Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa isang lugar na kilalang-kilala ko, ilang buwan naba akong hindi nakakauwi sa kanila. Ngumiti ako at kaagad na tinakbo ang distansya ko at ng dorm namin.. ngunit kaagad akong natigilan ng makarinig ng malalakas na pagsabog. Napaupo ako at napatakip sa tenga.
Yumanig ang lupang inaapakan ko at kasunod noon ay ang paglabas ng mga estudyante, hindi ko sila sinundan at nanatili sa ganoong sitwasyon..
Nagawa ko lang tumayo ng mawala ang pagsabog, tinakbo ko ang lugar kung saan nagpuntahan ang mga estudyante.
"Hindi..."
"Hindi maaari..."
Mahinang bulong ko habang umaatras at hindi makapaniwala sa nakikita ko.
"Lady of dragon"
Kaagad akong napatingin sa dalawang nilalang na ngayon ko lang nakita ngunit ang mas ikinagulat ko ay ang hawak nila.
"B-bitawan niyo sila"
"Huwag niyo silang saktan parang awa niyo na" naiiyak kong sabi pero parang hindi nila ako naririnig.
Ilang ulit akong sumigaw ngunit parang wala ako sa lugar na ito at hindi ako nag eesxist.
"HINDIIII!!!!" Malakas kong sigaw ng bitawan niya ang isa sa pinaka mamahal kong tao sa mundong ito..
--
"Charizel!"
Mabilis kong naimulat ang mga mata ko at kaagad na napabangon, kaagad kong pinalis ang mga luha sa mga mata ko na patuloy na dumadaloy.
Anong nangyayari sa akin?.. bakit ako umiiyak.
Bigla kong naalala ang panaginip ko, ngunit.. hindi ko na matandaan kung ano ang nangyari sa panaginip na iyon. Isa lang ang natatandaan ko, ang nilalang na doon ko lang nakita..
"Okay kalang ba?"
Napatingin ako kay Blaze na nasa gilid ko, may hawak siyang guava juice. Mukang napansin niya ang titig ko doon kaya kaagad niyany iniabot sa akin na kaagad ko namang tinanggap.
"May balita kaba sa academy?" Wala sa sariling tanong ko sa kaniya.
Hindi ko alam kung bakit ko iyon naitanong, naalala ko kasi ang panaginip ko ngayon-ngayon lang. Tinignan ko siya ng hindi ako makarinig nang kahit anong sagot sa kaniya, seryoso lang siyang nakatingin sa akin maya-maya ay umiling.
"Wala" maikli niyang sagot pero batid kong may tinatago siya, bumuntong hininga ako.
"Isang taon na ang nakakalipas pero hindi mo ako binabalitaan, huwag niyo naman sanang hayaan na makalimutan ko kung saan talaga ako galing at kung sino ang mga taong unang nagmahal sa akin" malungkot na sabi ko at napatungo.
Pakiramdam ko kasi ay anytime lalabas ang luha mula sa mga mata ko. Matinding lungkot ang nararamdaman ko, ngayon nalang ulit ako nangulila sa kanila ng ganito.
Ilang minuto ang lumipas na tahimik lang kame, tanging huni ng mga ibon lang ang maririnig bukod sa buntong hininga ko.
"Just focus on your training, the time will come. Makakabalik ka din sa mga taong nagmamahal sa iyo pero sana maisip mo din na may mga nilalang din dito na minamahal ka." Ang huli niyang salita bago tuluyang naglakad palabas sa kuwarto ko.
Kaagad akong nakaramdam ng konsensya, feeling ko ay may masama akong nasabi kaya ganoon ang tono ng pananalita niya. Tumayo ako at akmang hahabulin siya ngunit kaagad akong napaupo dahil sa panghihina.
BINABASA MO ANG
HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOL
FantasyTo know her past, Charizel Madrid accept the invitation of Hernandez to go to unknown school. Lumaking ulila at walang magulang si Charizel at tanging ang nag-iisang kaibigan lamang ang kaniyang kasama. At first, she hesitated because she felt that...