Epilogue

396 17 4
                                    

I run as fast as I could para matulungan ang mga estudyante na naistranded dahil sa malakas na pagsabog, hanggat maaari ay tumitigil ako kapag may nakikita akong mga estudyante na may kalaban na mga halimaw.

Nakasalubong ko sila Lian pero hindi na namin nagawang makapag usap dahil sa sunod-sunod na mga pagsabog at pag guho ng mga nag tataasang gusali sa Academy.

"Charizel nasaan ka na ba?" 

Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng Academy, nabuhayan ako ng loob nang makita ang dalawang dragon na lumilipad sa kalangitan. I sighed and run again para makipag laban sa ilang mag halimaw.

"Yuko!" malakas na sigaw ko at mabilis na ikinumpas ang kamay ko upang mapigilan k ang malaking bahagi ng building na babagsak sa ilang bata na esudyante, nang mailapag ko iyon ng maayos ay kaagad kong kinuha ang mga bata at dinala sa rescue team na naghihintay lamang sa safe zone na ginawa namin para wala masyadong madamay na estudyante.

"Calix! si Joshia!" 

Mabilis akong lumingon nang marinig ang boses ni Ash na tinatawag ako, nang makita ko siya ay kaagad akong lumapit sa kaniya. "Where is she?" kaagad na tanong ko.

Hindi siya nagsalita pero sinenyasan niya akong sumunod sa kaniya na kaagad kong ginawa. Natigilan ako nang makita ang pinaka mamahal kong babae na tumalsik dahil sa pag atake ng kalaban, ikinuyom ko ang kamao ko at akmang lalapitan siya ng may humawak sa akin.

"CHECKMATE" natatawang sabi ng malaki na halimaw na humawak sa akin, nakit ko rin ang iba ko pang mga kaibigan na hawak din ng iba pang halimaw at tila mga nanghihina ito. 

Pinilit kong makawala pero nanghihina ang mga katawan ko, marami na akong sugat sa katawan kagaya nila pero pinipilit ko parin lumaban. Malikot ang katawan ko, sinusubukang makagalaw pero habang ginagawa ko iyon.. lalo lang akong nanghihina.

Lalo pa akong nanghina ng marinig ang malakas na pag iyak ni Charizel ang sakit ng bawat hagulgul niya habang nakatingin kay Hernandez at sa kaibigan niya, gusto ko siyang lapitan at yakapin pero wala akong magawa... nang hihina ako.

Tahimik lamang kame habang pinapakinggan ang pinag-uusapan nila, masama kong tinignan ang lalake na kausap ni Charizel. Kung wala lang nakahawak sa akin at hindi nanghihina ang katawan ko ay baka kanina pa patay ang lalake na ito.

Nang ilabas niya ang totoong kapangyarihan niya.. lalo akong nanghina. Alam ko ang susunod na mangyayari, kukunin nila siya sa akin, ilalayo nila pero wala manlang akong nagawa para pigilan siya..

Nakapikit lamang ako habang pinapakinggan ang iyakan ng mga kaibigan namin, pag mamakaawa na huwag silang iwan... na huwag siyang umalis.

Ang sakit pala talaga niyang mahalin... una pa lang alam kong mangyayari na ito kaya hanggat maaari ay sinubukan ko siyang ilayo. Pinigilan kong mangyari ito, sinubukan ko... Saan ba ako nagkulang..

Ilang halimaw ba dapat ang pinatay ko kada may mag tatangka na kunin siya... Naalala ko pa iyong unang araw na nasilayan ko ang kagandahan niya, unang araw pa lang pero nakuha na niya kaagad ang puso ko..

"Calix, kailangan ko ang tulong niyo"

Napatingin ako kay Dean na ngayon ay nagmamakaawa na tulungan namin siya.

Bumuntong hininga ako at pagod siyang tinignan. Kagagaling ko lang sa mission pero ito nanaman ay may kailangan nanaman akong gawin. Kailan ba ako magpapahinga.

"What happen?" Tanong ko, hinahantay na magsalita siya.

Marahan akong pumikit. Hinahantay ang isasagot niya.

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon