"Mukang nagkakasiyahan kayo dito"Sabay kameng napalingon ni Blaze sa kakadating lamang na si Isabelle, kaagad kong nilapag ang espadang hawak ko at lumapit sa kaniya. Ganoon din ang ginawa ni Blaze at sumunod sa akin.
"Ano ang iyong kailangan Isabelle" masungit na tanong ni Blaze, ngumisi si Isabelle at tinignan ako ng nakakaloko bago binalik ang tingin kay Blaze na seryoso padin.
"Nakakaabala ba ako Blaze?" Ani Isabelle at mahinang tumawa. Kumunot ang noo ko dahil sa inaasta niya, ano nanaman kayang sumapi kay Isabelle at weird nanaman siya.
"Hindi, ano bang kailangan mo? Nag eensayo kame" sabi ni Blaze at tumabi ng upo kay Isabelle, ako naman ay umupo din sa kabilang gilid ni Isabelle.
" May inutos si Arthur sa inyong dalawa, kailangan ninyong pumunta sa Hera Academy upang sunduin ang grupong Phoenix dahil kasama natin silang aattend sa flower ball"
Si Arthur ay ang nangunguna sa hukbong pang katahimikan dito sa Hermania, siya ang God of Peace kung tawagin pero balita ko isa lang magulo ang isang iyon.
Pero nawala din ang isipin ko doon ng marealize kung ano ang sinabi ni Isabelle, gulat ko siyang tinignan.
"Ang Phoenix ay ang kinabibilangan mong grupo noon diba Joshia?" Ani Blaze kaya wala sa sariling napatango ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o natatakot ba ako na makita silang muli. Hindi naman sa ayaw ko silang makita o pumunta dito pero may pakiramdam ako na.. natatakot.
"Tulala ka nanaman! Tumayo kana diyan at maghanda, aalis na tayo mamaya dahil kailangan na nila makarating kaagad dito" masungit na sabi ni Blaze at iniwan na kame ni Isabelle.
Tinignan ko siya. "Hindi ba pwedeng iba nalang? Ayoko.." sabi ko at yumuko.
Narinig ko ang mahinang buntong hininga niya at tinapik ako sa balikat kaya napatingin ako sa kaniya.
"You are more stronger now, kung natatakot kang baka masaktan mo sila ay hindi iyon mangyayari." Sabi niya kaya napatango ako.
Hindi naman ako natatakot na baka masaktan ko sila.. sadyang hindi lang ako handa.
"Sige na Joshia, ayusin mo na ang gamit mo kung ayaw mong masungitan ka nanaman ni Blaze" aniya at mahinang tumawa bago ako iniwan doon, bumuntong hininga ako at tamad na tumayo. Ano panga ba ang magagawa ko, alam kong mapapagalitan din ako ni Arthur kapag hindi ko siya sinunod.
Kaagad akong bumalik sa palasyo upang kunin ang mga gamit ko, pagdating ko sa kwarto ko ay kinuha ko ang bag na matagal ng naibigay sa akin ni Arthur pero ngayon ko lang magagamit. Kagaya ito nung bag ko sa Hera kung saan mailalagay mo ang madaming gamit kahit na maliit lang ito. Pagkatapos kong ayusin ang bag ko ay inayos ko naman ang sarili ko, itinali ko ang mahaba at kulot kong buhok into high ponytail pagkatapos ay isinuot ang combat shoes ko at ang white ramper na bigay sa akin ni Isabelle. Pagkatapos noon ay bumaba na ako at pumunta kay Euhan na kanina pa ako hinahantay sa garden.
"So saan tayo dadaan?" Tanong ko kaagad sa kaniya, hindi pinansin ang masama niyang tingin. Mainipin kasi si Blaze at ayaw niya ng pinaghahantay.
Nagulat ako ng maglabas ng liwanag ang punong nasa harapan namin, malaki ang puno na iyon at kulay silver ang mga dahon. Umawang ang mga labi ko, ngayon ko lamang nakita ang puno na ito. Unang beses kong dadaan dito..
"Ito ang lagusan papunta sa Hermania, marahil ay nagtataka ka ngunit makikita mo lamang ito kapag nabigyan ka ng mission" ani Euhan ngunit tanging tango lamang ang naisagot ko dahil namamangha padin ako sa nakikita ko. Kaya pala hindi kame dito dumaan noon dahil hindi naman mission ang pinunta namin sa baba.
BINABASA MO ANG
HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOL
FantasyTo know her past, Charizel Madrid accept the invitation of Hernandez to go to unknown school. Lumaking ulila at walang magulang si Charizel at tanging ang nag-iisang kaibigan lamang ang kaniyang kasama. At first, she hesitated because she felt that...