Chapter 8

379 21 0
                                    

Ps: Ang suot ni Joshia :)

CTTO. SA MAY-ARI NG PICTURE.

----------

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa isang malakas na kalampag mula sa pintuan ko. Hindi pa sana ako babangon ngunit narinig ko ang seryoso at malalim na boses ni Calix.

"Oo nga pala, training" mahinang sabi ko sa sarili bago padabog na tumayo at dumeretso sa banyo pero bago ako tuluyang pumasok doon ay nakarinig ulit ako ng malakas na katok.

"Maghantay ka pwede!" Sigaw ko at padabog na pumasok sa loob.

Mabilis akong naligo, paglabas ko ay isinuot ko ang ibinigay sa akin na damit. Kulay puti ito na may sky blue na design sa bandang ibabaw, hindi ko alam ang tawag sa damit na ito pero one shoulder ang style neto at pinaresan  ito nang maikling short na kakulay ng sky blue na design ng damit na pinaresan ng running shoes. Itinali ko din ang mahaba kong buhok at tinignan ang sarili bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Paglabas ko ay napatingin silang apat sa akin. Napalunok ako ng mapansin ang masamang titig ni Calix sa akin, tumayo ito at naglakad palapit sa akin kaya naman napa atras ako.

"B-bakit" nauutal na tanong ko habang patuloy na umaatras. Hindi siya kaagad nag salita at pinagmasdan lamang ako lalo na ang suot ko, napalunok ako.

"Too short, mag palit ka" aniya kaya kaagad na tumaas ang kilay ko, tinignan ko ang suot ko pagkatapos ay ibinalik ang tingin ko sa kaniya.

"At bakit aber?"  Mataray na tanong ko.

"Sinong aber? Calix ang pangalan ko. Huwag ng madaming tanong at mag palit kana" aniya sa galit na tono bago ako itulak pabalik sa kwarto ko.

Siya pa mismo ang nagsara noon, galit kong tinignan ang pinto bago padabog na pumunta sa damitan ko.  Bakit parang kasalanan ko na ito ang suot ko? Eh binigay lang naman sa akin ito tss.

Kinuha ko ang leggins na itim at isinuot iyon, hindi kona pinalitan ang pang itaas ko dahil hindi naman iyon masyadong revealing. Lumabas ako at nag dire-diretso ng lakad, hindi ko na pinansin sila Clara na tinatawag ako.Ramdam ko naman ang pag sunod sa akin ni Calix kaya mas binilisan kopa ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa open field.

"Teka nasaan ako?" Tanong ko sa sarili ko ng mapansin na nasa ibang field ako, inilibot ko ang paningin ko at pinakiramdaman ang paligid.

Natigilan ako ng may naramdamang kakaiba, parang isang bagay na pabulusok at.. kaagad akong napalingon at nanlaki ang mata ng makita si Calix na mabilis na tumatakbo papunta sa akin habang hawak ang espada niya at mukang aatakihin ako, Kaagad akong napa atras.

"Shit" bulong ko at napa takbo pero mas lalo akong nataranta ng naramdaman kong mas bumilos ang kilos niya.

"Ahhh Calix!" Malakas kong sigaw ng makitang malapit na siya sa akin,  napaupo ako at napapikit at hinantay nalang na may tumama sa akin.

Kaagad akong napatayo ng marinig ang isang malakas na tawa, masama kong tinignan si Calix na naka hawak na sa tiyan habang panay ang tawa.

"Mabulunan ka sana" mahinang bulong ko na mukang narinig niya dahil tumigil siya sa pagtawa at dahan-dahan na naglaakd palapit sa akin, seryoso na ang muka niya habang nakatingin sa akin at nang tuluyan siyang nakalapit ay inilabas niyang muli ang kaniyang espada.

"This is just a illusion, tignan mo ang paligid. Ito ang itsura ng bundok na pag gaganapan ng show off. Gusto kong maka bisado mo ang bundok hanggang sa tuktok" seryoso niyang sabi at itinuro ang paligid gamit ang espadang hawak.

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon