Dahil sa nangyaring kaguluhan gawa nang pagsugod ng mga taga hermonio ay pinakansela muna ang mga klase at iba pang activities, pinauwi din muna ang mga estudyante maliban sa Phoenix at ipinagluksa naman ang mga nawala. Isang linggo na ang nakalipas ngunit masakit padin ang mga pangyayari.
Sa loob din ng isang linggo ay hindi na lumitaw si Andre na ipinagtataka namin, isa siya sa pinaka mahalagang tao dito sa Academy kaya pinapahanap talaga siya, nagbigay ng mission sa mga Mythics upang hanapin siya. Samantalang ako? Heto at nababaliw na sa kakaisip kung paano ako nagkaroon ng markang buntot.
Nakaupo ako ngayon dito sa sofa sa palasyo habang nakatitig sa marka ko, nang may narinig na kaluskos ay kaagad akong naalarma. Baka kasi mamaya ay kalaban pala ngunit ng makita ang mga kasamahan ko lang pala ay nakahinga ako ng maluwag.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Calix pagkatapos ay tumingin sa pulsuhan ko kaya kaagad ko iyong itinago sa likod ko , mas lalo pa akong nataranta ng kunin niya ang kamay ko at tignan iyon.
"Wag mo masyadong problemahin" aniya at nginitian ako.
Heto nanaman tayo sa weirdong prinsipe na panay ang pag ngiti sa akin. Pati tuloy ang puso ko ay nagiging weird nadin ang pagtibok.
"Anong balita?" Pag iiba ko sa usapan, umalis kasi sila para hanapin si Andre.
Umiling sila at malungkot na umupo sa katabi ko "We found her, sa forest pero walang malay nasa clinic na siya now pero may natagpuan pa kameng iba" makahulugang sabi ni Lian kaya napatingin ako sa kaniya.
"A-ano?" Nauutal na tanong ko sa kanila.
"Hi!"
Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na lumingon sa nagsalita, napaawang ang labi ko nang makita si Asherah na sira-sira ang mga damit at puno ng sugat.
"Anong nangyari sayo? Bakit ka nandito?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.
"Natagpuan namin siya sa kagubatan na may kalabang mga mababangis na hayop" pagpapaliwanag ni Railey at pasimpleng tinignan si Ash, halatang nag aalala dahil puro sugat ang katawan ni Ash. sus galawan.
"A-ah naligaw kasi ako habang papunta dito tapos may nakasalubong akong mga taga hermonio edi napalaban ako" aniya at napakamot sa ulo.
Bumuntong hininga ako, mabuti nalang at ayos lang siya. Mamaya ko nalang siya tatanungin kung bakit siya nandito. Hinila ko siya papunta sa kwarto ko upang makapag palit siya ng damit.
Pansamantala kameng andito sa Palasyo dahil inaayos pa ang Academy, sirang-sira kasi talaga iyon.
"Andito ako para sa iyo" biglang sabi ni Ash kaya napatigil ako sa ginagawa at nilingon siya.
Kunot ang noo ko siyang tinignan. "Anong para sa akin? Hindi kita maintindihan" bakas sa tono ko ang kaguluhan.
Humakbang siya palapit sa akin at may inilagay na isang porselas na gawa sa kabibe sa lugar kung saan tumutubo ang kakaiba kong marka. Ngumiti siya at hinawakan iyon.
"Andito ako para bantayan ka, dahil special ka" makahulugan niyang sabi na talagang nagpagulo sa isipan ko.
"Hindi kaba nagtataka kung paano mo nakakausap ang mga Titans? They are legendary creatures at tanging legendary creature lang din ang kayang makausap sila. Now think Joshia" mahiwagang sabi niya at isinuot na ang damit na inabot ko sa kaniya.
Peke akong tumawa ngunit sa loob ko ay kinakabahan ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko nanga maintindihan ang nangyayari sa akin ay dumagdag pa. Magsasalita pa sana ako ng biglang pumasok sila Calix sa loob ng kwarto.
BINABASA MO ANG
HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOL
FantasyTo know her past, Charizel Madrid accept the invitation of Hernandez to go to unknown school. Lumaking ulila at walang magulang si Charizel at tanging ang nag-iisang kaibigan lamang ang kaniyang kasama. At first, she hesitated because she felt that...