Natumba ako ng umuga ang lupa at bumuka ito.. napaatras kame ng lumabas doon ang malaking kamay.
Bumungad sa amin ang isang higante na pula ang mga mata.. magkakasama na kame ngayon nila Elijah pero may isang nawawala sa amin..
Nasaan kaba..
"Palibutan natin" utos ni Elijah na kaagad naming sinunod.
Sinubukan kong patamaan ang paa niya ngunit parang wala lang iyon, bumuntong hininga ako at mas dinamihan ang black power na inilagay ko sa pana bago iyon tinira sa kaniya..
"Joshia!" Sigaw ni Clara kaya mabilis akong napaatras ngunit huli na ang lahat. Dinampot ako ng higante at iwinagayway na parang laruan bago ibato..
Tumalsik ako sa isang gusali kaya gumuho iyon, dahan-dahan akong tumayo at hindi pinansin ang nagdudugo kong likod. Ramdam ko ang sakit non..
Dahan-dahan akong naglakad pabalik sa pwesto kanina.
"Wahhhhhhh" rinig kong sigaw ni Clara habang kagat-kagat siya ng higante, kumuyom ang kamao ko at ginamit ang hangin para maitaas ako neto.
Nang pantay na kame ng higante ay pinatamaan ko siya sa mata gamit ang pana ko kaya nagwala ito at nabitawan si Clara na wala ng malay. Mabilis akong kumilos at hinabol ang katawan niya.
"Dito kalang" sabi ko sa walang malay na si Clara bago bumalik sa pakikipaglaban.
Napatingin ako sa kalangitan ng bigla itong dumilim, sinabayan ito ng mga kidlat na malalaki at ilang buhawi na kumakaen sa ilang mga estudyante.
"Ang boring naman"
Sabay-sabay kameng napatingin sa isang babae na ngayon ko lang nakita, ramdam na ramdam ko ang malakas niyang kapangyarihan.. nang mag-umpisa siyang iikot ang paningin at tumama ito sa akin ay napa atras ako.
"Andito ka lang pala" aniya at tumawa ng malakas.
"Joshia"
Napatingin ako kay Reed na kakadating lamang, wala siyang sugat dahil naka god form siya pero alam kong masakit ang katawan niya. Ramdam ko ang pagod niya.
Maya-maya ay dumating nadin sila Cascade kasama ang ilang mga God, maging ang mga hari at reyna nadin ay nandito.
"Nisha" bulong ni Reed habang galit na nakatingin sa babaeng tumatawa na ngayon.
Nisha... Familiar sa akin ang pangalan..
"Siya ang goddess of darkness" sabi ng katabi ko, kaagad ko siyang nilingon.
Goddess of darkness.. pero patay na siya hindi ba.
"Paano ka nabuhay Nisha.." matapang na tanong ni Cascade, tahimik lamsng ang paligid at tanging mga tunog lamang ng kidlat any naririnig.
"Alam kong alam mo kung paano.. akala niyo ba ay maitatago niyo sa amin ang tungkol sa batang iyan? Matagal akong nanahimik pero hindi ang mga alagad ko"
"Mga diyos ba talaga kayo? Bakit ang tatangs niyo. Nagawa kayong linlangin ni Rufina, nagawa niyang dalhin ang dugo sa Hermonio at buhayin ako" aniya at malakas na tumawa.
Kumuyom ang mga kamao ko at hinanap si Rufina, natagpuan ko siya sa gilid ng isang higante na nakangisi na.. nagdilim ang paningin ko at ang kasunod noon ay ang pagtama ng isang malaking kidlat sa kaniya na dahilan nang pagkamatay niya...
"Ayoko sa traydor.."
"Salamat at pinatay mona siya sa kaniya, wala naman na si-MANAHIMIK KA!" galit kong sigaw at pinatamaan siya ng kidlat ngunit hindi iyon tumalab sa kaniya.
BINABASA MO ANG
HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOL
FantasyTo know her past, Charizel Madrid accept the invitation of Hernandez to go to unknown school. Lumaking ulila at walang magulang si Charizel at tanging ang nag-iisang kaibigan lamang ang kaniyang kasama. At first, she hesitated because she felt that...