Ilang linggo na ang nakalipas at panay ensayo padin ang ginagawa ko, ngayon ay gamay kona ang paggamit ng kapangyarihan ko ngunit hindi ko masasabing magaling na ako kagaya nila Calix, nagkakamali padin ako kaya palagi akong nasisigawan ni Calix kagaya ngayon.
Naalala kopa nung pinaakyat niya ako sa bundok ng Sierra, halos limang araw na pa ulit-ulit ko iyong ginawa kaya pa ulit-ulit din akong sinisigawan ni Calix. Dumating pa nga sa punto na muntikan kona siyang ipakaen sa tsunami sa sobrang pagka pikon ko. Sinasamahan nadin ako nila Clara kapag may training kame.
"Joshia! Tititigan mo nalang ba ang kalaban?" Galit na sigaw ni Calix kaya bumalik ako wisyo.
Paepal talaga kahit kailan, ni hindi manlang ako pinag pahinga hindi ba niya alam na napapagod din ako?. Inirapan ko siya bago tinignan ang mga decoy na nasa harap ko. Ginawa ito ni Calix para pag praktisan ko ng paggamit nang pag pana, pangalawang araw na namin itong ginagawa at kung hindi ako nagkakamali ay hindi kame titigil dito hanggat hindi ko napeperfect.
Seryoso kong pinagmasdan ang mga decoy na mabilis na gumagalaw, ipinosisyon ko ang katawan ko at itinaas ang armas at nang masanay ang mga mata ko sa mabilis nilang paggalaw tsaka ko mabilis na pinatamaan ang mga ito. Wala pang isang minuto ay napa tumba kona ang sampung Decoy kaya nakarinig ako ng ilang palakpak galing kela Railey na nanonood sa akin.
Mayabang akong tumingin kay Calix ngunit inirapan niya lang ako, ngumuso ako at sumimangot. Kahit kailan ay hindi niya pa ako pinupuri kahit na alam kong nagagalingan siya sa akin. Umiling ako tsaka lumapit sa kanila, inabutan ako ni Railey ng maiinom kaya kaagad ko iyong kinuha.
"Wala manlang nice one baby" mahinang bulong ko habang nakatingin kay Calix na umiinom ng tubig, Nang magtama ang mga mata namin ay kaagad akong nag-iwas. Narinig niya ba iyong sinabi ko? Napakamot nalang ako sa batok tsaka umiling.
"Kaunting ensayo nalang ay magaling kana sa pag hawak sa armas mo" ani Lian at nakipag apir sa akin, nahihiya ko siyang tinignan at ngumiti.
"Magpahinga ka bukas at uumpisahan na natin ang one on one battle niyo ni Calix" ani Railey na nakapag patigil sa akin.
Ano daw? One on one battle? As in lalabanan ko si Calix? O my god! Nahihibang naba sila?
"Ha?! Gusto mo naba akong mamatay?" Tanong ko, halatang hindi nagugustuhan ang narinig.
Ngumisi si Clara at inakbayan ako " Don't worry! Alam naming kaya mo tsaka kapag nasa totoong laban kana mas malakas pa kay Calix ang maaari mong makalaban" aniya at tinignan ako ng seryoso.
Hindi ako nakapag salita dahil sa sinabi niya, tama siya maaari ngang mas malakas pa ang makalaban ko kesa kay Calix kagaya na lamang nung mga taga hermonio. Hindi ako pwedeng matakot o makaramdam ng takot.
Bumuntong hininga ako at naalala ang sinabi ni Dean, kailangan ko maging malakas bago ko malaman kung nasaan ang mga magulang ko. Kailangan kong magpalakas.
"Mukang nagkakasiyahan kayo dito" ani nang isang hindi pamilyar na boses.
Kumunot ang noo ko at nilingon ang nagsalita, umawang ang labi ko at pinagmasdan ang lalake na naglalakad palapit sa amin. Napatingin ako kay Calix tsaka ibinalik ang tingin sa lalake na nakatingin nadin sa akin.
M-magkamuka sila...
"Oh, the oh so famous Lady of Nature" aniya habang nakatingin sa akin at tumawa.
Kumunot ang noo ko at tinignan siya ng masama kaya mas lumakas ang tawa niya at itinaas ang dalawang kamay na parang sinasabi na suko na siya. Lumakad ako palapit kay Clara at nagtago sa likod niya.
BINABASA MO ANG
HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOL
FantasyTo know her past, Charizel Madrid accept the invitation of Hernandez to go to unknown school. Lumaking ulila at walang magulang si Charizel at tanging ang nag-iisang kaibigan lamang ang kaniyang kasama. At first, she hesitated because she felt that...