Chapter 24

288 13 3
                                    

"Prinsesa" aniya kaya nakaramdam ako ng kaba. Bakit ba trip niyang tawagin akong Prinsesa e hindi nga ako prinsesa.

"Bungol kaba? Hindi naman ako prinsesa" naiiritang sabi ko sa kaniya kaya napatawa siya ng malakas.

Humakbang ito ng isang beses kaya napa atras kame, sila Lian lang naman talaga iyon kaso ay nasa likod ako kaya napa atras ako. Ano ba naman kasi! kung kailang tatlo lang kame tsaka sumugod dito.

"Ang dalawang dragon kanina ang patunay na ikaw ang hinahanap ko" aniya at kinindatan ako.

Natigilan ako at kaagad na nakaramdam ng kaba, paano niya nalaman na sa akin ang dalawang dragon na iyon.

"W-wala akong dragon bobo ka!" Sigaw ko sa kaniya kaya napatawa nanaman siya.

" Isa pang bobo at tanga mo ay pipi- TANGA KA AMPANGET MO!" Pagpuputol ko sa kaniya.

Sumeryoso ang muka neto at galit akong tinignan, juskong mahabagin bakit ba kasi ang kulit ko huhu. Nataranta ako nang umangat ito sa ere at lumipad para sugurin kame. Napapikit nalang ako at hinahantay ang katapusan ko ngunit lumipas ang ilang minuto ay walang nangyari.

"Matigas talaga ang ulo mo Charizel" galit na sabi ni Calix, napaawang ang labi ko habang nakatingin sa kaniya na galit na galit ang muka.

"Ampange-- shut up okay" aniya at inirapan ako.

"The two princes is here, i should go" ani ng lalake na iika-ika na ngayon, mukang napuruhan siya ni Calix nang dumating ito.

"I told you wag kanang babalik dito"

Napalingon kame kay Dean na kalapit na pala namin, ano ba naman itong si Dean kung kelan tapos na ang laban tsaka dumadating.

"Ahhh Hernandez, i miss you. Pero kasi hindi ko mapigilang hindi bisitahin ang Prinsesa" aniya at tumingin nanaman sa akin.

"Wala dito ang Prinsesang sinasabi mo, lumayas kana bago pa kita mapatay" ani Dean at ngumisi.

Ngayon ko lang ulit nakita si Dean na nakakatakot ang itsura, madalas kasi ay muka siyang baliw.

"Ay ganoon ba? Baka nasa mundo ng mga tao? Okay bye" aniya at biglang naglaho sa harapan namin.

Kaagad naman akong nataranta ngunit kaagad ding natigilan nang mapansin na hindi manlang natinag ang mga kasama ko. 

"Hindi ba natin siya susundan? Baka pumunta siya-- no need joshia, the princess is already here" makahulugang sabi ni Dean at tinignan ako ng nakakaloko.

Anong ibig niyang sabihin? Dinala na nila dito ang Prinsesa?

Hindi na ako nagsalita at sumunod nalang sa kanila papunta sa palasyo.

"Bakit tayo papuntang palasyo?" Tanong ko kay Vladimir, tinignan niya lang ako at nag kibit balikat.  Habang naglalakad ay panay lang ang tingin ko sa mga taong nag-aayos sa academy, masyado kasing malaki ang pinsalang nagawa kanina kaya kailangan ayusin. 

Nang makapasok sa palasyo ay dumeretso kame sa Living room, napangiti ako nang makita ang reyna at hari ngunit kaagad ding natigilan nang makita kung sino ang kaharap nila.

H-hindi maaari...

"Joshia titignan mo nalang ba ako?" Aniya habang nakangising naka tingin sa akin. Kaagad akong nag-iwas ng tingin, kapag nakikita ko siya ay naaalala ko ang mga sinabi niya sa akin.

"Mukang hindi masaya ang kaibigan kong makita ako" aniya pa sa isang nagtatampong boses.

"Ha? ano. Hi" iyan lang ang tanging nasabi ko, napaatras ako nang tumayo siya at nakangiting naglakad palapit sa akin.

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon