, minsan panga at 1 week kapag may nangyayari sa katawan kong masama.
"Kasalanan 'to ni Blaze! Palagi niya akong hinahagis sa may lason na bulaklak" reklamo ko at tinignan si Blaze na kanina pa pala ako pinapanood.
Halos lahat kasi ng mga bulaklak dito sa Flores ay may tinataglay na lason, ang iba ay malakas na lason pero nasa bandang forest sila. Ang andito lang ay ang mga hindi gaanong nakamamatay na bulaklak.
The more na maganda ang bulaklak sa paningin mo, the more na mas malakas ang lason na meron ito.
Nabalik lang ako sa katinuan ng maramdaman si Blaze, ngumisi siya at pinitik ang noo ko dahilan ng pagsimangot ko.
"Hindi ko sinadya" aniya gamit ang nakokonsensya niyang boses, tama iyan, makonsensya ka.
"So.. hindi padin ba nalalaman kung anong meron sa dugo ni Joshia?" Tanong ni Reed kaya napatingin ako kay Rufina na tanging iling lang ang naisagot.
Bumuntong hininga ako. Ano ba kasing meron sa dugo ko kung bakit ganoon nalang mag react ang mga lason sa katawan ko. Ang dami kona din nagawang test pero puro normal ang lumalabas na result. Ang alam ko may isa pa silang ginawang test pero wala padin yata ang result. Nag kibit balikat ako at nahiga, narinig ko pa silang nag-uusap tungkol sa dugo ko.
Ang ipinagtataka pa nila ay hindi naman daw ganito ang dugo ng mama ko... ang mama ko na matagal na palang patay..
"Are you okay?"
Tanong ni Blaze na nilalaro ang buhok ko, hilig niya talagang laruin ang buhok ko lalo na kapag andito kame sa healing place. Para itong hospital or clinic ngunit wala kang makikita dito bukod sa mga halamang gamot hindi kagaya sa clinic sa Hera kung saan may mga machine sila doon.
BINABASA MO ANG
HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOL
FantasyTo know her past, Charizel Madrid accept the invitation of Hernandez to go to unknown school. Lumaking ulila at walang magulang si Charizel at tanging ang nag-iisang kaibigan lamang ang kaniyang kasama. At first, she hesitated because she felt that...